Premium Essay

Social Networking: Epekto Sa Komunikasyon Sa Pananaw Ng Mag-Aaral Sa Ikatlong Taon Sa Kolehiyo Ng Komunikasyon Ng Politeknikong Unibersidad Ng Pilipinas Taong Aralan 2011-2012

In:

Submitted By Koryn22
Words 10737
Pages 43
SOCIAL NETWORKING: EPEKTO SA KOMUNIKASYON SA PANANAW NG MAG-AARAL SA IKATLONG TAON SA KOLEHIYO NG KOMUNIKASYON NG POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS TAONG ARALAN 2011-2012

Bilang Pinal na kahingian sa Asignaturang Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik (FILI 2023)

Ang mga Mananaliksik
De Jesus, Von Denise B.
Guevara, Risheill D.
Hife, Eliene M.
Latigar, Dianne M.
Losaria, Jonathan L.
Lumanta, Koryn M.
Mendoza, Shekinah Marie, D.C.
Miranda, Junel N.
Velasco, Princess Ivy M.

PEBRERO 2012

KABANATA 1
Ang Suliranin at Kaligiran ng Kasaysayan
PANIMULA
Ang tao, mula pa noong una, ay may sistema o kaayusan na sa mga bagay-bagay. Ang tao ay isang espesyal na nilalang sapagkat sa lahat ng uri ng nilalang na nabubuhay sa mundo. Tanging ang tao lamang ang may kakayahang mag-isip at i-uri ang tama sa mali, makaintindi, makaunawa at marami pang iba.
Isa sa mga salik upang magkaintindihan o magkaunawaan ang bawat tao ay ang pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng tinatawag na wika. Ayon sa wikipedia, ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay ang pagpapalitan ng impormasyon sa isang tiyak na sistema ng mga simbolo, isang payak na paliwanag. Ilan sa mga iskolar at matatalinong tao ang nagbigay pa ng konkretong pagpapakahulugan sa wika at sa komunikasyon. Ilan sa kanila ay sina Archibald Hill, Henry Gleason, Sapir, Aristotle, Alcomtiser, Reynaldo Cruz, at marami pang iba. Ayon kay Archibald Hill, ang wika ay isang anyo ng simbolikong pantao na binubuo ng mga tunog na nilikha ng mga aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istruktura. Ayon naman kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Habang ang kaalaman ng tao ay lumalawak,

Similar Documents