Free Essay

Noli Me Tangere: Ang Pagtitipon

In:

Submitted By mikeeyeah
Words 427
Pages 2
“Nakatakdang ganapin sa gabing iyon ang marangyang handaan sa tahanan ni Don Santiago Delos Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago. Ang nasabing handaan ay upang magsilbing pasalubong sa isang binatang kagagaling lamang sa Europa, na hindi iba sa Kapitan sapagkat ito ay anak ng kanyang matalik na kaibigan. Ang pagsalubong ay gaganapin sa kanyang bahay sa kalye ng Anluwage. Napuno ng mga panauhin ang tahanan ni Kapitan Tiyago, sapagkat sa lugar na iyon, isang malaking karangalan ang maging panauhin ng Kapitan. Kilala siya bilang taong nabibilang sa mataas na lipunan at matulungin sa mga mahihirap. Si Tiya Isabel na pinsan ng Kapitan ang taga-istima ng mga bisita, at sadyang magkakahiwalay ang mga panauhing babae sa mga lalake. Nagpakahuling dumating ang ibang mga panauhin, kabilang na sina Dr. de Espadaña at ang kabiyak nitong si Donya Victorina. Sa lahat ng mga panauhin ng Kapitan, hindi nagpapahuli ang kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok; Si Padre Damaso na sadyang magaslaw kumilos at magsalita; dalawang paisano; at si Tenyente Guevarra, ang tenyente ng guardia civil. Bawat grupo ng mga panauhin ay may kani-kaniyang paksa, isang pagkakataon upang ipagparangalan ang kani-kanilang saloobin, humanap ng papuri, at makipag-tagisan ng kuro-kuro. Napag-usapan sa gabing iyon ang tungkol sa mga Indio na walang iba kundi ang mga Pilipino; ang tungkol sa pagkakatanggal ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego sa kabila ng paninilbihan nito ng matagal na panahon; ang tungkol sa pulbura at armas, monopolyo ng tabako at iba pa. Hindi na pinalagpas ni Pare Damaso ang pagkakataon upang ihayag niya ang matinding panlilibak sa mga Indio, na ayon sa kaniya ay mga hamak at mabababang uri ng nilalang. Gumawa naman ng paraan si Pare Sybila na ibahin ang usapan at ito ay napadako sa pagkakatanggal ni Padre Damaso bilang kura paroko sa loob ng 20 taon. Ayon kay Pare Damaso, hindi dapat nakikialam ang hari ng Espanya sa pagpaparusa sa mga erehe sapagkat ito ang nararapat. Ito naman ay tinutulan ng Tinyente at inilahad na ang nangyaring parusa ay marapat lamang sa pananaw ng Kapitan Heneral. Ipinaliwanag din nito na ang dahilan ng kanyang pagkakalipat ay sapagkat pinahukay nito ang bangkay ng isang marangal na lalaki, na pinagbintangang erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang bagay na ito ay nakapagpagalit ng lalo sa pari, lalo na nang maalala nito ang mga nawaglit na mahahalagang kasulatan. Namagitan uli si Pari Sybila upang pakalmahin ang mahahayap na pananalita ni Padre Damaso. Kalaunan ay lumawig muli ang talakayan.”

Similar Documents

Free Essay

Research Paper

... Filipino NOLi me tangere Name: yaser h. portuguez Section: III-st john bosco Summary May handaan sa bahay ni Don Santiago de los Santos. Maraming handa, Dumalo ang mga kaibigan at kakilala ng Don. Nagsidalo rin pati na ang mga taong hindi inimbita. Masaya ang lahat sa nasabing pagtitipon. Kaya lamang ay nauwi sa pagtatalo ang pagsasaya ng iba, tulad ng nangyari kina Padre Damaso at sa tenyente ng guardia civil. Talo pa nila ang mga walang pinag-aralan. Dumating mula sa Europa si Crisostomo Ibarra, anak ng namatay na si Don Rafael. Hinangaan siya at binati ng maraming panauhin sa bahay ni Kapitan Tiyago. Nagulat si Crisostomo Ibarra sa pagtatakwil ni Padre Damaso sa kanyang pag-aalala nang lapitan siya ni Tenyente Guevarra at purihin niyon ang kanyang ama. Masaganang hapunan ang inihanda ni Kapitan Tiyago bilang pasasalamat sa Mahal na Birhen sa pagdating ni Crisostomo Ibarra mula sa Europa. Ang pakikipag-usap ng ilang panauhin kay Ibarra habang naghahapunan ay humanga sa pagsasalaysay niya ng kanyang nakikinig sa kanyang pagsasalita, marami ang namasid at palagay tungkol sa kalagayan ng mga bansang nalakbay na niya. Ang opinyon ni Padre Damaso ay pagsasayang lamang ng salapi ang gayon. Nainsulto si Ibarra sa ipinahayag ng dating pari sa kanyang bayang San Diego. Umalis siya nang hindi pa tapos ang hapunan. Isinalaysay ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra ang naging dahilan ng pagkakabilanggo at pagkamatay ni Don Rafael...

Words: 1520 - Pages: 7

Premium Essay

Dr. Jose Rizal Bipgraphy

...Realonda Y Quintos. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado Alejandro at Teodora Alonzo Realonda Quintos. Ricial, dito nagmula ang pangalang Rizal na nangangahuluganag "mula sa bigas o palay" ng luntiang kabukiran. Ito ay alinsunod sa kapasyahan ng Kapitan Heneral Claveria noong ika-27 ng Nobyembre,1849. Si Rizal ay bininyagan noong ika-20 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang nagbinyag sa kanya ay si Padre Rufino Collantes at si Padre Pedro Casañas ang kanyang naging ninong. Noong 1864, siya'y tatlong taong gulang, tinuruan siya ng kanyang ina ng abakada at nang siya'y siyam na taong gulang na ay pinadala siya sa Biñan at nag-aral sa ilalim ni Justiniano Aquino Cruz. Ika-20 ng Enero, 1872 ay pumasok si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila dito siya nagtamo ng kanyang pangunahing medalya at notang Sobrasaliente sa lahat ng aklat. Noong ika-14 ng Marso, 1877 tumanggap siya ng katibayang Bachiler en Artes at notang Sobrasaliente kalakip ang pinakamataas na karangalan. Nag-aral siya Filosopia Y Letras sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1878 at Agham sa pagsasaka sa Ateneo. Sa Ateneo din siya ng panggagamot. Ika-5 ng Mayo, 1882. Siya ay nagtungo sa Europa sa gulang na 21 upang magpatuloy ng pag-aaral. Sapagkat hindi siya nasisiyahan sa pagtuturo sa eskwelang pinapasukan. Noong 1884, nagsimula si Rizal sa pag-aaral ng Ingles. Magtatapos ang 1884 at magsisimula ang 1885 nang sinulat ni Rizal ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid. Ang ikaapat na bahagi...

Words: 4420 - Pages: 18

Free Essay

Factors Affecting Study Habits

...9 Panitikang Asyano Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga mula sa mga publikong paaralan, kolehiyo at/o unibersidad. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. DRAFT April 1, 2014 Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas (Gabay ng Guro) 1 DRAFT April 1, 2014 MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG TIMOG-SILANGANG ASYA 2 I. PANIMULA Matapos na pag-aralan sa Baitang 8 ang mga panitikang pambansa, tiyak na napaghandaan ng mga mag-aaral ang malalim na pagtalakay at pag-unawa sa iba’t ibang genre ng panitikan ng mga karatig-bansa sa Asya. Sa Modyul1, matutunghayan natin ang mga akdang pampanitikan ng TimogSilangang Asya. Inaasahan nating ang mga aralin sa module na ito ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na maintindihan ang iba pang kultura at pamumuhay ng mga tao ng karatig-bansa ng Pilipinas. Inaasahang pagkatapos ng Unang Markahan, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pamapanitikan ng Timog-Silangang Asya sa tulong ng teknolohiya at mga estratehiya na gagabay sa mga mag-aaral sa higit na malalim at kapaki-pakinabang na pagkatuto. Nilalayon ng Modyul 1 na nakagagawa ang mga mag-aaral ng isang malikhaing panghihiyakat sa pamamagitan ng book fair at ilang pamamaraan na kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral...

Words: 8963 - Pages: 36

Premium Essay

Rizal

...sBUHAY, GINAWA, AT MGA SINULAT NI JOSE RIZAL KABANATA 1 - ANG PAGDATING NG PAMBANSANG BAYANI A.    Pagsilang 1.     Isinilang si Rizal Noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna 2.     Bininyagan sa simbahan ng Calamba noong Hunyo 22, 1861. 3.     Padre Rufino Collantes - paring nagbinyag kay Rizal 4.     Padre Pedro Casanas - nagsilbing ninong ni Rizal A.    Magulang 1.     Francisco Mercado 1. Ipinanganak noong Mayo 11, 1818 2. Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Colegio ng San San Jose 3. Lumipat ng Calamba upang maging kasama sa Haciendang Dominicano sa Calmba. 4. Namatay noong Enero 5, 1898. 2.     Teodora Alonzo 1. Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa Maynila 2. Nag-aral sa Colegio de Santa Rosa 3. Mayroong interes sa literatura at mahusay sa wikang Espanyol. 4. Namatay noong Agosto 16, 1911 A.    Magkakapatid na Rizal 1.                 Saturnina 2.                 Paciano 3.                 Narcisa 4.                 Olympia 5.                 Lucia 6.                 Maria 7.                 Jose 8.                 Concepcion 9.                 Josefa 10.            Trinidad 11.            Soledad A.    Mga Ninuno 1.     Ninuno sa Ama 1. Domingo Lamco (Mercado) napangasawa si Ines de la Rosa naging anak si 2. Francisca Mercado at napangasawa si Cerila Bernacha naging anak si 3. Juan Mercado at napangasawa si Cerila Alejandro at naging anak si 4. Francisco...

Words: 16364 - Pages: 66

Premium Essay

Rizal

...TALAHANAYAN NG BUHAY, GINAWA, AT MGA SINULAT NI JOSE RIZAL KABANATA 1 - ANG PAGDATING NG PAMBANSANG BAYANI A. Pagsilang 1. Isinilang si Rizal Noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna 2. Bininyagan sa simbahan ng Calamba noong Hunyo 22, 1861. 3. Padre Rufino Collantes - paring nagbinyag kay Rizal 4. Padre Pedro Casanas - nagsilbing ninong ni Rizal A. Magulang 1. Francisco Mercado 1. Ipinanganak noong Mayo 11, 1818 2. Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Colegio ng San San Jose 3. Lumipat ng Calamba upang maging kasama sa Haciendang Dominicano sa Calmba. 4. Namatay noong Enero 5, 1898. 2. Teodora Alonzo 1. Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa Maynila 2. Nag-aral sa Colegio de Santa Rosa 3. Mayroong interes sa literatura at mahusay sa wikang Espanyol. 4. Namatay noong Agosto 16, 1911 A. Magkakapatid na Rizal 1. Saturnina 2. Paciano 3. Narcisa 4. Olympia 5. Lucia 6. Maria 7. Jose 8. Concepcion 9. Josefa 10. Trinidad 11. Soledad A. Mga Ninuno 1. Ninuno sa Ama 1. Domingo Lamco (Mercado) napangasawa si Ines de la Rosa naging anak si 2. Francisca Mercado at napangasawa si Cerila Bernacha naging anak...

Words: 15260 - Pages: 62

Free Essay

No One

... | | |      Ayon pag-aaral ni Cesar Majul,  ang pangunahing pananaw ni Rizal sa "tao" ay bilang isang nilalang na moral at ang | | |"lipunan" bilang sistema ng ugnayang moral. Ang teorya ni Rizal sa tao at lipunan ay may dalawang mithiin. Una, nais niyang | | |ikintal at palaguin sa isipan ng kanyang mga kababayan ang pagkakaroon ng moral na dignidad. Pangalawa, ninais niyang mgahain | | |ng apela sa Espanya upang bigyan ng pagkilala ang mga karapatan ng mga Pilipino. Kanyang pinanindigan na ang pag-unlad ng moral| | |na dignidad ng mga Pilipino ay ang paangunahing sangkap sa pagtaguyod ng ilang pangunahing reporma at sa pagkilala ng kanilang | | |karapatan, ito'y paawang hinihiling sa pamahalaan ng Espanya. Ang konsepto ni Rizal ng "tao" at "lipunan" ay ginagabayan ng | | |tatlong pangkabuuang prinsipyo. Una, ang tao by nature ay nagtataglay ng natatanging intelektwal at moral na kakayahan. | | |Ikalawa, ang mga kakayahang ito ay may natural na agos tungo sa pag-unlad, pag-unlad na sa pagkakahulugan ay kabuuang pag-unlad| | |o perpeksyon ng intelektwal at moral na bahagi ng tao. Ikatlo, anumang pagsubok na pigilin ang kakayahan ng tao o ng natural na| | |pag-unlad ay ikakasirang moral ng tao. Dito, naniniwala si Rizal na mayroong malalim na halaga ang tao na dapat pabayaang hindi| | |mapagsamantalahan at hayaang umunlad....

Words: 6956 - Pages: 28

Free Essay

Filipino

...sa Mag-aaral D Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. ng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at Kagawaran ng Edukasyon sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, Republika ng Pilipinas kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. EP E D C O PY Filipino – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang ...

Words: 47092 - Pages: 189