Free Essay

Panitikan

In:

Submitted By dengamis
Words 2151
Pages 9
Teodoro Agoncillo

November 9, 1912, isinilang sa Lemery, Batangas si Teodoro Andal Agoncillo. Kilala natin siya na senior author ng isa sa pinakapopular na teksbuk sa nakalipas na limang dekada, ang History of the Filipino People na malamang sa malamang nagamit natin noong tayo ay nag-aaral pa. Nagtapos siya ng BA at MA sa Kasaysayan sa Unibersidad ng Pilipinas. Ngunit marahil, kaya naging popular na historyador ay dahil sa galing ng kanyang panulat. Bago kasi siya nagturo sa UP ay nagtrabaho muna siya sa Surian ng Wikang Pambansa, kilala sa kanyang mga tula at kwento.
Isa sa kanyang mga tula ay ang “Republikang Basahan” na isinulat noong panahon ng mga Hapones: “Republika baga itong busabos ka ng dayuhan, ang tingin sa tanikala’y busilak na kalayaan? Kasarinlan baga itong ang bibig mo’y nakasusi, ang mata mong nakadilat ay bulag na di mawari?”
Nagwagi siya ng unang gantimpala sa Paligsahan ng Republika ukol kay Andres Bonifacio noong 1948 para sa kanyang obra maestrang The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan. Dahil sa kanyang mga aklat ukol sa Rebolusyong Pilipino at panahon ng mga Hapones sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, walang nais na magturo ng mga subject na ito sa Unibersidad ng Pilipinas kahit wala siyang doktorado. Sabi niya kay Ambeth Ocampo, “Sinong magtuturo sa akin?”
Sa mga akda raw naaalala ang mga tao, hindi sa mga titik na sinusundan ng kanyang pangalan. Tomoh! Isa sa tagapagtatag ng Philippine Historical Association noong 1955 at naging tagapangulo ng UP Departamento ng Kasaysayan mula 1963 hanggang 1969. Kung tutuusin, ipinagpatuloy niya ang hindi natapos na gawain na sinimulan ni José Rizal sa kanyang mga anotasyon sa Sucesos de las Islas Filipinas ni Morga, ang pagsulat ng kasaysayan ng Pilipinas mula sa pananaw ng mga Pilipino. Bago kasi si Agoncillo, nagsikap ang mga historyador na Pilipino na sumulat sa positibistang pananaw, obhektibo, isalaysay ang nakaraan batay sa mga nakasulat na dokumento. Ngunit, alam naman natin na ang mga dokumento ay isinulat ng mga dayuhan at mga mayayaman kaya tila naging litanya lamang ito ng mga datos na hindi tayo maka-relate. Kay Agoncillo, nabigyan ng kulay sa kanyang panulat at damdaming makabayan sa kanyang pananaw ang pagbabasa ng nakaraan. Sa kanyang pagreretiro noong 1977, pinuri siya ng kanyang mga kasama bilang “Ama ng Maka-Pilipinong Pananaw sa Kasaysayan ng Pilipinas.” Namatay siya noong 1985.
ALEJANDRO G. ABADILLA
Si Alejandro G. Abadilla (March 10, 1906 – August 26, 1969) ay makata, sanaysayista, at kuwentista. Nag-aral siya sa Mababang Paaralan ng Baryo Sapa, at pagkaraan sa Mataas na Paaralan ng Cavite, bago tumulak pa-Seattle upang magtrabaho sa isang maliit na palimbagan. Inedit niya roon ang seksiyong Filipino ng Philippine Digest, naging tagapangasiwang editor ng Philippine American Review, at itinatag ang Kapisanang Balagtas na “naglalayong paunlarin ang wikang Tagalog.” Pagbalik sa Filipinas, nakamit niya ang titulong Batsiler sa Sining ng Pilosopiya mula sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1931. Nagsilbi siyang konsehal sa munisipyo ng Salinas hanggang 1934, pagkaraan ay naglako ng seguro para sa Philippine-American Life Insurance.
Si Abadilla, na tinawag ni Pedro Ricarte na “ama ng makabagong tulang Tagalog,” ay sinalungat ang labis na romantisismo sa panitikang Tagalog at de-kahong paggamit ng tugma at sukat sa tula. Tumulong siya sa pagpupundar ng Kapisanang Panitikan, upang isulong ang simulaing labanan ang di-lumalagong panitikang Tagalog.
Nabanggit din sa mga tala na naging gerilya si AGA noong panahon ng pananakop ng Hapon, at nakaranas siya ng pagmamalupit ng Hapon, kaya siya nabingi. Di kaipala’y bayani rin ang makata sa panahon ng karahasan, kung saan ang mamamayang tumututol sa poder ng status quo ay kabilang sa kolektibong lakas ng bansa, bagay na dapat mapaglirip upang hindi manatili ang maling pasiya na ang indibidwalismo ng makata ay walang kaugnayan sa kalagayang panlipunan. Sinapantahang iyon ay pansariling udyok o hilig na hindi maipapaliwanag sa paraan ng agham-panlipunan o agham-pampulitika. Kung hindi, paano maiintidihan ang programang “sining-para-sa sining” nina Oscar Wilde, Walter Pater at Theophile Gautier kung hindi ipapasok ang argumento na iyon ay reaksiyon nila sa utilitaryanismo at moralistikong puritan na laganap sa kapaligiran? Kailangan ang konteksto, lumulukob na balangkas, at pagkakaugnay-ugnay ng bawat sangkap at bahagi sa totalidad/larang (“field,” ayon kay Bourdieu [1993]) ng diskursong tinatalakay upang magkaunawaan at magkapagpalagayan.

PONCIANO B.P. PINEDA

Isa sa kinikilalang tagapagtaguyod ng wikang pambansa at panitikan ang pumanaw bago pa man magsimula ang Buwan ng Wika.
Si Ponciano B.P. Pineda, 81, itinuturing “Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino” ay namatay noong Hulyo 31 dahil sa cardiac arrest.
Si Pineda ang nanguna sa pagtatag ng Komisyon sa Wikang Filipino noong 1991 mula sa noo’y Surian ng Wikang Filipino. Pinamunuan niya ang komisyon sa loob ng halos 30 taon.
Sa paanyaya ng noo’y kalihim ng Kagawaran ng Filipino sa UST at “Ama ng Varsitarian” na si Jose Villa Panganiban, pumasok si Pineda sa Unibersidad at nagtapos ng kursong Associate in Arts noong 1948. Naging patnugot din siya ng seksyong Filipino ng Varsitarian.
Matapos mag-aral sa UST, kumuha si Pineda ng abugasya sa Manuel Luis Quezon University habang nagtatrabaho sa noo’y Surian ng Wikang Pambansa. Nang pumasa si Pineda sa bar exams noong 1953, binalak niyang lisanin ang Surian ngunit hinikayat siya ni Panganiban na manatili rito. Pinalitan niya si Panganiban bilang tagapangulo ng Surian mula 1971 hanggang 1999.
Sa ilalim ng kaniyang pamamahala, pinangunahan niya ang ilang reporma sa wikang Filipino, kabilang na ang modernisasyon ng alpabeto na binubuo ng 28 titik noong 1987, at ang pagtatatag ng 12 sentrong panrehiyon ng wika sa buong bansa.
Si Pineda ay nagwagi ng Don Carlos Palanca Memorial Award para sa kaniyang mga akdang Ang Mangingisda (1958) at Malalim ang Gabi (1954). Ginawaran din siya ng Varsitarian ng Parangal Hagbong noong taong 2000 para sa kaniyang mga kontribusyon sa pagpapaunlad ng wika at panitikang Filipino.

CARLOS PALANCA Memorial Awards for Literature

* Ikalawang Gantimpala: "Impeng Negro" ni Rogelio R. Sikat

Impeng Negro Rogelio Sikat

Sa isang iskwater ay naninirahan si Impen at ang kanyang ina at kapatid. Sa tuwing aalis ng bahay si Impen bilang isang agwador ay lagi siyang pinagbibilinan ng kanyang ina na umiwas sa pakikipagaway lalo na kay Ogor.
Si Ogor ang siga sa lahat ng agwador sa kanilang lugar. Madals nitong tuksuhin si Impen sanhi panlabas na anyo nito. Anak siya ng kanyang ina sa isang negrong amerikano . Meron siyang kapatid na anak naman ng kanyang ina sa isang Amerikanong puti kaya ganon na lamang ang pagtukso sa kanya ng mga tao.
Isang araw sa kanyang pagiigib ay muli na naman siyang sinubukan ni Ogor. Pilit na isiningit ni Ogor ang kanyang balde nito kahit na si Impen pa ang nasa pila. Nakiusap si Impen kay Ogor na hayaan na lamang siya matapos ngunit hindi ito pumayag kaya naisip na lamang niyang umuwi.
Subalit sa kanyang paglakad ay pinatid siya ni Ogor at tumama ang pisngi niya sa nabitiwang baldeng tubig. Dahil sa dugong dumaloy sa kanyang pisngi ay agad nitong tiningala ang kaaway at tinawag ang pangalan nito. Nagulat si Ogor at mabilis siya nitong sinipa. Nagpambuno ang dalawa. Subalit bigla ang paglakas ni Impen. Natalo at napasuko niya si Ogor. Ganoon na lamang ang pagkamangha ng mga kapwa niya agwador. Sa pagkakataong ito, pangingilagan na siyang tuksuhin ng mga iyon.

PAGSUSURI:
Ang layunin ni Rogelio Sikat sa maikling kwentong ito ay matuto tayong lumaban at harapin ang takot sa anumang hamon ng ating buhay. Base na rin sa aking pagsusuri, Makikita rin natin sa kwento ito na si Impen ang nagtatrabaho para sa pamilya niya. Ito ay ang responsibilidad ng mga lalaki. Sila ang dapat na nagpapakain at ang bumubuhay ng pamilya. Sumunod dito ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang kulany ng tauhan. Si Impen bilang Negro at si Kano bilang maputi, ipinapakita rito ang pagkakaiba-iba ng mga tao. Iba iba man tayo, hindi ito hadlang upang lagpasan ang ating mga problema. Ang huli ay ang pagkakaroon ng lakas ng loob ni Impen na ipagtanggol ang kaniyang sarili. Hindi dapat tayo magpaalipin sa mga takot na ating nararamdaman. Kailangan natin silang harapin at hindi pagtaguan o kaya’y takbuhan. Hindi habang buhay ay makakatakbo tayo sa bagay na ating kinakatakutan.
Ang teoryang ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o teksto sa lipunan.
Sa maikling kwento ito, pinapaksa ng manunulat ang diskriminasyon na kalimitang makikita sa iba’t ibang lugar. Madalas itong mangyari sa labas ng bahay, eskwelahan at sa lugar ng pinagtatrabahuan. Sa kwentong ito, patuloy na kinukutya ni Ogor si Impen hanggang sa napuno na si Impen at nag-amok kaya nagkaroon ng away sa pagitan nila.
Ang istoryang Impeng Negro ay isang mahalagang istorya na nagtuturong maging mabuti at huwag manakit sa nanakit sa iyo. Si Impen ay niloloko lagi ni Ogor at sinasabi lagi ng nanay ni Impen na huwag lumaban pabalik at umalis na lamang. Laging niloloko at ipinagtatawanan si Impen dahil sa kakulayan niya at pati na rin ang pagkatao ng nanay nina. Si Impen ay isa sa mga pinakaitim sa pamilya niya. Siya’y maitim dahil ang tatay niya an isang Negrong galing sa Estados Unidos. Ang nanay naman niya ay pinagtatawanan din ng iba dahil siya’y tinatawag na parang “whore” dahil sa paging babae na nakakakuha ng para sa pagbibigay ng “pleasure” sa iba’t ibang lalaki. Si Impen ay laging niloloko ni Ogor dahil sa kalagayan ng kanyang pamilya at pagkatao ni Impen. Ang storyang ito ay nagtuturo na maging mas abutting tao at huwag gumawa ng di’ tama o patulan ang nanloko sa iyo.

Buod ng HULYO 4, 1954 A.D. ni Dionisio Salazar

Pagbukas ng tabing ay makikita sa may gawing likod ng tanghalan, dakong kanan, ang dalawang katlong bahagi ng bantayog ni riza. Sa may gitna naman ng tanghalan ay namamalas ang isang malagong puno ng adelpa. May isang mahabang upuan sa tabi nito. Walang anu-ano’y darating buhat sag awing kanan si Pablo at si Loida.
Si Pablo, nab ago pa lamang tumuntong sa 25 taon, ay mataas, malapad ang sukob at madulas ang pangangatawan. Mukha siyang matalino at matapang. Bilugan ang kanyang malagong buhok ay nahahati sag awing kanan. Kaki ang kanyang pantalon at kulay- kumot ang suot niyang diyaket.
Pangkaraniwan ang taas ni Loida. Ang kaniyang balingkinitan katawan ay may kaakit- akit na hubog. Kulot ang kanyang putol na buhok. Malamig ang kaniyang tinig at wala rito ang katigasang dapat asahan sa isang “amazon”. Mapahimag ang kanyang ngiti at may halina ang kaniyang titig. Dalawmpu’t dalawang taon sa siya. Masigla ang kanyang kilos at magiliw siyang mangusap. Sa suot niyang kamisadentrong panlalaki at “pedal- pusher” na maong ay wala siyang iniwan sa isang “tomboy”.
Palinga- linga silang dalawa na tila may hinahanap. Pagtapat sa may puno ng adelpa ay titigil sila. Si Pablo at si Loida ay pawang mga miyembro ng HUKBALAHAP. Sila ay nagtagpo sa Luneta upang pag-usapan ang kanilang plano na isuplong ang kanilang kasamahan na sila Kumander Lenin at Islaw, na mayroong planong magtanim ng time bomb sa grandstand. Ang nasabing dalawang HUK ay magpapanggap na magbabalot. Ngunit di nila alam ang plano ni Loida at Pablo. Habang naghihintay ang magsing- irog, napagkamalan silang nag neneking ng isang pulis kaya sila ay dadalhin sa kuwartel. At habang sila ay patungo sa kuwartel ay siyang pagdating ni Islaw at Kumander Lenin. Habang sila ay naghihintay kay Pablo at Loida, ay marami silang napuna at napag- usapan. Napansin nila ang mga estudyante na nag gudtaim lamang, na hindi inaalintana ang pagod na dinaranas ng mga magulang upang sila ay mapag- aral. Napag- usapan din nila ang Amerikanong Marino, na nakita nilang lasing at may kasamang dalawang babae. Napag- usapan nila na akala mo ay napakabuti ng mithiin ng mga Amerikano, na kunwari ay nakikipaglaban para sa karapatan ng mga maliliit na bansa, tulad ng Pilipinas, ngunit kinalaunan ay aangkinin ang yaman nito. Nasambit din nilana ang mga Pilipino ay mahilig manggaya ng iba. At naibahagi nila na hindi naman masama ang mangopya, basta ang mabuti lamang ang gagayahin. Pinag- usapan din nila ang matinding kumpitensya sa politika sa gitna ng mga Nasyonalista at Liberal. At hindi rin nawala na pag-usapan ang kanilang planong pagpatay sa isang pulitiko, upang makuha nila ang gantimpala. Habang sila ay nag- uusap. Nakabalik na si Pablo at Loida at pinaliwanag kung bakit sila nahuli. Ipinagtapat ng dalawa na sila ay nag-iibigan, at siyang dahilan ng pagkagalit ni Kumander Lenin. At hanggang umabot na magsipang- buno sila at siyang pagkabaril ni Pablo kay Islaw, at agad naming nitong kinamatay. At humantong ang tagpo sa matagumpay na misyon ni Pablo at Loida na ipadakip si Kumander Lenin. At iharap sa kamay ng Batas.

Similar Documents

Free Essay

Adasda

...mga taong nakatulong sa paglinang ng panitikan; ang suliraning panitikan sa bansa; at mga teoryang panpanitikan. COURSE CREDITS: 3 units CONTACT HOURS/WEEK: 3 hours PRE-REQUISITE/CO-REQUISITE: Fil 1, 2, 3, 4 COURSE OBECTIVES Sa kursong ito, inaasahang malalaman ng mga mag-aaral: General 1. Magtataglay ng kahusayan, kaalaman at angkop na kamalayan sa pagkilala sa iba’t ibang uri ng mga akdang panpanitikan 2. Mapaunlad ang mga kasanayan sa pag-unawa, pagpapakahulugan, pagsusuri, pagbibigay halaga sa panitikan n g bansa 3. Mapapayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagtukoy sa kayarian, kahulugan at kaangkupan ng mga salitang ginamit sa mga akdang panpanitikan 4. Makakilala at masusuri ang akdang batay sa mga tiyak na katangian at pamantayan 5. Mapahalagahan ang mga akdang panpanitikan batay sa mga dati ng kaalaman 6. Makakabuo ng mga opinyon kaugnay ng akdang pinakasa Specific 1. Makilala ang panitikan at katangian 2. Matalakay ang unang panahon ng panitikan 1565-1900 3. Matalakay ang 3 pang panahon ng panitikan 1900-1942 4. Mapahalagahan ang panahong 1942-1945 5. Nililinay ang pagpapahalaga sa panahon 1946-1972 6. Natutuloy ang katangian ng panahong 1972-1986 7. Matutunan ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo ng iba’t ibang akdang panpanitikan TIMETABLE | TOPICS | Week 1 | Orientation | Week 2 | Pagkilala sa Panitikan at katangian nito | Week 3 | Matandang Panitikan | Week 4 | Panahon 1565-1900 | Week...

Words: 677 - Pages: 3

Free Essay

Study Habits

...I BATAYANG KAALAMAN SA PAG-AARAL NG PANITIKAN Panitikan * Isang mabisang ekspreyon ng isang lipunan. * Isa ito sa mga pangunahing institusyon ng pagsasalin ng kultura sa mga henerasyon na bumubuo ng bawat lipuna Apperception Theory- ang mga ideyang lumilitaw sa ganitong uri ng pag-iisp ay hindi galing sa pandama o pakiramdam kundi mula sa pagmumuni-muni o paglilimi ng isang tao sa kanyang isipan. Dalawang antas ng “Apperception Theory”: 1. Percept- ipinapakita ang mga huwaran na nasa anyo ng akdang pasulat. 2. Concept-pinagyayaman ang kahulugan at ang nilalaman ng wikang ginagamit. KATUTURAN NG PANITIKAN: *Ayon sa Bagong Pangkolehiyong Diksyunaryo ni Webster-ang panitkan ay ang kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o nilimbag sa iasng tanging wika ng mga tao; ang mga naisatitik na pagpapahayag na may kaugnayan sa iba’t-ibang paksa; o anumang bungang-isip na naisatitik. *Ayon kay Bro. Azarias sa kanyang Pilosopiya ng Literatura-ito ay ang pagpapahayag ng mga damdamin tungkol sa ibat’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay,sa pamahalaan, sa lipunan at kaugnayan ng kaluluwa sa Dakilang Limikha. *Ayon naman kina Paz Nicasio at Federico Sebastian- ang panitikan ay kabuuan ng mga karansan ng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin,kaisipan at pangnarap ng isang lahi na ipinahahyag sa mga piling salita; sa isang maganda at makasining na paraan, nakasulat man o hindi. Mga layunin sa Pag-aaral ng Panitikan 1. Maipakilala sa mga mag-aaral ang...

Words: 2232 - Pages: 9

Free Essay

Get Free Gems!

...ng mamamayanay tumatalima sa ganitong uri ng batas? Disiplina. Iyan ang isang bagay na kailangan pang hasain nating mga Pilipino upangumunlad ang ating bansa tulad ng kapitbahay nating Singapore. Naging armas nila angkanilang disiplina upang makaahong muli bilang isang malayang bayan. Tulad ng Singapore, inspirasyon ng marami ang mabilis na pag-unlad ng bayang ito, mula sa isang mahirap na bansa noon 1800s hanggang sa pagiging industriyalisadong bansa sa kasalukuyan.Bakas na bakas ang disiplina sa iba’t ibang aspekto ng kultura ng Singapore. Kitang-kita rin ito sa ilang panitikan na nagmula sa kanilang munting bansa. Maraming aral ang maaring natutuhan ng ibang bansa sa Singapore, lalung-lalo na sa larangan ng disiplina at pamamalakad sa pamahalaan. Isa ang bansang ito sa mga karapat-dapat tularang bansa sa buong Asya, at maging sa buong mundo. Sa totoo lang , lahat naman ng mga bansa ay may kanya-kanyang panitikan. Hindi nga...

Words: 346 - Pages: 2

Free Essay

Sanaysay

...SANAYSAY • Ang Sanaysay ang pinakagamitin sa halos lahat ng larangan ng mga mamamayan pampulitika, pang-ekukasyon, at iba pa. • Ang sanaysay ang laging ginagamit sa pagsagot sa isang bahagi ng pagsusulit, sa pagsulat ng liham, pag-uulat at pananaliksik, sa paglalahad ng mga kautusan,palibot-liham, alituntunin. Kahulugan ng Sanaysay • Sa diksyunaryo o Isang komposisyong pampanitikan sa isang natatanging paksa na higit na maikli at pormal kaysa alinmang akda Michael De Montaigne (9/15/1592- 2/28/1933) • lumikha ng sanaysay • pagtatangka o pagsubok sa bagong larangan ng panitikan ang mga kaisipan ay maaaring makipagsapalaran sa kanino mang mga kaibigan o kakilala • kung ang liriko ay sa panulaan, ang prosa ay para sa sanaysay Alejandro Abadilla (March 10, 1906-August 26, 1969) • kilalang makata at mananansay • Ang sanaysay ay kuha sa kahulugan ng pagsasalaysay ng isang sanay o nakasulat na karanasan ng isang sanay ng pagsasalaysay • idinugtong pa niya na walang iniwan sa isang tulang liriko sa larangan ng panunugma o pagtula at madalas ay sentido komon at nasa awtor Genoveva Edroza-Matute –(January 3, 1915- March 21, 2009) • Premyadong manunulat at mananasaysay • Ang sanaysay sa makitid na pagpapakahulugan ay pagtataya sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang maglalantad ng kaisipan, kuro-kuro o palagay, at ng kasiyahan ng manunulat upang umaliw, magbigay ng kaalaman, o magturo. • idinugtong pa niya na ang sanaysay ay isa na...

Words: 1061 - Pages: 5

Free Essay

Filipino Ii

...pagkawili ng mga kabataan sa wattpad at kung anu- ano ang mga epekto nito sa kabataan pati na rin ang pag-unlad ng panitikan sa pamamagitan ng wattpad. Ang wattpad ay isang aplikasyon sa internet kung saan ang mga tao ay may kalayaang makapagbasa o makalikha ng mga akda tulad ng mga nobela, mga tula, mga artikulo, mga kwento, mga pang-akademyang akda at iba pa. Ang wattpad ay nakakapagbigay sa mga tao ng pagkakataong makabuo ng akda na maaaring makita o mabasa ninoman. Ang mga manunulat ditto maaring propesyonal o baguhan. .  Nagsimula ang wattpad noong oktubre 2006, ito ay ideya nina Ivan Yuen at Allen Lau. Simula ng ito ay mabuo ay dagsa na ang mga nagbabasa at nagsusulat ng kanya kanya nilang mga akda dito. Sa wattpad ay malayang makakabasa ng akda na di tulad ng libro o mga aklat ay libre at maaaring idownload lang sa mga telepono o kung ano pa mang gadget. Ayon sa isang tanyag na manunulat na si Stephen King, “Kung wala kang oras para magbasa, wala kang oras (o mga gamit) para magsulat. Ganun lang iyon kasimple.” Sa paglipas ng panahon ay nagkakaiba-iba na ng mga pananaw at paraan ng paggawa ng akda ang mga manunulat dahil na rin sa modernong panahon at teknolohiya. Sa Pamamagitan ng pagsususulat sa wattpad ay umuunlad na ang panitikan, dahil sa mga bagong manunulat pati na rin ang kanilang mga kanya kanyang tema at bagong ideya. Ang mga manunulat na ito ay mayroong...

Words: 5298 - Pages: 22

Free Essay

Filipino

...ng ibat-ibang tao at  impormasyon HALIMBAWA NG MGA TEKSTO TUNGKOL SA Agham Panlipunan Kasaysayan Ekonominks Sosyolohiya  At iba pa .Ay tumutukoy sa mga tekstong may kinalaman sa propesyon o kursong kinuha ng isang mag-aaral sa kolehiyo o pamantasan. Kaugnay dito ang tekstong pang Medisina Abogasya Inhinyera  Edukasyon Narsing Computer courses TEKSTONG PROPESYONAL Ito ay ang pag-aaral sa mga bagay o ebidensya, proseso kung saan ito nag mula. Ang tekstong ito ay patungkol sa mga teknolohiyang -nakakatulong sa pang-araw-araw na gawain ng mga tao upang mapadali. MATEMATIKA 1 + 4+ 3 TEKSTONG HUMANIDADES Ilan sa mga halimbawa ng mga disiplina na may kaugnayan sa humanidades ang mga pag-aaral ng mga sinauna at makabagong mga wika, panitikan, kasaysayan, pilosopiya, pananampalataya, biswal na sining (napagmamasdang sining), at mga sining na isinasagawa (performing arts, kung saan kasama ang musika.) Karagdagan dito ang mga paksang paminsan-minsan nauugnay sa mga araling pantao: tulad ng antropolohiya, at mga pag-aaral pampook (area studies), bagaman itinuturing ang mga ito bilang mga agham panlipunan. Tinatawag na mga...

Words: 373 - Pages: 2

Free Essay

Teoryang Pampanitikan

...Teoryang pampanitikan Romantisismo Naniniwala ang mga romantisist na ang tao ay may kapasidad na bumuo ng sarili nilang daigdig. Sa panahon ng mga suliranin makakalikha ang tao ng mga gawaing maaring makaaliw sa kanya upang sandaling lumipas ang dinadala na naghahari sa kabuuan ng akda. Ang mga ito ay maaring madama sa tulong ng mga salitang ginagamit sa akda. Sa pamamagitan nito, makikilala ng nangingibabaw na damdaming napulutan sa kabuuan ng akda. Ito'y namayagpag sa panahon ng Amerikano (mula 1990 - 1940). Humanismo Binibigyang pansin ang magagandang saloobin ng taong nakapaloob sa isang akdang pampanitikan. Binibigyan din ng pansin ang magagandang damdaming taglay ng isang tao.Itinataas din ang karangalan ng tao bilang sentro ng akda. Ipinakikita ang magagandang saloobin ng tao na nakapaloob sa mga tiyak na pahayag sa akda. Maari ring idagdag ang magagandang damdaming taglay ng tauhan. Ito'y namayagpag sa makabagong panahon. Eksistensyalismo Binibigyan-diin ang mga bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng tauhan. Gumagawa siya ng pagpapasya na kailangan niyang harapin anuman ang magiging kahinatnan nito. Mahalagang makita ang kalakasan ng paninindigan ng tauhan. Malaya siya sa kanyang pagbuo ng desisyon at kung paano niya ito harapin. Ito'y namayagpag sa panahon ng Kastila at hanggang sa kasalukuyan. Naturalismo Ang pagsusuri ng akda batay sa damdamin ng namayani sa tauhan, nagbigay-puri at naglalahad ng kagalingan ng tauhan ay teoryang naturalismo...

Words: 1720 - Pages: 7

Free Essay

Team Building

...Teoryang Pampanitikan Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pagaaral ng panitikan at ang mga paraan sa pagaaral ng panitikan. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito. Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sinp, ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigayng kayamanan. Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong makasisira rin sa tao. Teoryang Markismo/Marxismo Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging tiyakang nagpapakita ng paglabanan ng malakas at mahina; mayaman at mahirap . Makabuluhan rin kung paano natalo ng mahina ang malakas ng dukha ang mayaman. Ginagamit ng mga oriyentasyon na ito upang mabuksan ang mga isipan at ang mga mata ng tao sa pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan. Ito'y sumibol sa panahon ng kastila at hapon, at namayagpag naman sa makabagong panahon WALANG PANGINOON ni Deogracias Rosario ...

Words: 7708 - Pages: 31

Free Essay

Asa Ka

...ang sabayang pagbigkas? Ang SABAYANG PAGBIGKAS ay masining na pagpapakahulugan o interpretasyon sa anumang anyo ng panitikan sa pamamagitan ng sabayang pagbabasa ng malakas ng isang koro o pangkat. Ito ay isang matimbang o maindayog na pangkatang tinig na nagpapahayag ng isang uri ng kaisipang matinig at madamdamin. Nagtataglay ito ng kaisahan at kagandahang halos katulad ng kahulugang pangkoro sa musika,isang pamamaraan ng masining na pagbigkas sa pamamagitan ng sama-sama,magkakatugma,magkakabagay at magkakatugong-tinig,isang tuloy-tuloy na aliw-iw ng mga salita. Ang koro ay nagtataglay ng iba’t ibang uri ng tinig. Pinagsasanib-sanib ang mga ito ayon sa wasto nilang tunog, himig, puwersa at lakas na siyang nagbibigay ng kariktan. Sinisabing ang higit na pinakamabisang pamukaw/panghikayat ng damdamin ng tao ay yaong nakatitigatig ng lahat ng pandama-nakikita, naririnig at nadarama. Taglay ng Sabayang Pagbigkas ang lahat ng sangkap na ito kung kaya mabisa at mabunga ang nagiging epekto nito sa mga manonood/tagapakinig,gayon din naman sa mga bumibigkas/koro. (Andrade,1993) Ayon din kay Andrade,ang pakikilahok sa Sabayang Pagbigkas ay nagdudulot sa mga mag-aaral ng mga sumusunod: 1. Ito ay mabisang paraan ng pagkatuto ng wika. 2. Ito ay mabisang pamaraan sa paglinang at isang panghikayat sa pagkakaroon ng kabatiran at lubod sa pagpapaunlad ng panitikan. 3. Ito’y isang pangunahing pagsasanay sa talumpati ,pagbigkas ng isahan,pagpapakahulugan at pag-arte sa tanghalan...

Words: 848 - Pages: 4

Free Essay

Gestures

...maaari nating ihanay sa teoryang romantisismo. Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan. Ito ay dahil sa pinapakita sa nilalaman na pumunta pa sa iba't ibang bansa at hinanap sa kung saan-saan ng pangunahing tauhan ang kanyang minamahal. Dito pa lamang ay ipinapakita na gagawin ng tauhan ang lahat para lamang makitang muli at maipadama ang kanyang pagmamahal kay Esther. "TEORYANG SIMBOLISMO" Ang nobelang ito ay maaari nating ihanay sa teoryang simbolismo. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna...

Words: 1238 - Pages: 5

Free Essay

A Dangerous Life

...ginagamit ng mga Pilipino noon. Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga mamamayan at nagkakaintindihan ang lahat para sa iisang hangarin. Dahil kung hindi pinahalagahan noon na magkaroon ng pambansang wika ay hindi magkakaintindihan at magulo ang pakikipag-komunikasyon at talastasan. Hindi magiging maayos ang buhay kung iba’t-ibang wikang etniko ang dapat nating kabisaduhin. Kaya noon, pinahalagahan ni dating Pangulong Manuel Quezon na magkaroon ng iisang lengwahe upang magkaisa at maipakita sa buong mundo na kung may iisang wika na ginagamit ang isang bansa, nagkakaisa sa iisang hangarin ang mga tao nito. Kaya itinanghal nating ‘Ama ng wikang Pambansa’ si Quezon dahil sa kanyang natatanging limbag sa wika’t panitikan. Ngayong panahon ng globalisasyon at makabagong teknolohiya, hindi papahuli...

Words: 603 - Pages: 3

Free Essay

Jrizal

...“Ang Katamaran ng mga Pilipino” 1. Anyo ng Panitikan Sanaysay - sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'y maimpormasyon. Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.Maayon rin ito kung turingan sapagkat ito'y talgang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong pagbibiro 2. Layunin ng may akda Maipaalam ang mga dahilan kung bakit tinatawag na tamad ng mga dayuhan o ng mga Kastila ang mga Pilipino na tamad sa kabila ng mga bagay na ginawa nng ating mga ninuno sa kanila.Mga dahilang siyantipiko at mga katotohanang tayo tayo lamang ang nakakaintindi sa panahong iyon. 3. Kaugnayan ng akda sa buhay ng manunulat Isinulat ito ni Rizal sa pangalawang pagkakataong pagpatong nya ng Europa. Hinggil sa mga sinasabi ng mga Kastila na paninira nila sa ating mga Pilipino mga pang-iinsulto na mayroong mga maling batayan. Ang pagsasabi nila ng tamad sa ating mga ninun ang pinakarason ni Rizal patungkol dito. Mga pasubali na binigyan ni Rizal ng mga katanggap-tanggap na mga kasagutan. 4. Ipaliwanag ang Sosyo-Pulitika na na ugnayan ng akda sa panahon ng pagkakasulat nito. ...

Words: 1617 - Pages: 7

Free Essay

Wattpad: Makabagong Literatura

...Proyekto sa Filipino II Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Wattpad: Makabagong Literatura Isinumite nina: Alcantara, Julie Anne Balingbing, G Shawn Kelly Baylon, Claudine Fay Molato, Donna Molato Montenegro, John Roland Nipas, Rose Orbase, Arrem Ceyzel Joyce Orias, Grace Paner, Reyna Nicole Trinidad, Juriel Vibar, Terese Dawn AB English 1A Isinumite kay: Dr. Leticia M. Lopez Unibersidad ng Bicol Legazpi City Marso 2015 KABANATA I ANG SULIRANIN Panimula Malayo na ang ating narating sa pagpapabuti ng kondisyon ng ating buhay. Marami na ang nagbago sa henerasyon ngayon dala ng mabilis na pag-unlad ng modernong teknolohiya. Iba’t ibang aspeto na ng ating buhay ay unti-unting naiiba at napapadali dahil sa modernisasyon. Isang halimbawa ay ang aspeto ng pagbabasa. Kung dati-rati, makakapal na aklat ang ginagamit, ngayon pwede na tayong magbasa sa ating mga kompyuter, laptop, tablet at maging sa ating mga cellphone. Sa pagdownload ng mga ebooks at mga applications, maaari na rin tayong makapagbasa ng iba’t ibang klase ng mga libro online. At kung dati, mahirap para sa mga taong naghahangad na maging manunulat ang mailathala ang kanilang naisulat, ngayon ay mas napadali na gawa ng mga online writing communities. Isa sa mga sikat na paraan ng online writing na tinatangkilik ng mga kabataan ngayon ay ang Wattpad. Ito ay isang uri ng social networking site na itinatag noong 2006 nina Allen Lau at Ivan Yuen ngunit naging tanyag lamang sa lahat...

Words: 1047 - Pages: 5

Free Essay

Doc, Docx, Pdf, Wps, Rtf, Odt

...BALANGKAS NG PAGSUSURI Pagsusuri sa maikling kwento na “Ang Mundo sa Paningin ng Isang” ni Rogelio L.Ordonez ganit ang Balangkas ni Prop. Nenita Papa I. A. PAMAGAT NG KATHA AT MAY-AKDA “Ang Mundo sa Paningin ng Isang” ni Rogelio L. Ordonez. Isang maikling kwento na nagpapakita ng isang uri sa lipunan. Mga taong nagtitiis at pilit na nilalabanan ang kahimagsikan ng isang makapangyarihang na unti-unti silang sinasakop. B. SANGGUNIAN www.plumaatpapel.wordpress.com Ni Rogelio L. Ordonez (http://plumaatpapel.com) II. BUOD Ang kwento ay tungkol sa malupit na si Don Miguelito na kung saan ay may pagmamay-ari ng dalawampu’t libong lupain ng tabako na minana ng kanyang pangalawang asawa. Lumaki na talaga si Don Miguelito sa marangya at saganang pamumuhay, sa murang edad rin siya naulila matapos mamatay ang kanyang mga magulang. Masasabi ngang matigas ang puso ni Don Miguelito dahil sa labis nitong kalupitan at walang awang pangmamaliit sa kanyang mga trabahador gaya ng buong araw na pagtatrabaho na wala na sa tamang oras, mababang sahod at kung ika’y nga’y magtatangkang magreklamo sa kanyang patakaran ay papuntahin kana sa kahera at maaari mo ng kunin ang iyong huling sahod. Ngunit naglakas loo ang mga kanyang magagawa na nagplanong gumawa ng unyon para maipaglaban ang kanilang hiling at nais na mabago na ang baluktot na pagtrato sa kanila ni Don Miguelito. Ngunit labis na kumunot ang noon at kumulo ang dugo nito ng malaman niya ang ginawa ng kanyang...

Words: 1874 - Pages: 8

Free Essay

Para Kay B

...Para Kay B. Ni Ricky Lee Ipinasa ni: Ryan M. Ramirez IV-Coral Pinasa kay: G. Aruta (Guro sa Filipino IV) Tagpuan Sa San Ildefonso unang nangyari ang lahat. Dito sinimulan ng may akda ang limang kwento ng pag-ibig at dito din natapos. Ang San Ildefonso ay isang bayang palaging mayroong rally laban sa Mayor. Laging may nagpuputol ng mga punong kahoy dito, kaya ganoon na lamang kinamumuhian ng mga mamamayan ang bayang ito. Halos maubos na ang mga punong kahoy dahil sa walang hanggang pagputol ng mga trabahador ng Mayor (Mayor Ignacio) at kapag dumating na ang ganti ng kalikasan mabilis itong malulusaw at mawawasak. Mga Tauhan Irene – wirdong batang babae na may photographic memory. Matalino kaya nababansagang wirdo. Nagmahal sa nakaraan na ngakong pakakasalan siya. Jordan- tinedyer na ulilang lubos matapos pagbabarilin ang mga magulang at masuwerteng nakaligtas sa mga ito sa pamamagitan ng pagtakip ng kaniyang ina sa kanya. Binatang laging pinaguusapang isang anak ng NPA. Guwapo ito na bumihag sa puso ni Irene at pinangakuan ang batang babae na sa paglaki nito ay kanyang pakakasalan. Mrs. Ignacio – maybahay ng mayor na hindi na maramdaman ang pagmamahal sa kanya ng asawa. Laging tumatalsik ang mga laway. Elena – ina ni Irene na matagal ng patay ngunit nagpapakita pa rin sa kanya tuwing siya’y may problema. May pulang tali sa buhok at pulang cutex sa mga kuko nito. Sandra – babaeng nagmahal sa bawal na pagibig. Umibig sa kanyang kapatid na si Lupe. Nagtrabaho sa...

Words: 2837 - Pages: 12