Free Essay

Pagmamaton Bilang Problema Ng Lipunan

In:

Submitted By Friccion
Words 639
Pages 3
Pagmamaton Bilang Problema ng Lipunan

I. Ano ang pagmamaton? II. Sino ang may kinalaman dito?

A. Sino ang madalas na inaapi?
Sa pagmamasid sa silid-aralan, maraming uri ng bata ang makikita. Karamihan sa kanila ang mga dugyutin at madungis. Karaniwang ganito ang itsura ng biktima ng paghahari-harian.
Ang biktima ng pagmamaton o pambubuli ay kadalasang iyong mga maliliit na bata na iyakin. Palagi silang nakabuntot sa kanilang mga nanay at hindi nakakapag-isa. May mga pagkakataon pa ngang ayaw nilang magpaiwan sa paaralan.
Ang mga batang ito ay nakararanas ng paghihirap sa pakikisama sa labas ng tahanan. Dahilan nga sa sila di umano’y hindi tinatrato ng tama, nawawalan sila ng lakas ng loob upang humarap sa mga kapwa niya bata. B. Paano malalaman kung ang isang tao ay nang-bubulyas?

Dahil madalas makita ang pag-mamaton sa paaralan, ang mga deskripsyon ng maton sa bata ay karaniwang malalaking bulas. Iyon ay iyong mga tipo ng batang hindi kasundo ng mga guro dahil daig pa ang sanggol kung mag-inarte. Sila ay madalas mabansagang “KSP” o kulang sa pansin sapagkat ang kalikutan nila ay tila nagsasabing “nais naming kunin ang atensyon mo araw araw”.
Kadalasan, lalaki ang bihasa sa ganitong gawain. Sila ang laging laman ng opisina ng guidance at mga sumbungan. Siyempre, mayroon ding mga kababaihan, ngunit malimit at di madalas makita.
Maraming napapanood sa mga palabas sa telebisyon na may pag-mamaton o pagsisiga-sigaan. Madalas, sa mga cartoon o palabas na pambata ito makikita. Karaniwang itsura ng mga batang siga ay mga malalaki o matatabang lalaki na laging nakahanda ang kamao para manakit. Malaki rin ang kanilang boses na kahit sino’ng makarinig ay kinikilabutan. Matatalas ang dila nila na tila ba’y hindi na sila mga bata.
Ngunit di lang naman sa itsura o panlabas na anyo natutukoy ang isang nagmamaton. Hindi masasabi na ang tao ay maton kung hindi siya kumikilos na naaayon dito. Ano nga ba ang mga palatandaan para malaman kung ang isang tao ay bully?
Ayon sa aklat na “Being Bullied” ni Joy Berry, ang isang bully ay nang-aapi dahil: 1. …naiinggit sila sa iba. Madalas isipin ng mga ganitong tao na hindi sila kasing galling ng iba, o wala silang tiwala sa kanilang mga sarili. Ginagamit nila ang dahas upang ipakita na mas malakas o mas magaling sila sa ibang tao sa paligid nila. 2. …kailangan nila ng atensyon. Maaaring sa tahanan, o sa eskwelahan, o sa mga kaibigan nila hinahanap ang ganitong mga bagay. 3. … sila ay takot. Natatakot sila masaktan ng iba. Kaya bilang pangontra, sila ang nananakit. 4. … sila ay galit. Gusto nilang ipakita ang galit nila at ipinapakita nila ang kanilang galit sa pamamagitan ng paghahamon ng away.
Maraming paraan ang mga bully para manakot. May taglay silang katangian na tanging sila lamang ang mayroon. Magaling silang manindak at magpasunod. Dahil dito, nagmumukha silang nakatataas at kinatatakutan sila ng lahat.
Ayon sa isang dating bully, “Masaya mang-asar. Kasi kung hindi ikaw ang gagawa, ikaw ang gagawan.”
“Naaalala ko pa noon,” dagdag pa niya, “tinawag ko na unggoy yung kaklase ko. Nagalit siya at sinabunutan niya ko. Noong nakita kami ng aming guro, pinagsabihan kami at may kasama pang kurot. Napakasakit noon. At noong sinundo na ako ng papa ko, ako ang umiyak sa kanya. Natatawa na lamang ako sa tuwing naaalala ko ang bagay na iyon. Pero, hinding hindi ko iyon ikakahiya.”
Sa karanasang ito ng nasabing bully, kapansin pansin na sa huli lamang umiyak ang salarin. Mahihinuha na ang dahilan ay ang takot sa guro o sa kanyang ama. Sa madaling sabi, kahit ang mga taong ito na madalas makita na nangunguna sa away ay may mga kahinaan din. Hindi man nila ipakita o sabihin, sa loob nila ay may tinatago din silang kani-kanilang problema na nagiging sanhi ng kanilang pang-aapi.

Similar Documents