Free Essay

Buhay Hayskul

In:

Submitted By ariaarevin
Words 4523
Pages 19
Haaaaayyy… eto na naman ako sa pagpasok. Alam nating ang pag aaral lamang ang siyang makakatulong sa atin para makapagtapos. Kailangan lamang natin ng mga matataas na grado at diploma upang makapagpatuloy sa kolehiyo. Pero bago ako makapuntang kolehiyo, kailangan ko munang dumaan sa apatna taon ng pag aaral. Ako nga pop ala si Daryl BrianD.Nivera at isa po akong bagong pasok na estudyante. Ako ngayon ay nakatira sa bahay naming sa Brgy.East Kamias,kalye kasing-kasing. Dalawa lang kami ng kapatid ko na si Aira Monica D.N ivera. Ang ngalan naman ng aking ina ay si Eva D. Nivera at ang ngalan naman ng aking ama ay Elmer M. nivera. Sa pagpsok ko ng unang taon sa hayskul, tila ako’y naninibago dahil iba na ito sa elemntarya. Ang sabi sa akin ng kapatid kong babae ay pumunta ako sa pila kung saan nandoon ang aking seksyon. Sa pagpila ko sa linya ay may tinanong akong estudyante kung ito ba ang pila ng seksyon ko. Ito naman ay sumagot ng maayos, at sinabing “ oo, ito ang pila ng seksyon natin”. Ang estudyanteng ito ay si Arnold Salomon. Nang makalipas na ang mga sumunod na araw ay unti-unti ng nagkakilala kami at sabihin na nating naging bestfriend ko na siya. Nagkaroon na rin ako ng iba pang mga kaibigan. May mga naging kaklase ako dito na kakilala ko na ng ako’y nasa elementarya . Katulad na lamang ni Mico Agustin at marami pang iba. Isa pa sa mga bago kong kakilala ay si Romeo Rosario. Sabihin na natin na nakaaangat siya sa buhay. Pero mama’s boy … naging kaclose naming siya ni Arnold. Araw-araw pagkatapos ng klase namin ay tumatambay kami sa grotto. Ang grottong ito ay mayroong imahen ni Birheng Maria. Maganda doon sapagkat lilim at malamig kung minsan. Ang itsura ng skul naming ay para ng kolehiyo. Malaki at malawak ang loob nito. May isang covered court at may dalawang canteen. Kapag dumiretso ka naman hanggang pagbaba, ay makikita mo naman ang room ng mga third year highschool. Kapag naman pumasok ka ng skul naming at tumingin ka sa dakong kanan ay makikita mo ang canteen at sa likod noon ay makikita mo ang fourth highschoolbuilding kung saan nag-aaral pa doon ang ate ko. Kase, ng pumasok ako sa Quirino Highschoolay nasa ika-apat na taon na ang ate ko. Nang makita ko ang kanyang year book ay siya’y 8th honorable mention o top 10. Masaya ako dahil ganoon ang naabotng ate ko, dahil masipag siya at matalino. Gayunpaman, sa pagpasok ko araw-araw ay nasanay na akong gumising ng maaga. Kailangan ko gawin yoon upang hindi ako makakuha ng late sa record ng teacher ko. Kapag naman nakapasok ako ng maaga ay mayroon akong pagkakataon na gumawa ng mga asayment ko kung sakaling ako ay tamarin sa paggawa nito. Pero, mas magandang gawin ang asayment pagkauwi para kapag pagpasok mo ng eskwelahan ay wala ka ng iintindinhin pa. Alam ko sa aking sarili na mahina talaga ako sa Matematikang asignatura. Hindi ko ito ipagkakaila. Laging mababa ang nakukuha ko dahil mahina akong maka pick up agad ng lesson dito. Alam naman nating lahat na hindi maiiwasan sa mga eskwelahan ang pagkakaroon ng salitang “crush”. Heheheh :DD alam ko naman sa aking sarili na ito ay isang ekspresyon lamang ng paghanga. Hindi natin ito maitatago sa aking sarili. Ang babaeng tinutukoy ko ay itago na lang natin sa pangalang Dianne. Isa siyang mabait at masayahing tao. Bukod sa maganda siya ay matalinorin siya. Sa mga ganitong panahon ay hindi natin maiiwasang hindi magpakita ng impresyon na may gusto ka sa kanya. Kaya ako, paunti-unti lamang. HAHAHHA. Sabihin nating sa pagpasok ko sa araw-araw ay siya ang dahilan. Pero, bawat araw ay nawawala rin ang aking damdamin para sa kanya dahil mas inuuna ko ang aking pag-aaral at ang aking mga kaibigan. Isang araw, nalaman ko na may lalaki rin palang nagkakagusto sa kanya. Hindi ko na lang sasabihin ang kanyang pangalan, siya si Oliver. Araw-araw ay mas lalo pa silang napapala[it sa isat- isa. Nalaman ko rin na nililigwan na pala siya nito. Nang marinig ko ang mga salitang ito, may kakaiba akong naramdaman. May kaunting kirot ang naramdaman. Nalaman ito ng aking adviser at pinatawag ang magulang ni Dianne, pinag usapan nila ang nangyayari at sinabi kay Oliver na itigil na niya ang kanyang ginagawa. Ng mga sumunod na araw ay unti-unti na ngang lumayo si Oliver kay Dianne. Nakaramdam ako ng saya ngunit ayoko na. Nang dumaan pa ang mga buwan ay naisipan kong sumali sa sports. Ang sinalihan ko ay Table Tennis. Nahikayat akong sumali dahil mukhang masaya itong laruin at napapagaan nito ang pakiramdam ko sa tuwong hawak ko na ang raketa. Isa pang kaibigan ang aking nakilala, siya ay si Marielito Sanchez. Isa siya matangkad na lalaki at may talent sa pagguhit. Siya ang nakasama kong magtraining araw-araw. Sa unang araw ng training ay stretching muna an gaming ginagwa. Ng sumunod pang mga araw ay pahirap na ng pahirap ang aming training. Dahil din sa training ito ay unti-unting bumaba ang aking timbang. Simula sa 50 kilos ay naging 44 kilos na lng ako. Masaya ako sa mga resulta ng aking training. Dahil iniikot lang naman naming ang buong scool ng 10-15 laps araw-araw. Pagkatapos tumakobo ay mag sstretching ulit at magpapraktis na ng table tennis. May mga araw rin na pumupunta pa kami sa isang lugar malapit sa aming eskwelahan upang mas mapaganda pa ang aming training. Ang pangalan ng lugar na ito ay Alliance. Isa itong simbahan ngunit pumupunta lang kami dito kapag walang samba ang mga tao dito. Nakilala ko rin ang isa pang kaibigan na si Jil Alcantara. Isa siyang babae na tahimik peo kapag nakasama mo na siya ay makulit din pala. May mga araw din na wala kaming praktis at niyaya ako ni Marielito na maglaro sa kumpyuteran ng larong Counter Strike. Isa itong larong may baril at mayroon kang mga kakambing kumyuter na ang kumokontrol. Maari ring kayo-kayo lang naglalaro ang magkampihan. Kaya mas madami kayo mas masaya ang larong ito dahil nagiingay kayo sa kumpyuteran. Nang malaro ko ito ay hindi ko pa alam ang mga gagawin, kung ano ang pipindutin. Pinaliwanag sa akin ito ni Marielito at unti-unti ko na itong natutunan. Sabihin nating naadik ako sa paglalaro nito. Minsan isang buong lingo ko itong nilalaro minsan naman ay tatlong(3) beses sa isang lingo ko ito nilalaro. May mga araw pang hindi ko na nagagawa ang mga takdang aralin ko dahil sa pagkaadik dito. Kaya kinabukasan ko na lang nagagawaang mga takda ko. Minsan naman ay hindi ko na nagagawa dahil tinatamad ako. Dumating ang araw na pinagsisihan ko, araw na hindi ako nakapagpasa ng asayment ko. Dahil na rin sa hindi ko nito paggawa ng mas maaga. Hindi pa naman ako sanay na hindi ako nakakapagpasa ng asayment. Grabe ang pagsisi ko sa mga nagawa ko. Dapat talaga nating huwag aksayahin ang bawat oras na tumatakbo dahil hindi mo napapansin ay unti-unti na palang nauubusan ka na. Aking pinagpasiyahan ang nagawa kong kasalanan, hinati ko ang oras ko sa mga ginagawa ko araw-araw, kung wala naman asayment sa araw na iyon ay maglalaro ako. Ngunit kung may mga asayment naman ay ititigil ko muna ang paglalaro. Uunahin ko muna ang paggawa ng mas mahahalagang bagay kaysa sa paglilibang. Alam naman natin sa pagkakaibigan na hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng alitan. Katulad na lamang ng nangyari sa akin at kay Romeo. May mga salita akong nabitawan na kanyang ikinagalit na hindi ko naman sinasadya dahil na rin sa bugso ng aking damdamin sa mga nangyayari. May ilang lingo kaming hindi nagpansinan. Pwera na lng kung may mga group activity at kasama ko siya. Wala naman kaming magagawa kundi gawin ang parte naming sa grupong iyon. Hindi namin maiiwasan na hindi magpansinan. Nang mga sumunod pang lingo ay napagdesisyunan ko ng humingi ng tawad sa mga mga nabitawan kong salita sa kanya. Tinanggap naman niya ang paghingi ko ng tawad. Ganoon pala ang pakiramdam sa sarili, kapag napatawad ka ng isang tao. Wala ng bigat sa iyong pusong dinadala. Panatag na ang puso mo at maluwag na sa kalooban. Nang mga sumunod pang mga araw ay lalo ng dumani ang kaibigan namin ni Arnold at ni Romeo. Masasabi kong naging masaya ang unang taon ko sa mataas na paaralan ng Quirino.

Alam naman natin na sa bawat pagpasok natin sa paaralan ay nadadagdagan an gating kaalaman. Kagaya na lang ng aking ginagawa, araw-araw akong pumapasok para matuto at magkaroon ng kasanayan dito. Sa pangalawang taon ko sa Quirino ay masasabi kong nagsisimula pa lang ang mga pagsubok na darating. Lalong dumarami ang mga takdang aralin , mga proyekto at higit sa lahat ang mga paraktis at mga report. May mga bao akong nakilala sa pagpasok ko dito. May ibang nawala ang iba naman ay nanatili pa rin sa seksyon 1. Ang aking adviser dito ay si Ma’am Espesor na isang dalaga. Sa taong ding ito ay nawala na si Romeo dahil siya ay pinalipat na ng kanyang magulang sa ibang paaralan dahil sa ilang kadahilanan. Kaya naghanap kami ni Arnold ng iba naming katropa dito. Nakilala namin sina Marcleowen Clutario, John Ralf Luna at marami pang iba. Si Marcleowen Clutario ay isang magaling na player sa Counter strike. Lagi kaming talo sa kanya. Heheh :D Si John Ralf Luna naman ay mahilig sa anime at mahilig magbasa ng kung ano ano. May isa pa kaming naging ka close na kaklase dito, siya naman si Ryan Athony Dajotoy. Siya ay 17 taong gulang na. ang hilig niyang asignatura ay Math. Dahil dito siya magaling. Sabihin na lang natin na hirap siya sa buhay kaya tinutulungan naming siya ng mga kaibogan ko. Kada uwian namin ay palagi kaming nagiisip na maaring gawin habang d pa kami umuuwi. Naisip namin na maglaro ng tinatawag na futsal o futbol sa kalye. Isa tong laro na ginagamitan ng papel na binalot namin sa scotch tape para maging bola. Nakahiligan namin ito dahil masaya na laruin ay nakakapag papawis pa kami. Isang araw ng papauwi na kami galing sa eskwelahan ay naisipan naman namin na dumaan sa pinaglalaruan naming computer shop. Ang pangalan nito ay RpR internet café. Nang papasok na kami ay may nakapaskil na bagong laro noon sa pinto. Bago lang ito sa aming paningin dahil laging Counter Strike ang nilalaro namin. Mas maganda ang graphics at ang sounds nito. May mga taong zombie na pinapatay ang soldiers. Ito ang bago naming laro na kinahiligan ang larong Crossfire. Sa bawat uuwi kami ay naglalaro kami nito pero minsan ay hindi dahil dumadami na nga ang mga gawain na ginagwa namin. Sa mga sumunod na araw ay gumawa na kami ng project namin sa T.L.E na isang electric circuit. Binubuo ito ng dalawang bulbs maraming wires at ilang battery. Nang ipina check na namin ito ay ok naman sa series. Pero ng ipacheck naman namin para sa parallel putok ung bulb. Nagulat ako dahil pumutok at napaupo ako sa sahig. Dumating na yung araw ng DAT namin. Nagtest na kami. Syempre walang pinagbago, mababa na naman ang nakuha ko sa Math dahil……. Alam niyo na yon. Ang hindi ako makapaniwala ay ang naging ako ang pinakamataas sa asignaturang Filipino. Hindi talaga ako makapaniwala dahil ang laging mataas sa amin sa Filipino ay si Theresa. Syempre ikinatuwa ko yoon. Dahil doon, pag uwi namin ay nagcelebrate kami, naglaro kami ng Crossfire at lahat kami ay umuwi ng masaya. Ng mga sumunod na araw, ay pinaghandaan naman namin ang presebtasyon para sa nobelang Florante at Laura. Si Aladin ang aking ginampanam. Ako ang tagapagligtas kay Florante sa kanyang pagkakagapos at ako ang pumaslang sa mga na balak sanang kumaii sa kanya. Sa huli ay nagkatuluyan sila Florante at Laura at ang nakatuluyan ko naman ay si Flerida at ang gumanap naman sa kanya ay si Dianne. ( kilig much :’’> ) Alam naman natin na sa pagkakaibigan ay hindi talaga maiiwasan ang pangtitrip. Katulad na lang saken ng umupo ako sa upuan ko ay meron palang glue na nakalagay. Kaya nagalit akow, hindi naman ako papayag na hindi ako babawi, kaya nang lagay dina ko ng glue sa upuan na katabi ko. Hindi ko pala alam na si Luna ang uupo, nang umupo na siya ay nagtawanan ang mga kaklase ko at nagalit naman siya. Nagsigawan ang nga kaklase ko na ako ang naglagay at tuluyan kaming nag away dahil siya din pala ang naglagay ng glue sa upuan ko. Ilang araw lang ang lumipas ay nagkabati rin kami , ako na ang unang humingi ng tawad at sumunod naman siya. Sasabihin ko naman sa inyo ang itsura ng room namin. Masasabi kong malaki ito para sa akin. Tlies ang sahig(piling mayaman lang) tsaka meron kaming sariling lababo. Dalawa pa, pero yung isa hindi na nagfufunction kasi sira ung pihitan ng gripo. Kaya no need na sa floor wax, nagmamap na lang kami. Maganda ang paligid namin kasi puro halaman, maaliwalas tsaka malamig sa pakiramdam. Sa mga sumunod na araw, pinagdala kami ng dissecting set kase ididisect namin ung palaka. Ang palaka namin ay medyo malaki. Nilasing namin yon tapos tinurukan na ng anesticia. Nagsimula na kami sa paghihiwa. Sa simula, antigas hiwain ng balat ng palaka kase ang kunat. Pero hiniwa na namin yung bandang baba, grabe yung lumabas na dugo. Nakita na namin ung lungs tsaka ung puso. Pagkatapos pinicturan na namin yon. Haaaaaaaaayyyy…. Buhay nga naman ng hayskul. Parami na ng parami ang ginagawa, pero parami na rin ng parami ang mga kaibigan ko. Ansaya pala mag aral at matuto kaya mas lalo na akong maghahanda sa mga susunod pang mga taon.

Ikatlong taon na ako. Isang taon na lang ay gagradweyt na ako sa paaralan . ang tanong lang ay kung makakapasa ako sa mga pagsusulit sa bawat asignatura. Ang taon na ito ang masasabi kong puno ng pagsubok at puno rin ng saya. Dahil may mga pangyayaring nagpatawa sa akin at mayroon din naming nagpaiyak sa akin. Nang makuha ko na ang card ko at section para sa ikatlong taon ay nakaranas ako ng pagkalungkot sa aking nakita sa aking card. Nakita kong naging section 2 na ako. Pero hindi ako lubusang nalungkot dahil magkatabi lang pala ang kwarto namin nang mga katropa ko. Ang asignaturang nagpababa sa akin ay ang math. Hindi ko na sasabihin ang dahilan dahil alam niyo na iyon. Alam naman nila na walng kalimutan eh. Ang aming adviser sa taon na ito ay si Ma’am Cuevas. Isa siyang matandang dalaga kaya siya masungit. Pero minsan mabait naman siya. Nang makilala namin siya ay nagiba ang ikot ng mundo. Bsata masungit siya. May mga bago akong nakilalang mga kaibigan sina Marvin Jay, si Mary Josephine, si Jezka,si Romielyn at si Jasmin. Sila yung mga bago kong kakilala. Mukha kasi silang masungit eeee… pero madali naman silang pakisamahan. Mababait pala sila tska….ewan , basta mabait sila. Sa mga sumunod na araw, nagpatuloy na kami sa pagaaral. Nag-aaral na kami sa chemistry. Nay mga pagkakataong nahihirapan akong intindihin pero kamamihan doon ay naiintindihan ko naman. Nalaman ko na rin na ang TLE namin at ito ay tungkol sa electricity. Masasabi kong sa una ay nahirapan ako pero na kalaunan ay naintindihan na rin naman namin. Lagi kaming maydalang wire, plais, at iba pang mga bagay na makakatulong sa amin. Ang teacher namin sa asignaturang ito ay si Mr. Paglicaowan. Nang mga sumunod na araw,ay patuloy kaming nagaral tungkol dito. Kami ay ginuupo sa 5. Dahil kami ay gagawa ng isang board at lalagyan ng mga buzzer upang sunod-sunod na patunugin. Sa una ay nahirapan kami magdesisyon sa pagbili ng mga materyales dahil wala pa gaanong nakababayad. Pero ng kalaunan,nagkaintindihan na kami at nagsimula na akming gumawa. Hindi naman natin maiiwasan na magkaroon ng aksidente. May mga nalalaglag sa upuan dahil walang alalay,may iba naman ay nasusugatan dahil sa mga matutulis na bagay. Katulad sa akin, nasugatan ako dahil sa plais na pang cut. Naipit ako at nagdugo ito ng grabe pero tiniis ko ito para matapos namin agad ung performance namin. Lalo naman akong naging close sa iba naming classmates. Katulad na lamang kay Jasmin. Maganda siyang babae, matangkad, morena at mabait. Pero sa oras na maingayan siya, aba! Wag ka ng lumapit. Sabihin na na lang natin na nagkaroon kami ng closureness dahil sa ilang mga bagay-bagay. Pero ng malaman kong may boypren pala siya, naisipan kong lumayo muna kase baka magalit ang boypren niya. Alam naman natn ang pagmamahal ay hindi natin maiiwasan kaya nagpatuloy pa din kami. Naging mag MU kami o nagkaroon ng mutual understanding. May mga hawak kamay at dala-dala din bag…… Isang araw, nalaman nag boypren niya na nagtetext ako kay Jasmin, nag-away sila kaya dumistansiya muna ako sa kanya. Basta mahabang istorya, pero sa huli ay naging friends kami. Kahit hindi na “kami” kung naging kami man ay friends pa din kami. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat ng pangyayri ko sa buong third year ko, ang malaman kong buntis pala ang ate ko dahil sa boypren niyang walang utak. Dahil dito, nakaapaekto ito ng grabe sa akin. Nagalit ako sa ate ko pero inintindi ko na lang siya kung bakit niya nagawa iyon sa amin ng magulang ko. Dahil siguro, sa pagkakaron ng kuryosidad kaya nagaw nila ang kasalanang iyon. Pero wala na ,andyan na ung baby kaya inalagaan na lang namin ang ate ko hanggang tuluyan siyang managanak. May mga araw na hindi ako nakakapasok dahil nagaalala ako sa ate ko, inaalalagan ko siya at pinagsisilbihan dahil unti-unti nang lumalaki ang tiyan niya. Isang gabi ng patulog na kami, sabe ko sa ate ko, “ate parinig naman ng tiyan mo kung sumisipa na kasi siyam na buwan na iyan”. Pinakinggan ko ito pero wala akong naramdaman na sipa. Sabe ng ate ko ay baka tulog lamang ito. Kinabukasan pumunta sila sa maternity clinic para magpaultrasound sila. Nagulat ang nanay ko dahil hindi na gumagalaw ang baby s loob, agad nilang tinawagan ang tita ko oara malaman. Lubos na nalungkot ang ate ko at muntik na siyang mahimatay. Dahil ang baby sa loob ay patay na. naoverdue daw ito dahil ang ate ko ay hindi daw naglabor. Ganun pala daw ang nangyayari kapag maagang nabuntis ang babae, hindi sila naglalabor. Tinext kao agad ng nanay ko para pumunta doon, sakto sa uwian naman namin iyon. Dumiretso agad ako sa ate ko at tinulungan ko siyang mapagaan ang kalooban niya. Nang makalabas na ang bata ay binihisan muna namin ito ng maganda at saka inilagay sa kabanng upang mahimlay na ito sa kandungan ng Diyos. Ang taba niya at kamukha niya ang ate ko.ang boypren namn ng ate ko ay nakipagbreak sak kanya ng malaman niya ang nangyari sa ate ko. Isa siyang walang kwentang lalaki. Hindi marunong tumupad sa responsibilidad. Hinayaan iya lang ang ate ko. Kaya sinabi ko sa ate ko na kapag nakita ko ung boypren niya ay papatayin ko talaga, nanggigigil talaga ako noon. Kung maari lang pumatay ay nagawa ko na. Nang makalipas na ang mga araw ay unti-unti ng nakalimutan ang mga nangyari. Dinadalaw namin si baby Kirsten tuwing may oras kami. Lalo na kung birthday niya. Balik naman tayo sa iskul, malapit na kami na noon magtapos at guamwa kami ng variety show. Kami ay sumayaw at nagpakasaya ng araw na iyon. Dahil 4th year na kami next year. Tuwing uwian naman ay lagi kaming nagbabasket ball para pampapawis naman. Ansaya talaga maglaro na kung kasama mo ang sandamakmak mong kaibigan. Aking masasabi na ang palapit na ng palapit na pagtatapos ay magiging masayang alalala para sa aking isip at puso. Ang mga pangyayari na nagpaiyak at nagpsaya sa akin ay hindi ko makakalimutan.

Haaaaayyyyyyyyyy….. matatapos na ang hayskul kow…. Nakakayinis naman talaga ohh… pero kahit ganoon naging masaya ang buhay hayskul ko. Buhay ng binatang estudyante na puno ng pagod, saya, pagsubok at kalungkutan.
Ngayon ay isa akong estudyante ng fourth year section two. Ganito pala ang pakiramdam kapag gagaradweyt ka na. sobrang dami ng gawain,asayments, project at hgit sa lahat ay reporting. Siyempre lahat na ng mga nakilala ko sa mga dumaang taon ko sa Quirino ay kakilala ko na. May mga classmate ako na nagtransfer galing probinsya, ang iba naman ay galing dito din sa Quezon City. Nakilala ko dito si Grace Nazareth Asis. Isa siyang babaeng maingay at medyo may pagkabully. Pero, nang dumating na ang January ay nagbago na siya, hindi na siya ganoon ka ingay at ka bully. Nagbago na siya. Nang mga sumunod na buwan ay nagpatuloy na ulit kami sa pagaaral. Ang adviser namin ay Ma’am Maculada. Isa siyang napakabait na guro. Magaling siya sa subject na English. Dahil ito ang paborito niya at sa mga historical tales katluad na lamang ng mga Greek gods and goddesses. Sumunod naman naming teacher sa MAPEH, ay si Ma’am Vargas. Masaya kami dito kasi puro may performance kami. Dito din akmi maraming project. Ako rin ay sumama sa fun run. Ang araw na iyon ang ay isa kong matuturing na masayang araw. Dahil kahit na umaambon ng malakas ay tuloy pa rin kami sa pagtakbo matapos lang namin ito. Pagakatapos noon ay dumiretso na kami sa aming eskwelahan malapitt dito. Kami ng mga kaibigan ko ay kumain ng mainit na lugaw para magkaroon na kami ng almusal. Pakatapos ay dumiretso na kami sa RpR para magcomputer kahit maaga apa. Kami nga lang ang tao doon na nagcomputer ng ganon kaaga.pero masaya dahil naglaro kami ng DOtA. Ansaya pala ulit maglaro noon kasi marami ng nabago. May mga bago ng item build at bago na ring heroes. Pagkatapos noon ay umuwi na kami sa kanya-kanya naming mga bahay para magpahinga. Sa kabilang dako, ang TLe naman namin ngayon ay metal works. Ang teacher naman namin ngayon ay si Sir Adeva. Bihasa na ang teacher namin dito dahil major niya ito. Nahirapan ako dito lalo na sa pagsukat sa ruler dahil hindi ako mdaling makatanda ng mga numero at hindi ako magaling sa pagsukat. Una naming project ay ang paggawa ng lagari. Ang hirap pala magbend ng bakal na 8 mm. anghirap nito tansyahin, kailangan talaga ng masusing pagpihit at pagpantay para maging maayos ang casing. Hindi naman lahat ng lalaki sa amin ay sumama dito. Ayaw kasi nila ng mahihirap na gawain. Ayaw din nila ng room kasi pangit at amoy luma dito. Sumunod naman naming ginawa ay ang candle stand. Ito ang mas mahirap dahil gumawa kami ng bilog sa bakal na sobrang tigas ibent. Dumaan ang ilang mga lingo at natapos din anamin ito ng partner ko sa paggawa na si Israel Sadongdong. Walang hayahay sa amin sa paggawa. Tulungan talaga kami dito. Natapos na namin at masaya kami dahil dito. Kapag naman wala kaming lesson ay nagooutside activity kami sa labas. Pinapaganda namin ung maliit na vegetable farm sa amin. Nagbubungkal kami, nagdidilig kami, at tinatanngal namin ang mga basura sa may bandang dulo nito. Sumunod naman naming teacher dito ay si Ma’am Sonza. Siya naman ang teacher namin sa Physics. Ngunit sandali lamang namin siya nakasama dahil pumunta siya ng ibang bansa dahil siya ay may aasikasuhin siya doon. Pero bumalik din siya noong January. Ang pumalit sa kanya ay isang graduate ng UP na si Ma’am Eden Pelaez. Grabeeeeee……. ang talino niya sa Physics. Lahat detalyado apag siya ang nagtuturo. Kahit maliit siya, she has the beauty and brains. Masasbi ko na isa siyang pro gamer,ay ! pro teacher pala. Hahahha.. isa din siyang masipag na teacher at minsan nakikisama din siya sa trip namin. Ang sumunod ko naman na teacher ay si Ma’am Bitancor. Siya ay masayahing tao. Ngunit kapag seryoso siya ay soersoyo talaga siya. Huwag lang talaga siya gagalitin. Sa isang kadahilanan ay umalis muna siya upang ipaopera ang bukol niya sa tiyan. Kaya may panandaliang nagturosa amin. Ito nga ay si Ma’am Luisa. Galing siya ng private school. Sinubukan niya na magturo sa public at dito siya napunta sa Quirono High School. Siya muna ang pumalit kay Ma’am Bitancor. Siya ay isang dalagang teacher at palabiro rin an tao. Siya ang nagturo sa amin ng mga aralin sa Batikan. Pagkataoos niya ito ituro lahat sa amin ay nagpaalam na siya at nagturo naman siya sa private school ulit. Makalipas lang ang isang buwan ay bumalik na si Ma’am Bitancor na mas masaya na at komportable. Tinapos na namin ang buong EL Filibusterismo at naging malungkot ang katapusan nito dahil namatay si Simoun. Ang sumunod ko naman teacher ay si Sir Rodel Rivera. Siya ang teacher namin sa Araling Panlipunan. Siya ang nakadiskubre sa amin ni Versanni Solis na sabi niya ay may may magandang mukha. Sabihin nalang natin na mga pogi kami….. (joke ) kami ay nagpraktis para sa isang sayaw na nauso ngayong taon at ito ang GANGNAM STYLE. Ilang lingo din kami nagpraktis para dito. Dumating na ang araw na sasayaw kami dahil AP month ito. Grabe ang daming estudyante ang tumuli, kaya di namin gaano marinig ang kanta pero tuloy-tuloy pa din kami. Naging masaya ang araw na ito at puno ng ligaya. Dahil diot ay nagkaroon kami ng fan page sa facebook, ito nga ang Gangnam Boys. Masipag magturo si Sir, bawat detalye ay binibigay niya. Gumawa rin kami ng project na mga lumang pera at masasabi kong nakakuha ako ng mataas na grado. Ngayong patapos na ang taon ay sunod-sunod na ang proyekto namin para sa requirements. Sumunod naman dito ay si Ma’am Molina. Siya naman ang teacher namin sa math, as usual mahina padin ako pero may lesson naman na naiintindihan ko. Masipag din siya magturo, at nakuha niya si Ryan Athony na maging kalahok sa patimpalak upang dahil nga sa matalino ito dito. Pinipilit ko pa rin ang sarili ko na makasunod sa mga itinuturo ni Ma’am Molina. Hidi ako susuko para dito. Ang buhay fourth year ang masasabing kong puno ng mga pagsubok at kasiyahan. Paguran at pagalingan. Ngunit hindi ko ito magagawa kung wala ang tulong ng aking pamilya,kaibigan, mga guro. Sila ang aking naging inspirasyon para masulat ko itong libro na ito. Ang bawat pangayayri dito ay mahalaga at importante sa akin. Nananariwa ang mga masasayang sandal bagamat may malungkot din. Ang buhay hayskul na libro na ito ay hindi ko pa matatapos dahil ang bawat araw ay isang mahalagang sandal. Nawa’y ako ay makagradweyt sa high school, at maging masaya sa kolehiyo. Ang Quirino high School, ang aking naging pangalawang tahanan. Ang aking mga guro ang aking naging pangalawa kong mga magulang. Hindi ko sila makakalimutan at ako ay babalik dito na puno ng pagpapahalaga sa sarili at ako ay magpapasalamat sa kanila na kung wala sila hindi ko maabot ang aking mga pangarap. Totoo nga ang mga salitang, “ ang edukasyon lamang ang siyang hindi maagaw ninoman sa iyo” . dapat itong pahalagahan at ituring na kayamanan na binigay sa iyo ng iyong mga magulang.

Similar Documents

Free Essay

Filipino

...Pareho sila ng mga hilig. Noong bata sila, kung ano ang kay Ella ay ganoon din kay Sofia. Kapag bibili sila ng damit ay parehas sila ng klase, at kulay lang ang pinagkaiba. Ganoon din sa pagbili ng sapatos, gamit sa eskwelahan at iba pang mga bagay. Paborito nilang panoorin ang Spongebob Squarepants at araw-araw nila itong inaabangan sa telebisyon. "Ako si Spongebob at ikaw si Patrick! Magkapatid man tayo, para na din naman tayong mag-bestfriend katulad nila Spongebob at Patrick." sinabi ito ni Ella kay Sofia noong pitong taong gulang siya. Mas maalaga si Ella kay Sofia dahil mas matanda siya at dapat siyang maging ate para kay sofia. Ngunit isang araw ay nagbago ang lahat ng ito. Nagbago ang kanilang pag-iisip ng sila’y tumuntong ng hayskul. Kung dati'y hindi sila mapaghiwalay, ngayo'y parang hindi sila magkakilala. Hindi sila nagpapansinan kahit nasa iisang bubong lamang sila. Ang tingin ni Ella kay Sofia ay nakikipag-kompetensiya ito sa kanya. Nakikipag-pagalingan siya sa kanyang kapatid kahit na wala namang paligsahan na nagaganap. "Lagi na lamang akong ikinukumpara sa'yo!" galit na sabi ni Ella kay Sofia na pinag-ugatan ng kanilang pagaaway. Pareho silang maganda ngunit masasabing mas angat ang ganda ni Sofia. Pero pagdating sa talento ay si Ella ang biniyayaan nito ng Diyos. "May mga bagay na hindi ibinigay sayo ng Diyos. Walang taong perpekto kaya itigil mo na ang pagiisip ng mga bagay na nakakasama ng iyong loob sa akin." wika ni Sofia kay Ella dahil hindi na niya kaya...

Words: 934 - Pages: 4

Free Essay

Hanggan Sa Muli Kaibigan

...Hanggang sa muli kaibigan Inaabangan ng bawat mag-aaral ang buwan ng Marso. Ito kasi ang simula ng tag-init. Isang indikasyon na malapit na ang bakasyon. Ngunit para sa mga 4th year students, ito na ang wakas ng kanilang buhay hayskul at simula ng bagong yugto ng kanilang buhay. Apat na taon na ang lumipas mula ng pumasok sila sa mga pintuan ng MMSU-LHS. Iba't ibang mukha ang kanilang nakahalubilo. Iba-ibang personalidad ang kanilang nakilala. At ang bawat isa sa mga ito ay nagiwan ng tatak na kanilang dala-dala sa loob ng apat na taon at muling dadalhin saan man sila dalhin ng panahon. Hindi makakamit ang tagumpay kung walang taong gagabay at aalalay sa iyo. Hindi aabot ang mga Seniors kung walang gumabay at umalalay sa kanila. Kaya't kanilang inihahandog ang kanilang tagumpay sa mga taong naging dahilan sa kanilang nakamit na pagpupugay. Sa kanilang mga magulang na simula't sapul ay laging nakahandang saklolohan sila. Sila na naghandog ng dugo't pawis upang mabigyan sila ng magandang buhay. Nagsakripisyo sila upang mabigyan ng kasiguraduhan ang kinabukasan ng kanilang mga anak. Sila na kayang baliin ang oras para lamang mabigyang panahon na suportahan ang kanilang mga supling. Sa kanilang mga guro na nagbigay sa kanila ng karunungan. Hindi lang sila nagturo, sila rin ang nagsilbing ikalawang magulang nila. Gumabay at sumuporta sa kanila. Naging kaibigang maari nilang sandalan. Kung wala silang kakapitan, ang mga guro ang kanilang lalapitan. Sa bawat taong naging...

Words: 511 - Pages: 3

Free Essay

Aking Talambuhay

...Benedicta Luzon Arevalo. Ang hanapbuhay ng aking magulang ay negosyo sa Julian Pastor Memorial Market. Kami ay labingapat magkakapatid ako ang bunso. Ang madalas na tawag sakin ng iba ay Phanie. Sa ngayon tatlo na lang kaming napasok sa paaralan ang kua George nasa ikatlong kolehiyo nakuha ng kursong seaman, ate Vivian nasa unang kolehiyo nakuha ng kursong accountancy at ako G-7 hayskul. Noong ako'y nasa elementarya palang ako'y nag aral sa pampublikong paaralan ng Julian A. Pastor Memorial Elementary School. Ang aking hilig ay sumayaw. Ang aking paboritong pagkain ay sphagetti sa pagkakaalam ko pinaglihi ako dito noong pinagbubuntis ako ng aking ina. Ang paboritong kung actress at singer ay si Sarah Geronimo. Ang paborito kung kulay ay rosas at ang paborito kung asignatura ay matematika. Payak lamang ang pamumuhay ng aking pamilya masaya, sama-sama, at tulong-tulong ngunit hindi maiiwasan ang mga problema na talagang susubukin ang isang pamilya pero ang kaylangan lamang ay pagmamahal, pagtutulangan at pananalig sa Diyos upang malampasan ang lahat ng iyon. Sa aking karanasan naman sa buhay ang hindi ko malilimutan ay noong nakagat ako ng aso sa ilong noong akoy bata pa. Ako ay simple lamang mapagmahal, mabait pero matinding magalet. Bilang kaibigan naman ako ay mapag biro at siyempre may pagpapahalaga ako sa mga kaibigan ko at madalas ay inaala ko muna ang kanilang mararamdaman bago ko magsalita. Tuwing ako ay may problema madalas akong umiyak sa Diyos sa Kanya...

Words: 374 - Pages: 2

Free Essay

Epekto Ng Social Media

...Ibat-ibang Epekto ng Social Media Ang paksa ng pananaliksik na ito ay ang mga ibat-ibang epekto at dulot ng mga social networking websites/social media sa buhay natin.Ito ay madalas na nabibigyan ng mga positibong kritisismo at hindi napapansin ng karamihan ang masasamang dulot ng mga ito. Marami na sa ngayon ang may mga account sa mga social networking sites.Mga libangan ng mga kabataan at pati narin ng mga matatanda ang mga sites na ito ngayon, nagiging gumon sa pagkuha ng litrato at kung anu-ano pa, gaya ng sites na FACEBOOK at TWITTER, ngunit hindi lang maganda ang naidudulot nito sa atin maaari rin itong makasakit sa ating kapwa tao o maging sa ating sarili. Sa katunayan, napakaraming mag-aaral sa hayskul ang may mga ganito dahil sinasabi na " IN " ka pag mag ganito ka at magiging “OP” ka naman kung wa ka nito dahil hindi ka makakarelate sa kanilang pinag-uusapan at higit sa lahat,naipapahayag sa buong mundo ang sariling ideya at pananaw natin sa buhay.kaya napakaraming bata ang naghuhumaling na gumawa nito dahil napapadali nga naman ang komunikasyon ng mga tao at easy access nga naman at wala kang babayaran kundi ang pangload mo lamang o ang WIFI, ngunit dahil rin dito marami sa mga estudyante ang na bubully.Pwede din itong gamiting pangblackmail na madalas na nangyayari sa ngayon, maari rin nitong sirain ang ating pag-iisip sa pag-aaral o magiging distorbo ito.Marami pa ang negatibong nadudulot nito sa atin ngunit patuloy parin natin itong ginagamit dahil makakatulong...

Words: 407 - Pages: 2

Premium Essay

Climate Change

...pamilya. Pagsisikapan kong iangat ang aming estado at baguhin ang lahat na ugali na puwedeng makasira sa aming samahan. Titiyakin kong maging maayos ang aming relasyon para mapanatili ang katahimikan sa loob ng bahay. Tutulong ako sa mga problema ng aking mga kaibigan para mapagaan ang bigat na kanilang pinpasan. Hindi ako magdadalawang isip na gabayan at pangaralan sila dahil alam ko ang lahat ng aking ginagawa ay para sa kanilang kinabukasan na ipaangat ang kanilang pamumuhay. Gagawa ako ng isang maliit na grupo na ang hangain ay tumulong sa mga nangangailangan. Papalawakin ko ang isipan ng bawat miyembro para maipamahagi nila ang kanilang kaalaman sa mga taong nasasakupan ng aming barangay. Gagawa kami ng programa na maaaring makapabago sa buhay ng bawat isa. Hihikayatin namin na baguhin ang sistema ng pamamalakad ng aming mga opisyales sa barangay. Gagawa ako ng mga poster, sanaysay, awit at slogan na nagpapahiwatig ng mga bagay na dapat nating gawin upang makatulong sa ating bansa. Lilinangin ko ito at ilalagay sa internet upang makita ito ng mga tao sa buong mundo. Hihikayatin at tutulungan ko ang aking mga kababayan na ipakita at ipamalas ang kanilang talento para isa sila sa mga ipagmalaki ng ating bansa. Magsasagawa ako ng grupo sa buong bansa gamit ng makabagong media para makatulong sa anumang sakuna na maaaring mangyari at ang hangarin ay handang tumulong sa pamahalaan natin. Ang pagtulong ko sa ating bansa ay makakagawa ng malaking pagbabago sa ating pamahalaan upang...

Words: 3082 - Pages: 13

Free Essay

Fili102

...Apendiks A Balangkas ng Pananaliksik ng Ikatlong pangkat ( LANGUAGE GROUP ) I. Pamagat Salik na Nakakaapekto sa Saloobin ng mga Mag-aaral sa Pag-aaral ng Filipino II. Paglalahad ng Suliranin Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy at masuri ang mga salik na nakakaapekto sa saloobin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Filipino Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan : 1. Ano ang profayl ng mga respondent ? 1.1 Kasarian 1.2 Katayuan sa buhay 1.3 Dayalekto / Unang wika 2. Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa saloobin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Filipino ? 3. Anu-ano ang posibleng solusyon sa mga naitalang suliranin hinggil sa saloobin ng mga mag-aaral ? 4. Anu-ano ang mga tiyak na paraan na maaring gawin ng mga guro upang mabago ang saloobin ng mag-aaral hinggil sa Filipino? 5. Ano ang posibleng magiging bunga ng pag-aaral para sa mga gurong nagtuturo ng Filipino ? III. Kalahok Tinatarget ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral ng Filipino sa level sekondari. Ang mga kalahok ay bubuuin ng apatnapung ( 40 ) mag-aaral sa ikatlong antas ng sekondari. Ang pagpili ng mga kalahok sa pag-aaral ay isasagawa ng pa-random Kakailanganin din ang partisipasyon ng mga guro sa Filipino sa pag-aaral na ito upang matiyak ang mga istratehiyang...

Words: 649 - Pages: 3

Free Essay

Pananaw Ng Mga Piling Mag-Aaral Sa Ikaapat Na Baitang Ng Sekondarya Ng Colegio de San Juan de Letran Calamba Sa Pagpili Nang Nais Na Kurso Sa Kolehiyo

...ating sandata upang magkaroon ng maganda at simple na pamumuhay. Ang edukasyon bilang isang propesyon ay sinasabing pagpasok din sa isang bokasyon ng pag-aalay ng iyong sarili upang hubugin ang kaalaman at asal ng mga mag-aaral na siyang pag-asa ng ating bansa. Malaki ang ginagampanang papel ng kolehiyo sa buhay at kinabuksan ng estudyante. Isa sa mga pinakamahirap na desisyon na gagawin ng isang estudyante na magtatapos sa sekondarya ay ang pagpili sa kung anong kurso ang nais niyang tahakin o kunin sa kolehiyo sapagkta ito ang magiging kaakibat ng indibidwal sa kanyang panghinaharap na pamumuhay. Sa artikulo nina Rodman Webb at Robert Sherman (1989), kanilang binahagi na ang salitang career ay maaaring tumukoy sa isang linya ng trabaho o kurso ng propesyunal na buhay ng isang indibidwal. Ang dalawang kahulugan ng salitang ito ay nagpaintindi sa atin na ang karerang tatahakin o kukunin ay kailangang pinag-isipan ng mabuti. Sa pahayag ni Abeliade (1995), kanyang inisaad na ang pinansyal na kasiguraduhan ay isang mahalagang salik sa pagpili ng kurso. Hindi rin alintana ang malaking ginagampanan sa pagdedesisyon ng mga taong nakapaligid sa mga magsisipagtapos ng hayskul. Sa panahon ng mga kabataan ngayon higit na naipapakita ng mga magulang ang kanilang pag-aalala sa pwedeng mangyare sa kanilang mga anak. Kung meron man na may kadismayang mangyari sa anak, mabigat na pasanin ito para sa kanila ayon naman it okay Santrock (2005). Dahil dito, malaking porsyento ng mga magulang...

Words: 1275 - Pages: 6

Free Essay

Pamanahong Papel

...KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO I. Introduksyon Bawat mag-aaral na nasa hayskul ay nasa edad pa ng kanilang pagdadalaga at pagbibinata. Sa ganitong edad, dito nila natutuklasan ang mga pagbabago sa kanilang pisikal, mental, sosyal at maging emosyonal. Nakakatagpo sila ng mga barkada o kaibigan na makakatanggap sa kanila. Sa ganito rin edad mas nangangailangan ng patnubay ng magulang. Ang mga makabagong teknolohiya ay isa sa pinakamaimpluwensyang bagay sa mundo na naaapektuhan ang pag-iisip at pag-uugali nila. Dahil sa maling paniniwala at kulang na rin sa patnubay ng magulang , napupunta sila sa maling direksyon. Ang isa sa pinakapinoproblema ngayon ay ang maagang pagbubuntis. Ang maagang pagbubuntis ay nangyayari kapag ang dalawang tao ay sumubok sa pre-marital sex. Sa ganitong sitwasyon, pareho pa silang hindi handa sa maaaring bunga ng kanilang ginawa. Dito napagdesisyonankung bubuhayin nila o ipapalaglag ang bata. Kapag napagdesisyonan ng babae na bubuhayin ang bata, hindi siya makakapagtapos ng kanyang pag-aaral, hindi niya mabibigyan ng magandang buhay at hindi niya mabibigyan ng sapat na pinansyal ang kanilang anak. Maaaring hahantong ito sa pamimigay o ipapa-ampon na lang ito. Dahil ang ina, iniisip lang nito kung ano ang mas makakabuti sa kanyang anak. “Some parents tend to avoid their daughter because of having their daughter early pregnant. Some parents don’t understand about the situation. It is important that parents are the first persons who...

Words: 3892 - Pages: 16

Free Essay

Study Habits

...Introduksyon          Marami sa mga kabataan ngayon ang may mabababang marka. Hindi ito dahil sa hindi nila maintindihan ang mga itinuturo sa klase. Ito ay dahil marami silang pinagkakaabalahan bukod sa pag-aaral. Talagang napakalayo na ng narrating ng teknolohiya sa paggawa ng mga makabagong kagamitan. Ang mga makabagong kagamitang ito ay ang mga kinalolokohan ngayon ng marami sa mga mag-aaral ng Pilipinas. Ito an gaming piniling pagtuunan ng pansin sa kadahilanang kapansin-pansin, lalo na sa aming klase, na imbes libro at bolpen ang dala ng mga mag-aaral, ang mga daa nila ay PSP, iPod, Laptop at Cellphone. Ang “k-zone” ay isang pambatang magasin. Sa loob ng magasin na ito malalaman ang mga makabagong kagamitan na mabibili sa mga malls ngayon. Ang magasin na io ay may buwanang sipi na may titulong “What’s Hot?” na nagpapakita ng mga sikat na makabagong kagamitan ngayon at mga nalalaos na. Mapansin na kung maglilibot tayo sa bilhan ng mga magasin, maraming kabataan ngayon ang bumubili ng K-Zone. At dahil na ring sa “What’s Hot?” naiimpluwensyahan ang mga kabataan na makiuso sa kung anung bagong kaamitan ngayon. Ang mga naunang pag-aaral patungkol sa mga kadahilanan kung bakit mabababa ang mga grado na nakukuha ng mga mag-aaral sa eskwelahan ay may kinalaman lamang sa problema sa pamilya, lugar kung saan nakatira ang mag-aaral, ang tinatawag na study habit, etc. Ngunit dahil ngayon lamang lumabas ang PSP, iPod, Laptop at Cellphone, wala pang pag-aaral ang naglayong alamin...

Words: 2331 - Pages: 10

Free Essay

Political Science

...Paghahambing ng misyon at bisyon ng Roosevelt College Cubao at Far Eastern University __________________________________________ Ni: HILARIO, JOSE NOEL B. Isinumite bilang pangangailangang papel sa Final Tag-init 2011-2012 Isinumite kay: G. Jorge P. Cuibillas Guro sa Fil 2A FAR EASTERN UNIVERSITY KALYE N. REYES, SAMPALOK, MAYNILA 16 MAY 2012 I. INTRODUKSYON: A. Hangad na tagapakinig at pagpapakilala Ang naturang pananaliksik at pag-aaral ay inilatag at isinagawa upang magkaroon ng masusing obserbasyon ukol sa misyon at bisyon ng kapwa pinag-aaralang institusyon ng Roosevelt College at Far Eastern University. Bukod pa dito ay ang mailarawan at mabigyan ng sapat na substansya ang pag-aaral sa pamamagitan ng paglalatag at pagkalap ng sapat na impormasyon gaya ng pagbibigay ng kasaysayan ng Roosevelt College at iba pa na makatutulong upang mas lalong maipakilala at mabigyang laman ang naturang pag-aaral. Ang makapagtatag ng maka agham na pagsusuri upang makabuo ng analisis tungo sa mabisang paghahambing at pagkakaiba na maghahatid sa isang mabisang aplikasyon. At dahil dito masasabing ang papel na ito ay hangad na maibahagi para sa lahat ng estudyante at mag-aaral, mga guro at propesor, at iba pang mga kagayang mag-aaral at mga dalubhasa. Bigay na ang mga gabay, ang mga sapat na pag-alalay at mga pagbubuyo ng aking guro at propesor na si G. Jorge Cuibillas ako ay nagnanais at umaasa na ang papel na ito ay magkaroon lamang ng kakaunting pagkukulang...

Words: 2171 - Pages: 9

Free Essay

Weeee

...Suring Basa I. A. Pamagat ng Katha Tayong mga Maria Magdalena B. Awtor Fanny A. Garcia II. Buod ng Katha Nagbukas ang kwento sa pakikipag-usap ni Hilda sa isang babae na baguhan pa lamang sa bar na pangalan ay Uncle Tom’s na pagmamay-ari ng isang Amerikano, si Thomas Dewey. Ibinahagi niya ang kanyang buhay, simula sa kanyang kabataan at kung paano din siya nagsimula magtrabaho sa Uncle Tom’s. Si Hilda na kilala din bilang Ne ay lumaki na ulila sa ama kaya ang kanyang Nanay na lamang ang nagpalaki sa kanya. Pinalaki siya ng kanyang ina na maging konserbatibo sa pagkilos at sa pananamit. Kilala siya sa kanilang lugar, ang Looban, dahil sa angkin niyang kagandahan. Nang nakatapos na ng hayskul, nagtrabaho siya bilang weytres sa isang restoran upang mapagipunan ang matrikula niya sa kolehiyo dahil pangarap niya maging nars. Sa restoran na iyon ay nakilala niya si Mother, isang Mama-san, inaaya siya na maging a-go-go dancer sa isang bar kung saan malaki ang makukuha niyang sweldo. Pumayag siya at simula noon ay nag-iba na ang itsura, pananamit at pagkatao niya. Natuto siya gumawa ng mga masasamang gawain tulad ng pag-iinom, paggamit ng droga, pakikipatalik at pagpapalaglag ng bata kagaya ng ibang regular bar girl dahil sa mga hindi inaasahang mga pangyayari. Nalaman ng mga taga- Looban at ng kanyang ina ang tungkol sa pag- a-go-go dancing niya noong siya ay nakita ng kanyang kababata. Sa kabila ng mga panghuhusga ng mga taga-Looban sa kanya, ang pagmamahal ng kanyang...

Words: 1606 - Pages: 7

Free Essay

Pananaliksi

...A. PANIMULA Ang edukasyon ay isang pundasyon ng mabuting pamumuhay. Ito ay naglalayon ng pagkatuto ng isang katauhan. Sinasabi din na ito ay isang proseso ng pagkuha ng kalaaman kaya naman ito ay nagdudulot ng benepisyo sa ating mental, pisikal, emosyonal at maging sa ating espiritwal. Pinapabuti nito ang bawat aspekto ng ating buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga kaalaman sa lahat ng bagay. Sumakatuwid, napakahalaga ng edukasyon sa bawat mamamayan ngunit maraming estudyante sa kolehiyo at hayskul ang hindi nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral. Ayon nga sa UNESCO (United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization), “Ang edukasyon ay isang prinsipyo ng karapatang pantao at ito ay isa ring pagsasanay sa iba pang karapatang pantao na nagtataguyod ng indibidwal na kalayaan, nagbibigay kalakasan at nagbubunga ng paglago. Subalit milyong mga kabataan maging mga matatanda ang hindi napapagkalooban nito dala ng kahirapan sa buhay.” Bunga nito, ang mga pursigidong mag-aaral na may pangarap na makapagtapos ng pag-aaral ngunit sa kakapusan ng kuwalta ay hindi sila nabibigyan ng pagkakataon, pumapasok na lamang sa pagtatrabaho. Naaapektuhan nga ba ng kanilang pagbabanat ng buto ang kanilang pagganap sa paaralan? Ang pagtatrabaho habang nag-aaral ay makapagdudulot din ng tagumpay kung sa kanilang pagtatrabaho ay matututunan nila ang pagiging masipag, matiyaga at magkakaroon sila ng ‘time management skills’. Sa kabilang dako naman, maaari din itong makapagpalubha...

Words: 2249 - Pages: 9

Premium Essay

Blar

...Isang Pagaaral Tungkol sa Epekto ng Social Networking Bilang Public Property sa mga Magaaral ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa mga Piling Kolehiyo at Hayskul Isang Pananaliksik Papel ang Ipinasa kay: Gng. Zendel M. Taruc Kagawaran ng mga Wika UST, Kolehiya ng Nursing Bilang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa kurso ng Filipino 2: Pagbabasa at Pagsusulat Tungo sa Pananaliksik Ika-2 Semester, TA: 2007-2008 Ipinasa nina: Banzon, Jose Paulo Luigi A. Bayot, James C. De Chavez, Renz Irvin A. Isidro, Robin Delfin Lopez, Victor Rico P. Paulino, Alberto P. III Surell, Rusell John P. Unas, Janssen Dion T. Versoza, Jonas Ian R. I-1 Marso 7, 2008 TALAAN NG NILALAMAN Pahina I. Ang Suliranin at Kaligirang Pag-aaral a. Abstrak b. Mga Layunin II. III. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Disenyo at Paraan ng Pananaliksik a. Metodolohiya b. Presentasyon, Pagsusuri, at Interpretasyon ng Datos IV. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon a. Lagom b. Kongklusyon c. Rekomendasyon V. Bibliografiya 1-2 1 2 3-15 16-22 16-17 17-22 23-25 23 24 25 27-29 I. Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral 1. Kaligiran ng Pag-aaral(abstrak) Ang pag-aaral ay tungkol sa epekto ng social networking bilang public property. Ang papel ay naglalarawan sa pananaw, kaugalian, at ideya ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng Santo Tomas sa mga piling kolehiyo at hayskul. Ang ginamit na instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay isang sarbey na naglalaman ng mga open at close- ended na mga katanungan tungkol sa ideya...

Words: 6878 - Pages: 28

Free Essay

Working Students

...A. PANIMULA Ang edukasyon ay isang pundasyon ng mabuting pamumuhay. Ito ay naglalayon ng pagkatuto ng isang katauhan. Sinasabi din na ito ay isang proseso ng pagkuha ng kalaaman kaya naman ito ay nagdudulot ng benepisyo sa ating mental, pisikal, emosyonal at maging sa ating espiritwal. Pinapabuti nito ang bawat aspekto ng ating buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga kaalaman sa lahat ng bagay. Sumakatuwid, napakahalaga ng edukasyon sa bawat mamamayan ngunit maraming estudyante sa kolehiyo at hayskul ang hindi nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral. Ayon nga sa UNESCO (United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization), “Ang edukasyon ay isang prinsipyo ng karapatang pantao at ito ay isa ring pagsasanay sa iba pang karapatang pantao na nagtataguyod ng indibidwal na kalayaan, nagbibigay kalakasan at nagbubunga ng paglago. Subalit milyong mga kabataan maging mga matatanda ang hindi napapagkalooban nito dala ng kahirapan sa buhay.” Bunga nito, ang mga pursigidong mag-aaral na may pangarap na makapagtapos ng pag-aaral ngunit sa kakapusan ng kuwalta ay hindi sila nabibigyan ng pagkakataon, pumapasok na lamang sa pagtatrabaho. Naaapektuhan nga ba ng kanilang pagbabanat ng buto ang kanilang pagganap sa paaralan? Ang pagtatrabaho habang nag-aaral ay makapagdudulot din ng tagumpay kung sa kanilang pagtatrabaho ay matututunan nila ang pagiging masipag, matiyaga at magkakaroon sila ng ‘time management skills’. Sa kabilang dako naman, maaari din itong makapagpalubha...

Words: 2250 - Pages: 9

Free Essay

Effect of Computer Games to Students

...I. INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK A. Paglalahad ng suliranin Sa panahon ngayon, madaming kabataan ang sadyang naadik sa paglalaro ng computer games. Sa paglalaro ng computer games, naapektuhan ang isip ng isang manlalaro dahil siya ay nagkakaroon ng mga pantasya ukol dun sa nilalaro niya. Ang madalas na nagbibigay ng epekto ay ang mga computer games na may karahasan na kasama. Mga larong may temang sex, pagpapaslang at paggamit ng mga sandatang nakakamatay. B. Pag-aaral May mga kaso sa ibang bansa tungkol sa mga negatibong epekto ng paglalaro ng computer games, kinokopya ng mga manlalaro ang mga aksyon at isinasabuhay ito, dahil sa sobrang paglalaro ng computer games naaangkop na nila at ginagaya ang kanilang nakikita na lalong nagiging adik sila dahil sa kaharasan. Ang iba naman ay nagbibigay ng positibong epekto sa pamamagitan ng pagbibigay ng lesson na magaganda at ginagawang mas malawak ang imahinasyon ng isang manlalaro. Ito yung mga ginagamit nila sa pag aaral o mga talentong na nahahasa na kanilang nakikita sa pagiging malikhain at sa mga sosyal na akitibidades ng laro. C. Layunin Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang maging kumpleto ang grado sa kursong FILIPINO II, ito ay isang “requirement”upang makapasa. Pwede rin ito sa mga kabataan, lalo na yung hindi na maalis ang kamay sa keyboard at ang grado ng salamin ay umaabot ng libo libo sa dahilan na isa siyang adik o manlalaro ng computer games. Ito ay para sa mga interesado malaman ang mga posibleng...

Words: 2021 - Pages: 9