Free Essay

The Faith of the Iglesia Ni Cristo

In:

Submitted By ifacedown
Words 4238
Pages 17
Pakikipag-relasyon sa Isang Iglesia Ni Cristo

Pakikipanayam. Ito ang salitang higit na angkop gamitin ayon sa hinihingi sa amin ng aming asignaturang Cults I. Subalit minarapat kong gamitin ang salitang pakikipagrelasyon dahilan sa ang talagang nais ko ay makipagrelasyon, o makipagkaibigan. Hindi ako kailanman makukuntento sa isang simpleng pakikipanayam lamang. Nais ko ng epektibong impluwensya, hindi naman dahil sa nais kong tuwirang dalhin ang aking kakapanayamin kay Kristo, kundi nais ko na kahit kaunti ay maransan niya ang tunay na pag-ibig at habag ng Diyos na matatagpuan sa katotohanan ng Kanyang Salita.

Isang nakakahamong gawain, na nangangailangan ng panahon, ideya, puso, at pamumuhunan sa pagluhod tuwina sa pananalangin. Hindi ito biro – nais kong maging mabuti ang kaniyang pagtingin sa ating mga Kristyano – kaya naman malaki ang nakaatang na tungkulin sa aming mga estyudante ng asignaturang ito.

Mga Layunin ng Pakikipag-relasyong Ito

1. Syempre pa nagunguna sa listahan ay ang magampanan ang hinihingi ng aming asignatura sa Cults 1 – ang makipanayam sa isang taong nabibilang sa hidwang pananampalataya, sa pagkakataong ito ay isang myembro ng Iglesia ni Cristo. Naisin na malaman ang personal na kumbiksyon ng kakapanayamin ukol sa kaniyang relihiyong kinabibilangan, at ang impluwensya nito (kumbiksyon at relihiyon) sa kanyang buhay.

Pahintulutan akong magdagdag ng personal kong mga hangarin.

2. Maipakita at maipadama ang kadakilaan ng pag-ibig at kahabagan ni Kristo sa pamamagitan ng wastong paniniwala at patotoo sa buhay.

3. Makipagkaibigan at makaimpluwensya.

Pagpapakilala ng Isang Bagong Relasyon.

Ayene. Ang kanyang ngalan. Nakilala ko siya dahil kay Ms. Febe Marasigan, kaibigan ko mula sa Nag-iba, Naujan. Minsang dumalaw ako sa SPEM Office dito sa Calapan, ay nakapagsabi ako ukol sa pangangailangan ko na makapanayam ang isang I.N.C. At ayun! Biglang sabi ni Febe na may matalik siyang kaibigan sa pangalang Ayene.

Nasa tin-edyer na gulang si Ayene, kasalukuyang 17. Ang buong pamilya nito ay aktibo at tapat na mga myembro ng I.N.C. Sila ay taga-Bongabong, at nangungupahan dito sa Calapan sa Calero. Mahirap pa rin na makapanayam ko siya dahil mula Bongabong ay pumupunta lamang siya sa Calapan tuwing Lunes ng hapon – oras para ako ay byumahe patungong Pinamalayan.

Isang Bagong Pakikipag-Ugnayan.

Siguro nga ay hindi kalooban ng Diyos na si Ayene ang aking kapanayamin, kahit na ayos lamang ito sa dalaga. Lubha rin itong naging mahirap sa akin dahil nga wala kaming personal na komunikasyon. Kahit na ang ‘unlimited calls’ ng smart ay hindi makasasapat para sa aking pangangailangang siya ay makausap ng pormal.

Lumapit ako kay Sis. Jane Salazar. Ang sabi niya, ay maaari kong kapanayamin si Marife na isa niyang estyudante sa City College of Calapan. Sa takdang araw noong isang lunes ng Oktubre ____, ay hindi ay ako nakasipot. At laking gulat ko! Ang akin nga palang kaibigan na si Ian ay maraming kamag-anakan na INC sa Brgy. Guinobatan, malapit sa aming barangay. Kaya nga isang araw ng linggo ay hiningi ko ang panalangin ng aking mga prayer partners at kinumpleto ang aking mga katanungan para sa aking panayam. Sa totoo lamang ay ayoko talaga ng mga katanungang may kinalaman sa kanilang doktrina. Ang nais ko ay mga personal at malalalim na tanong.

Kabado ng gabing iyon, ay desidido talaga akong makipanayam ang kahit na sino sa lugar na iyon – kahit na hindi ko pa kilala. Nagpunta nga ako sa tahanan ng aking kaibigan at sa kanyang pamilya. Ang kanilang buong pamilya ay mga mananampalataya, mga kapamilya ko sa Jesus Is Lord Church. Kanila kong hiningi ang kanilang tulong, at agad naman silang tumugon. Pinakain pa nila ako ng malamig na champorado (subalit masarap dahil maraming gatas), habang iniaayos ko ang mga katanungan. Tamang-tama nga dahil wala pa akong hapunan. Sinabi ni Nanay Emy na ang aking kapanayamin ay si Ate Jo, kanilang kamag-anak, may-ari ng isang tindahan sa tapat ng kanilang tahanan.

At iyon ang simula ng masayang gabi.

Ang pagtatagpo.

Nagpunta nga ako sa kanilang tindahan, kasama ang kapatid ni Ian. Sa una nga ay talagang kabado ako. Nandoon naman si Ate Jo na para bang naghihintay sa amin. Sinabi na lamang ng aking kasama na mayroong makikipanayam sa kanya. Biniro pa nga siya ng aking kasama at ang pahabol na sigaw bago ako iwan, “Tiyakin mo lamang na mga tama ang isasagot mo!” Nakakatawa subalit para bang lalo lamang akong kinabahan.

Kunot-noo si Ate Jo sa pagharap niya sa akin. Asiwa siya dahil ang paksa ng aming pag-uusap ay isang pakikipanayam, at iyon ang unang pagkakataon ng aming pag-uusap! Lalo na ngang sumeryoso ang kanyang itsura noong sinabi kong ang aming pag-uusapan ay ang kaniyang relihiyong INC at ang kaugnayan niya rito. Tinanong niya ako kung bakit, at para saan ang aking pakikipanayam. Noong una talaga ay hindi ako makasagot ng matuwid. Subalit naalala ko naman ang habag ng Diyos at ang mga taong nanalangin para sa akin. Alam kong hindi ako iiwan ng Diyos.

Ang mga unang katanungan.

Ang akin lamang isinagot ay kailangan ko ito para sa aming pag-aaral sa paaralan. Sadyang hindi ko sinabing sa isang Bible School ako nag-aaral.

Tulad ng inaasahan ay inusisa niya kung saan ako nag-aaral. Natural na para sa kahit na sinong tatanungin, ang isasagot ay ang pangalan ng paaralan. Subalit ang isinigaot ko ay sa Pinamalayan ako nag-aaral. Siguro naman ay hindi na masama iyon – dahil sa ang kanyang katanungan ay ‘saan’. Ang tanging detalye lamang na aking ibinigay ay kailangan naming lahat na mga estyudante na kapanayamin ang mga myembro ng iba’t-ibang relihiyon.

Wari sa una ay nagtaka siya kung bakit kailangan naming mag-usisa sa iba’t-ibang relihiyon. Tinanong nga niya ito kung bakit, at ang tangi ko lamang sagot ay napakasimple – ‘kailangan po ito para sa aming subject sa school…’, dinugsungan ko pa ito, ‘liban po roon ay wala ng dahilan.’ Sa sinabi kong ito ay namasdan kong napawi ang kanyang agam-agam at nagsimula na siyang ngumiti.

Tunay na napakabuti ng Diyos!

Ang Pakikipanayam

Dahil sa nakita ko na ang kaalwanan sa kanyang mukha, ay wala na kong balak na magpaligoy-ligoy pa. [Sya nga pala, atubili pa nga siyang kapanayamin ako dahil sa may kadiliman ang aking kinatatyuan: ako ay nasa labas ng tindahan, ay siya naman sa loob (syempre pa!) at kasama niya sa loob ang ilaw. Walang ilaw sa labas kundi kaunting sinag lamang mula sa kanyang ilawan!] Subalit nagulat ako dahil parang mas agresibo pa siyang masimulan na kaagad ang panayam. Siguro ay dahil ayaw niya ng matagal na abala.

Paano ko ito nasabi? Habang pinagmamasdan ko ang aking notebook na naglalaman ng mga katanungan, siya mismo ang nagnais na kuhanin nito upang personal niyang basahin at sagutin. Alinlangan pa nga akong ibigay ito sa kanya dahil hindi maganda ang sulat at mayroong mga guri. Subalit namangha ako dahil nagawa niya itong basahin nang may kaalwanan at kaunting hirap lamang sa ilang bahagi. Nagulat pa nga ako dahil pagkabasa niya sa unang katanungan ay nagbigay din kaagad siya ng sagot ng walang anumang pasakalye.

Dalawa ang pangunahing bahagi ng mga katanungan: Personal at Doktrinal. Nais ko munang ibigay ang simpleng outline ng mga katanungan:

A. PERSONAL NA BAHAGI 1. Pagiging myembro ng INC. 2. Pagmamahal at katapatan sa INC. 3. Mga pakinabang sa pagiging INC. B. DOKTRINAL NA BAHAGI 4. Paniniwala sa Diyos 5. Paniniwala kay Jesus. 6. Paniniwala sa Kaligtasan. 7. Paniniwala kay Felix Manalo. 8. Paniniwala sa Bibliya.

Ang PERSONAL na mga katanungan.

Bago ko simulan ng pormal ang pakikipanayam sa bahaging ito, tinanong ko muna ang kanyang ngalan at edad. Tinanong niya kung ang nais ko ba ay iyong pangalan niyang nakatala / nakarehistro bilang myembro ng INC, o iyong tunay niyang pangalan, o nickname kaya. Hindi ako agad na nakasagot. Kaya nickname lamang ang kanyang binigay, at tunay na apelyido. Ang aking interviewee ay si Ate Jo Montero, 34-taong gulang ng Corehousing, Guinobatan Calapan City. May asawa at isang 11-taong gulang na anak na dalagita.

1. Pagiging myembro ng INC.

a. Kailan pa kayo naging myembro ng INC?

Simula nang magkaisip [Ang literal niyang sagot ay simula kapanganakan].

b. Ang inyo bang pamilya ay myembro rin ng INC?

Anong pamilya? Ang aking pamilya sa magulang o ang aking pamilya ngayon bilang may-asawa? Ang aking pamilya sa magulang at ang pamilya ka ngayon ay lahat na myembro ng INC.

c. May katungkulan ba kayo, o ang inyong pamilya sa INC?

Ang aking ina ay isang kalihim. Ang aking kapatid ay isang mang-aawit.

2. Pagmamahal at Katapatan sa INC.

d. Mahal ba ninyo ang inyong iglesya? Kung oo, gaano ninyo ito kamahal?

Oo naman. Mahal na mahal. Hindi ko ito ipagpapalit.

e. Handa ba kayong mamatay para sa inyong iglesya?

Ano? Baka naman ang ibig mong tukuyin ay nais ko bang manatili sa iglesya hanggang kamatayan [hindi iyon ang nais kong tukuyin, kundi katapatan sa iglesya na handing ibuwis ang buhay]? Ganoon na lamang ang tanong mo. Syempre hanggang sa kamatayan ay nais kong isa akong myembro ng INC.

3. Mga pakinabang sa pagiging INC.

f. Ano ang mga kabutihang nagawa ng INC sa inyong buhay?

Hindi mabibilang lahat! [Sumingit ako, at tinanong kung maaari ba niyang isa-isahin ang mga kabutihang iyon.]– at sa totoo lamang, hindi na nga dapat bilangin [iyan ang kanyang isinagot sa aking paningit na tanong. Natatawa pa nga siya.]!

g. Ano-anong mga pagpapala ang inyong personal na natamo mula sa Diyos?

Lahat ng bagay – mabuti man o masama ay itinuturing kong pagpapala mula sa Kanya.

Konklusyon:

Ito ang tipikal na kalagayan ng isang Iglesia ni Cristo: ang buong pamilya ay kasapi rin, at may katapatan at pagmamahal sa iglesya. Para ngang gusto ko nang humanga sa kanyang pag-ibig sa iglesia, subalit na-‘turn-off’ ako dahil hindi siya handing magbuwis ng buhay para dito. Sinasabi niyang kahit na ang mga masamang bagay ay ‘pagpapalang’ mula sa Diyos, subalit hindi niya kayang lubos na magsakripisyo.

Ang DOKTRINAL na mga katanungan.

Bago ko simulan ng pormal ang pakikipanayam sa bahaging ito, tinanong ko muna ang kanyang ngalan at edad. Tinanong niya kung ang nais ko ba ay iyong pangalan niyang nakatala / nakarehistro bilang myembro ng INC, o iyong tunay niyang pangalan, o nickname kaya. Hindi ako agad na nakasagot. Kaya nickname lamang ang kanyang binigay, at tunay na apelyido. Ang aking interviewee ay si Ate Jo Montero, 34-taong gulang ng Corehousing, Guinobatan Calapan City. May asawa at isang 11-taong gulang na anak na dalagita.

1. Paniniwala sa Diyos.

a. Sino ang pinaniniwalaan ninyong Diyos?

Ang Diyos Ama! Mayroon pa bang iba [parang siyang natatawa]?

b. Ilan ang Diyos?

Syempre iisa lamang. Ang Diyos Ama na Lumalang ng lahat ng bagay.

2. Paniniwala kay Jesus.

c. Si Jesus ba ay Diyos?
Kung hindi, bakit?

Hindi. Siya ay tao, dahil sinabi nga sa Kasulatan na Siya’y ipinagdalang-tao, at hindi ipinagdalang-Diyos. Iisa lamang ang Lumalang.

d. Ano para sa iyo si Jesus?

Isang tao. Dahil Siya’y nagkatawang-tao.

e. Higit ba Siyang mas mataas sa karaniwang tao?

Oo. Higit sa pangkaraniwang tao. [bahagyang nag-isip] Marami Siyang mga nagawang himala. Nakapagpagaling Siya ng maraming maysakit, kaya higit Siya sa karaniwang tao.

f. Siya ba ay nilikha ng Diyos?

Oo. [Wari ko’y buo ang kanyang kumpyansya rito.]

g. Dapat bang sambahin si Jesus?

Ang dapat na sinasamba ay ang Diyos Ama lamang, sapagkat Siya lamang ang Diyos. Subalit, nasa tao na iyon kung sasambahin niya si Jesus. [E para sa inyo, nararapat ba Siyang sambahin? Kung kayo mismo…] Parang hindi. Para sa akin ay hindi.

3. Paniniwala sa Kaligtasan.

h. Lahat ba ng tao ay makasalanan?

Oo naman! [ngingiti-ngiti] Lahat ay nagkasala – mapamaliit o mapamalaki.

i. Ano ang kabayaran ng kasalanan?

Aba, depende iyan sa kasalanan. Ang kasalanan kasi ay pang-itaas o pang-tao. [Ano po ang ibig ninyong sabihin sa kasalanang pang-itaas at kasalanang pang-tao?] Ang kasalanang pang-itaas ay mga pagkakasala laban sa Diyos, at ang kasalanang pang-tao ay mga kasalanan laban sa kapwa-tao. [Ano po ulit ang kabayaran o kapalit nito? (Para kasing hindi niya lubos na maintindihan ang tanong.)] Hmmm… mahirap sagutin kung ano ang kabayaran… depende nga! Hindi naman siguro masasagot iyan dahil hindi tayo ang magpapataw!

j. Totoo bang may impyerno at langit?

Hindi ko alam! Hindi pa kasi ako nakakarating! [(Sabay tawa ng medyo malakas.)Pero naniniwala po kayo na mayroong langit at impyerno?] Naituturo naman sa amin iyan. Ang langit ay iyong Bayang Banal; at ang impyerno naamn ay maraming tawag… iyon yata ay iyong dagat-dagatang apoy. [Ang sabi naman po ng iba ay lawa ng asupre.] Oo, ganoon na nga. Sa impyerno ay iyong mga hindi maliligtas. [Sayang at hindi ko nalinaw kung ano ang pagkaka-unawa niya sa Bayang Banal.]

k. Paano maliligtas ang isang tao?

Sa pamamagitan ng pananampalataya! Kung ano ang iyong sinasampalatayanan, edi iyon ang magliligtas sa iyo. Basta gawin mo ang sa kung ano ang tingin mong tama at nararapat na gawin.

l. Kung hindi myembro ng INC ang isang tao, maliligtas kaya siya?

Sa aming paniniwala, ay hindi. Pero siguro nasa tao rin iyon.

m. Lahat ba ng myembro ng INC ay maliligtas?

Hindi sigurado, kasi nga ay mayroong hihirangin ang Diyos. Hindi lahat ng myembro nito ay maliligtas, kundi iyong mga hihirangin sa loob. Isa pa, ay hindi maliligtas ang may masamang pamumuhay. Kung mahihirang ka nang tapat, ay mamumuhay ka rin ng tapat.

4. Paniniwala kay Felix Manalo.

n. Sino si Felix Manalo?

Siya ang ‘Sugo’ na nagtatag.

5. Paniniwala sa Bibliya.

o. Naniniwala ba kayo sa Bibliya?

Oo – doon kasi nakabase ang mga itinituro.

p. Sino ang makakaunawa rito?

Syempre iyong mga nagtuturo nito – mga pari, ministro, at iba pang tagapagturo.

Konklusyon:

Ang kanyang mga sagot ay nagpapakita ng magkahalong paniniwala ng isang tipikal na myembro ng INC, at ng isang nag-aaral ng Bibliya. Subalit mahirap gumawa ng konklusyon, dahil kulang ang aking mga naging tanong at hindi ganoon ka-espisiko.

Lalo na sa kanyang paniniwala ukol sa kaligtasan. Ipinagdiinan niya na maliligtas ang tao sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang ibig niyang sabihin sa mabuting pamumuhay ay bunga o katibayan ng pagkakahirang ng Diyos sa isang tao – isang katuruan na matatagpuan sa Bibliya! Subalit hindi naman masasabi na maka-Biblikal na nga ang kanyang paniniwala, dahil nga alinlangan pa rin siyang maliligtas ang tao kung hiwalay sa INC. Isa pa, baka ang tinutukoy niyang pananampalataya na magdudulot ng kaligtasan ay ang pananampalataya na itinuturo lamang ng kanilang iglesia.

Ano ang nais ninyong sabihin sa akin sa ating paghihiwalay?

Nakaisip ako ng paraan upang magbigay kasiyahan sa aking interviewee. Sinadya kong magbigay ng ‘bonus’ na katanungan, na kung saan ay malaya siyang magsabi sa akin ng kahit na ano, bago naming wakasan ang aming panayam.

Noong una ay parang hindi niya maunawaan… para bang atubili siya. Kaya ang sabi ko, kahit na reaksyon sa aming naganap na usapan, o kung ano pa man. Doon ay mukhang nagkaroon siya ng ideya. Ang kanya lamang naiwang pangungusap sa akin,

“Nasa iyo na kung paniniwalaan mo rin ang mga pinaniniwalaan ng aming Iglesia.”

Malalim na Pagsusuri: Isang Paghahambing at Pag-aanalisa.

Tinawag ko itong pagsusuri dahil sa bahaging ito ay magkakaroon tayo ng higit na malalim na ‘repleksyon’ sa nabanggit na panayam, sa kabuuan nito. Sisikapin nating tumagos sa makapal na balat ng nilalaman nito at ipakita ang pinakalaman at loob. Ang pagsusuring ito ay gagamitan ng pag-aanalisa at paghahambing. Paghahambing dahil ang mga naging kasagutan ng aking interviewee sa doktrinal na bahagi ay ikukumpara sa:

1. Paniniwala ng INC – upang mabatid kung hanggang saan ang a.) kanyang nalalaman at b.) pinaniniwalaan sa mga itinituro ng iglesia (magkaiba ang dalawang bahagi na ito); at, 2. Itinuturo ng Bibliya – upang salain ang kanyang pinaniniwalaan at ang itinuturo ng kanyang iglesya sa liwanag ng Salita ng Diyos.

Sagot ng Interviewee | Paniniwala ng INC | Sagot ng Biblia | Paniniwala sa Diyos. | a. Sino ang pinaniniwalaan ninyong Diyos? b. Ilan ang Diyos? | Ang Diyos Ama lamang. Iisa ang Diyos na Lumalang. | Ang Diyos Ama. Itinatatwa ang Trinidad. | Iisa ang Diyos (Deu. 6:4; Isa. 37:16, 43:10; Psa. 86:10)na mayroong Tatlong Persona:Diyos Ama – John 1:18, 3:16,17Diyos Anak – Mat. 1:23, Jn. 1:1; Heb. 1:8Diyos Espiritu Santo – Acts 5:3-5 1 Cor. 3:16,6:19; Eph. 2:22 | Paniniwala kay Jesus. | c. Si Jesus ba ay Diyos? d. Ano para sa iyo si Jesus? e. Higit ba Siyang mas mataas sa pangkaraniwang tao? | Isang tao na higit sa karaniwan dahil sa Siya ay may nagawang mga himala at nakapagpapagaling ng maysakit. | Isang tao na higit sa lahat ng tao sa kapangyarihan, karangalan, at kaluwalhatian. Anak ng Diyos (Mat. 3:7), Tagapagligtas (Acts 5:31), Tagapamagitan natin sa Diyos (1 Tim. 2:5), at hindi kailanman nagkasala (1 Pet.2:21,22). | Isang tunay na Tao – Jn. 8:40; 1 Tim. 2:5; Isa. 53:5; Fil. 2:7Isang tunay na Diyos – Heb. 1:8; (mga talata sa itaas) | f. Siya ba ay nilikha ng Diyos? | Oo. Nilikha Siya ng Diyos Ama | Siya ay nilikha ng Diyos, at may pasimula. Noong una, Siya ay ‘naroroon’ lamang sa isip at balakin ng tao. | Hindi. Siya’y ka-manlilikha (co-creator) ng Dios Ama – John 1:3.Kasa-kasama rin Niya ang Dios noon pa mang walang hanggang simula (eternity past) – John 1:1.Wala Siyang pasimula – Jn. 8:56-58; Col. 1:15,17; Gen. 1:26 | g. Dapat bang sambahin si Jesus? | Para sa akin ay hindi. Dahil dapat ay Diyos Ama lamang ang sinasamba ng tao. | Oo, dahil ito ay iniutos ng Diyos Ama (Fil. 2:9-11). Subalit ang pagsamba sa Kanya ay hindi katulad ng pagsamba na iniuukol lamang sa tunay na Diyos – ang Diyos Ama. | Oo. Sapagkat Siya ay Diyos, sa katunayan, sinamba Siya ng Kanyang mga alagad – Mat. 14: 33; Lk. 25:32; Acts 7:59-60.Sa langit Siya ay sasambahin din – Rev. 5:8-14, 7:9-12. | Paniniwala sa Kaligtasan. | h. Lahat ba ng tao ay makasalanan? | Oo. Mapamaliit o mapamalaki. | Oo. | Oo. Walang tinukoy na maliit at malaking kasalanan – Rom. 3:10,26. | i. Ano ang kabayaran ng kasalanan? | | Depende sa kasalanan. Ang kasalanan kasi ay pang-itaas o pang-tao. Hindi masasabi ang kabayaran nito, dahil hindi naman tayo ang hahatol! | Kamatayan, pagparusa sa impyerno. | Kamatayan – Rom. 3:26, at iyon ay ang walang-hanggang pagkahiwalay sa Diyos – Rom. 5:21, 7:23; Eph. 2:1. | j. Totoo bang may langit at impyerno? | Hindi alam dahil hindi pa nakakarating. Subalit itinuturo sa INC na ang langit ay ang Bayang Banal, at mayroon ding impyerno na tinatawag ding dagat-dagatang apoy. | Totoon nay langit at impyerno. | Totoong may langit at impyerno. Ang tinutukoy ko dito ay ang ‘pangatlong langit’, na kung saan naluluklok ang Diyos,Langit – Psa. 11:4; Mat. 6:9; John 14:2; 1 Pet. 1:4Impyerno – Mat. 24:51, 25:46; Isa. 33:14, 10:28 | k. Paano maliligtas ang tao? | Sa pamamagitan ng pananampalataya, kung gagawin ang alam niyang tama. | * Sumapi sa tanging iglesiang iniligtas ni Cristo – ang INC. * Magbago ng pamumuhay. * Magpa-bautismo sa INC. | Sa pananampalataya kay Cristo, at ito’y biyaya ng Diyos. Hindi sa pamamagitan ng mga gawa. | l. Kung hindi myembro ng INC ang isang tao, maliligtas kaya siya? | Hindi, ayon sa aming paniniwala. Subalit nasa tao rin iyon. | Hindi. Hiwalay sa iglesiang iniligtas ni Cristo ay walang kaligtasan. | Ang kaligtasan ay kay Cristo lamang, hindi batay sa isang tiyak na iglesya – John 14:6. | m. Lahat ba ng myembro ng INC ay maliligtas? | Hindi, dahil may hihirangin ang Diyos sa Kanyang iglesya, at hindi lahat iyon. Batay din sa kanilang pamumuhay ng tapat. | Hindi. Nakadepende rin sa kanilang pamumuhay. Ang may matuwid na pamumuhay ay mga tunay na nakay Cristo. | Ang katibayan (hindi batayan) ng kaligtasan ay ang pagtupad sa Kanyang kalooban, ang mabuting pamumuhay – Mat. 7:21-23b; Rom. 2:13. | Paniniwala kay Felix Manalo. | n. Sino si Felix Manalo? | Siya ang ‘Sugo’ ng Diyos na nagtatag ng INC. | * Isaiah 43:5 – Ang ‘sugo’ mula sa Malayong Silangan. At ang mga anak na lalake at babae ng Diyos ay ang mga kasapi ng INC. * Rev. 7:2,3 – Ang ‘ibang anghel’ na umaakyat mula sa sikatan ng araw * Isa. 41:9 – Ang ‘tinawag’ mula sa ‘mga sulok ng lupa’. * Isa. 46:11 – Ang ‘ibong mandaragit’. * Isa. 41:4 – Ang ‘huli’ na Sugo ng Diyos sa mga wakas ng lupa | * Isa. 43:5 – Ang tinutukoy ay ang Bayang Jacob/Israel (Juda) – Jer. 30:10, 46:27-28 At ang mga anak na lalake at babae ng Diyos ay ang mga Judio – Deu. 14:1,2. * Rev. 7:2,3 – Ang pangangalaga ng Diyos sa Kanyang mga hinirang. * Isa. 41:9 – Tumutukoy ito sa likas na bansang Israel. * Isa. 46:11 – Si Haring Ciro ng Persia ang tinutukoy – 41:2 * Isa. 41:4 - Ang tinutukoy ay ang pagiging tunay na Diyos ng Israel, na kayang humula | Paniniwala sa Bibliya. | o. Naniniwala ba kayo sa Bibliya? | Oo. Doon nakabase ang mga itinuturo. | ‘Believes that the words of God are written in the Bible… Reliable, it reveals what will happen in the future… especially to His Church, the INC.’ (INC, 1964 : 8). | 2 Tim. 3:16,17 – Kinasihan ng Diyos, ang Salita ng Diyos, na pamantayan ng pananampalataya at pamumuhay. | p. Sino ang makauunawa rito? | Ang mga tagapagtur nito – ang mga pari, ministro, atbp. | Maaari lamang maunawaan ng mga pinagkatiwalaan ng Diyos – ang ‘Sugo’ ng INC, at lahat ng ministro nito. | I Cor. 2:16 – Ang lahat ng naligtas kay Cristo, ay makauunawa nito dahil nasa kanila ang Banal na Espirito na nakauunawa ng mga panukala ng Diyos. |

Ano ang aking masasabi?

Hmmm. Ang aking nakapanayam ay nakaaalam ng ‘katamtamang’ antas ng doktrina ng Iglesia ni Cristo. Subalit isang konklusyon ang nais kong sabihin, batay sa aking obserbasyon: Ang taong ito ay hindi lubos na sarado sa katotohanan ng Bibliya; o kaya, ay hindi lubos na alipin ng mga maling katuruan ng kanilang iglesia. Paano ko ito nasabi?

Sa ilang kadahilanan. Una, naniniwala siya na ang kaligtasan ay batay sa pananampalatayang hand among isabuhay, na sa tingin mo ay tama. Totoo, hindi ito ang eksaktong itinuturo ng Bibliya, dahil ang ‘katotohanan’ ay hindi batay sa kung ano ang tama ayon sa paningin ng tao, kundi, ang katotohanan lamang ay nakabatay sa pamantayan ng Bibliya. Ganoon pa man, nagpapakita siya ng kaisipan na maaaring ang turo ng ibang iglesia ay totoo rin at tama, hindi lamang ang katuruan ng kanilang iglesia.

Pangalawa, naniniwala rin siya na ang Bibliya ay maaaring maunawaan (at maituro) ng tama ng iba pang tagapagturo, hindi lamang ang mga ministro ng INC. Kung gayon, ay maaari niyang paniwalaan ang pangangaral ng iba pang tao, katulad ng mga tunay na Kristyano.

Pangatlo, naniniwala siya na ang mga tunay na ligtas at hinirang ng Diyos ay may matuwid na pamumuhay. Bagama’t maaaring ang pagkaunawa niya sa matuwid na pamumuhay na ito ay ‘isang batayan’ ng kaligtasan, sa halip na ‘bunga’ o ‘resulta’ nito, ganoon pa man, ang kanyang pagbibigay importansya sa nabagong pamumuhay ay mahalaga sa buhay ng isang ligtas. Ito rin ay matatagpuan sa Bibliya.

Marami pang obserbasyon ang maaaring masabi, subalit hanggang dito na lamang ang aking sasabihin. Hayayaan kong iwan sa sinumang makababasa nito ang iba pang maaari niyang makita.

Pagbabalik-tanaw sa Unang mga Layunin.

Nais kong tapusin ang simpleng pag-aaral na ito sa orihinal nitong layunin. Ang mga layuning ito ay aking binanggit sa unang bahagi ng sulating ito, at makabubuting muli itong ilatag sa mambabasa (mula sa unang pahina):

1. Syempre pa nagunguna sa listahan ay ang magampanan ang hinihingi ng aming asignatura sa Cults 1 – ang makipanayam sa isang taong nabibilang sa hidwang pananampalataya, sa pagkakataong ito ay isang myembro ng Iglesia ni Cristo. Naisin na malaman ang personal na kumbiksyon ng kakapanayamin ukol sa kaniyang relihiyong kinabibilangan, at ang impluwensya nito (kumbiksyon at relihiyon) sa kanyang buhay.

Pahintulutan akong magdagdag ng personal kong mga hangarin. 2. Maipakita at maipadama ang kadakilaan ng pag-ibig at kahabagan ni Kristo sa pamamagitan ng wastong paniniwala at patotoo sa buhay. 3. Makipagkaibigan at makaimpluwensya.

Naabot ba ng aking pakikipanayam ang aking mga layunin? Nakalulungkot man sabihin ay hindi. Hindi dahil ang una lamang na layunin ang lubusang nakamit, at kaunti sa pangatlong layunin. Sa Unang layunin, ay nakita natin na ang kanyang mga paniniwala ay hindi lubusang alipin ng maling mga katuruan na ikinakalat ng kanyang iglesia. At, ang kanyang buhay ay kakikitaan ng pagiging bukas sa katotohanan – may malaking pag-asang makikita na maaari siyang tumanggap sa mensahe ng Mabuting Balita.

Hindi naabot ang pangalawang layunin dahil sa isang beses lamang kaming nagkausap. Isa pa, ay hindi ko naman nasabi ang tamang mga katuruan ng Bibliya, at, higit pa rito, ay walang pagkakataon upang kanyang makita ang patotoo ko sa buhay.

Sa pangatlong layunin, bahagya ay naabot ito dahil sa naniniwala akong ang minsan naming pag-uusap ay simula ng isang pagkakaibigan. Kitang kita ko ang biyaya ng Diyos nang gabing iyon sa kanyang mga ngiti at pagtawa sa aming pag-uusap.

Isang Hamon.

Sa karanasan kong ito ay masasabi kong hindi imposible ang pag-abot sa isang kaluluwa na nabibilang sa anumang pananampalataya. Ang kailangan lamang ay pag-ibig, pananalangin, at sapat na kaalaman sa Bibliya.

Syempre pa, lubha ding kailangan ang Biyaya ng Diyos.

Similar Documents

Free Essay

Fym Movie Reaction Paper

...Ciudad de Victoria, Bocaue, Bulacan. The said film was also a major production of the church, Iglesia ni Cristo and with its whole support, the movie became more than just a successful one; it was a mega-blockbuster hit. Originally, it was a 6-hour film, but during its premiere, only the cut-short 3-hour version was screened. The film is a historical drama portraying the life of Bro. Felix Ysagun Manalo, the first executive minister of the Iglesia ni Cristo and regarded as the messenger of God in these last days. The film was shot in a sepia-like filter which gave me the impression of it being shot in an era where colored pictures have yet to exist. The soundtrack and music video of the film entitled “Ang Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw” was released on October 4, 2015 at the Philippine Arena. It was performed by Sarah Geronimo, composed by Joan and Ryan Solitario and arranged by Louie Ocampo. It made the hair on the back of my neck stand up as it played and it also moved me like how a worship service hymn would. It revolves on how Bro. Felix Manalo survives all the struggles, and the problems he faced just to discover the one true church. The purpose of the said film is to know, learn and share the history of how the Iglesia Ni Cristo was established. As a member of the Church of Christ, I really appreciated every second of the movie especially in the Japanese period. It made my faith so much stronger. Words can’t...

Words: 390 - Pages: 2

Premium Essay

Stress and Health

...Urbiztondo, Jonell D. BSME- II(GO) Mr. Alcoreza Chapter v Laws Laws are regulations or rules that we, individuals need to follow. It is made to make a country or any particular place in order. It is made by the people in the government or the legislator, God and the people who have the capability to do it. There are different kinds of laws. These are the one made by God or divine law and the one made by the human beings or human law. The one made by God or the divine law is the one that has been given by God, after Moses saved some Israelites. This is what the Catholics called The Ten Commandments. The only punishment you will get from breaking this law is to pray what the priest will tell to you to pray. The other law is the one made by the human or the human law. It is the laws that have been made by the people in the government or the legislator. Before this law has been approved there’s a lot of procedure that happened. Unlike the divine law, the punishment when you break this law is going to jail or paying bail. There are some human laws or the law that has been made by the legislators that are alike the divine law or the law that has been made by God. One of the examples of that is seventh commandment of God that tells us not to commit adultery. In the human law or the law that has been made by human, adultery is also prohibited. Urbiztondo, Jonell D. BSME- II(GO) Mr. Alcoreza Chapter IV Conscience Conscience is what we are feeling when we...

Words: 1252 - Pages: 6

Premium Essay

My Life

...2. As a Catholic, Christian, Iglesia Ni Cristo or Muslim am I living the way it should be? I did take a step to see and explore things in life. I have seen and known much as I wanted. All those crimes in every corner of the world, a piece of paper controlling people, suit and tie surpassing the poverty, inequality among men, corruption all over the place, teenagers doing unimaginable things, and even a broken home which I also is one of the products of it, are these events supposed to happen? If people are capable of having an initiative of emphasizing the point of this issue, understanding and fixing ones inner feelings while putting it to work, reducing ones pride and selfishness, respecting each beliefs and if only we value the essence of God’s love for us. How beautiful this place could be, destroying all the system made, and creating a new dimension of our life where we can let God change our hearts. Since the beginning of time, religion has been the topic. People were being criticized, tortured, burnt to death, nailed up on a cross and sacrificed their life, just to keep the faith instilled in them so that future generation will be benefited. In connection, it takes place because we individuals have different way of thinking resulting to a different view on it. Remarkably, different perspective, different faith immersed, and different people with selfishness and pride appeared. Afterward schism intervened between the churches thus, resulting on whom to trust our morality...

Words: 448 - Pages: 2

Premium Essay

Drug Addiction

...Philiipine Traditional Costumes     The Philippine Costumes   Barong Tagalog for Men Barong Tagalog, the official national costume of Filipino men, originated from the northern part of the Philippines, and is originally made of jusi or pineapple cloth called “pina” (woven from pineapple leaves). It is worn over a Chinese collarless shirt called camisa de Chino. It exhibits the loose, long lines of its Chinese sources, the airy tropical appearance of Indo-Malay costume, the elongated effect of Hindu dressing, and the ornamental restraint of European men’s clothing. Today, barong tagalong can come from different materials and different colors. It is usually used for formal occasion and meetings Mestiza The Mestiza Dress is a formal dress made of expensive lace and fabric adorned with embroideries. It is the sophisticated version of the national costume, the baro’t saya (blouse and skirt). Made more popular by former Philippine First Lady Imelda Marcos, some even called it Imelda dress or terno. Mestiza dress is known for its elegance and butterfly sleeves. It is usually worn for formal occasion Maria Clara Dress Maria Clara’s dress was named after a mestiza heroine of one of the novels of the Philippine National hero Dr. Jose Rizal. Its origin was the national costume of Filipino women which is baro’t (shirt) saya (skirt). The Maria Clara gown features a floor-length paneled skirt of silk or satin and it consists of four separate pieces: the collarless...

Words: 2338 - Pages: 10

Premium Essay

Samesex Marriage

...Third Gender – Equality and Truth http://caissg.org/third-gender-equality-truth/ It is a brave and honest person who can stand apart from the masses and openly challenge its most treasured beliefs. ~ Donna Evans As humans, we understand a little about our complex bodies even with the greatest medical science. It is what it is. Then why lie? Secrecy and stigma are worse than the condition itself. Without truth and transparency, it is difficult to pass laws, provide equal rights, offer support and help for all. We need to have an environment which encourages truth, tolerance, and respect for all.  Are there only two genders or is there a third gender?Regardless of which side of the issue you are on, we can all agree thattruth is always the right option and secrecy and lying have no place for a long-term solution in a civilized society. There are several issues withsecrecy and lying. First it is wrong. Second it does not take into account the feelings and trauma of the person being lied to. Third it could lead to criminal acts such as if lying is a crime under oath. What are the bioethics for disclosure to spouses? It is NOT about gender identity or it is NOT about the sexual identity, it is about the HUMAN identity which is to say the truth. As a human being, everyone deserves a feeling of “belonging”, understanding and acceptance. Without recognition of the truth, how will an intersex person marry legally or how can an intersex couple (who are infertile) adopt a child legally...

Words: 23971 - Pages: 96

Free Essay

Ibat Ibang Religion

...PINAGMULAN NG IBA’T-IBANG RELIHIYON SA PILIPINAS AT PARAAN NG PAGSAMBA:ISANG PAGHAHAMBING Isang Pamanahong Papel na Iniharap kay Prepesor Salvy T. Robles Dalubguro sa Filipino, Pamantasan ng Silangan, Kolehiyo ng Sining at Agham Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Pangangailangan ng Asignaturang Pabasa’t Pagsulat sa Iba’t Ibang Displina – ZFI II2 Nina: Balmonte, Jhoanna L. Meriales, Ronjor Aga R. Pacuan, Catherine D. Pascual, Jezter S. Diaz, Nathalie Dei J. Manuel, Ariel B. Gloriani, Analiza B. Naval, Arvin Gilbang, Janeca T. Marso 2013 i DAHON NG PAGPAPATIBAY Pinagtibay ng lupon sa pagsusulit na oral na ang kaloob na marka ay _____%? Tagasulit Salvy T. Robles Dalubguro sa Pilipino Kolehiyo ng Sining ay Agham ii PASASALAMAT Taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ng mga mananaliksik sa mga manunulat ng aklat na nabasa na nakatulong sa ginawang pananaliksik. Nagpapasalamat din ang mga mananaliksik kay propesor Salvy T. Robles, dalubguro sa Pilipino na nagbigay kaalaman sa paggawa ng tesis. Maraming salamat sa Pamantasan ng Silangan dahil sa mga aklat na ipinahiram sa mga mananaliksik na nakapagbigay ng dagdag kaalaman at impormasyon. Lubos din ang kanilang pasasalamat sa mga magulang na laging gumagabay sa mga mananaliksik. At higit sa lahat, sa poong...

Words: 3224 - Pages: 13

Free Essay

Kkkkk

...REGION II is composed of five provinces: - CAGAYAN Capital: Tuguegarao City - ISABELA Capital: Ilagan - BATANES Capital: Basco - NUEVA VIZCAYA Capital: Bayombong - QUIRINO Capital: Cabbaroguis CAGAYAN Cagayan Provincial Museum - An extensive collection of artifacts of the province and fossils of prehistoric animals. MIRACULOUS LADY OF PIAT A four centuries-old image of Mary broughtfrom Macao by DominicanFriars. The Basilica Minore is a declared National Shrine and a world-renowned pilgrimage spot. SAN JACINTO DE POLONIA PARISH, Camalaniugan -The church contains the oldest bell in the Far East, forged in 1595. ST. HYACINTH CHURCH, Tuguegarao  Features an elevated chapel, its construction dates back to 1604. ST. PETER AND PAUL'S CATHEDRAL, Tuguegarao Built in 1767, the church has been restored after suffering massive damage in World War 2. ISABELA AGUINALDO SHRINE, Palanan  - General Aguinaldo was captured here in 1901 by American Forces, thus ending the Philippine Revolution GUIBANG CHURCH, Gamu  Houses the Miraculous Lady of the Visitation of Guibang. PARISH CHURCH OF ST. MATHIAS, Tumauini  An ultra-Baroque church, unique for extensive use of baked clay, both for wall finishing and ornamentation.  SAN PABLO CHURCH, San Pablo  Built in 1625, it features the tallest bell tower in the Cagayan Valley. BATANES RADIWAN POINT, Ivana Seaport Site of the landing by Philippine Independence fighters on September 18, 1889. SONGSONG ...

Words: 3611 - Pages: 15

Premium Essay

Lcv; Lv

...POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES 1 Chapter 1 THE PROBLEM AND ITS BACKGROUND Introduction Governance, politics and nation building: such serious terms that before were for adults only. It is because enough capacity, maturity, experience, strength and vitality are needed to perform these heavy tasks. Democracy in the Philippines contributed in paving the way for almost everyone to take part in these noble duties. Every Filipino is free to participate, support and lend a hand towards greater moral, social and economic achievement. With the freedom that we have, the youth had also been trained and entrusted to perform such duties for years, in hope and belief that they are the future builders of this country. This has been a part of our culture and politics. In fact, Philippines pioneered the youth participation in local governance which means that our country has been investing in young people for decades. Thanks to that famous line of our great national hero, “The youth is the hope of the nation.” Perhaps, that very line of Dr. Jose P. Rizal is what inspired the creation of Sangguniang Kabataan. Former Philippine President Ferdinand Marcos believed in the capability of youth in leadership when he enshrined youth participation in politics. The Kabataang Barangay (KB) or “Village Youth” was a youth organization at the grassroots level created in 1975. A decade after, Sangguniang Kabataan or SK has been POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES institutionalized in relation...

Words: 12822 - Pages: 52

Free Essay

El Amor de Dios

...LIBERTY UNIVERSITY BAPTIST THEOLOGICAL SEMINARY Monografía: Los atributos de Dios: el amor Presentado a Dr. Gerardo Alfaro, en cumplimiento parcial de los requisitos para cumplir el curso Theo 525 de1 Teología sistemática por Daniel Eugenio Zangaro 14 de Diciembre del 2014 Declaración de tesis En esta monografía, realizaré un estudio teológico para determinar lo que realmente significa el amor de Dios. Comenzaré analizando la base bíblica, para luego enfocarme en la benevolencia, la gracia, la misericordia y la persistencia. Además responderé a la pregunta si existe conflicto entre el amor de Dios y su justicia, aportando mi propia conclusión. Contenido Introducción 1 El amor de Dios 1 Estudio teológico de la benevolencia 1 Estudio teológico de la gracia 1 Estudio teológico de la misericordia 3 Estudio teológico de la persistencia 3 El amor y la justicia de Dios ¿Un punto de conflicto? 1 Conclusión 1 Bibliografía 1   Introducción En el presente trabajo buscaré profundizar el significado del amor de Dios, realizando un estudio teológico basado en los pasajes bíblicos más relevantes en que se expresan su amor por la humanidad. Para muchos, el amor constituye el atributo básico, la auténtica naturaleza de Dios. Los pueblos de la antigüedad, ya sean griegos, romanos o egipcios eran politeístas, creían en dioses que por lo general se caracterizaban...

Words: 4051 - Pages: 17

Premium Essay

Marriage

...CHAPTER 1 THE PROBLEM AND ITS BACKGROUND INTRODUCTION Marriage is one of the deepest and most complex involvements of human relationships. It is a corner stone of society and a very necessary part of the social system. It is a crucial and sacred bond between two personalities merging into one for ideas, attitudes, habits and likes and dislikes. In Philippines marriage is considered a lifelong partnership. It is the foundation stone on which the family is built. Basically marriage is a social and legal contract. People marry great number of reasons- personal or social. Usually they have a certain preconceived notions about the kind of person they would like to marry. The large percentage of separation each year, non-marital pregnancies and premarital cohabitation have all dramatically changed the traditional family structure (Amato et.al, 2003). Millions of children are no longer being raised in nuclear families. The institution of marriage, the backbone of society, appears to be under threat. Marriage has, despite demographic and political shifts, significant value for the individual, families and the society (Nock, 2005). When looking at marriage as an institution, as opposed to a free-standing concept, marriage represents socially sanctioned behavior. Marriage embraces traditionally virtuous, legal and predictable assumptions concerning what is moral and what is proper (Nock, 2005). Through marriage an individual is transformed; they are perceived and treated differently...

Words: 12231 - Pages: 49

Premium Essay

Crossing Boundries- Souteast Asian & African Countries

...[pic] [pic] [pic] [pic] |[pic] |[pic] |[pic] | |MALASIYA |SINGAPORE |THAILAND | |[pic] |[pic] |[pic] | |INDONESIA |LAOS |PHILIPINES | |[pic] |[pic] |[pic] | |BURMA |VIETNAM |BRUNEI | | [pic] | |CAMBODIA | MALAYSIA Facts and Statistics Ethnic Make-up: Malay 50.4%, Chinese 23.7%, indigenous 11%, Indian 7.1%, others 7.8% ...

Words: 7047 - Pages: 29

Premium Essay

First Filipino

...THE FIRST FILIPINO Republie of the Philippines Department of Education & Culture NATIONAL HISTORICAL COMMISSION Manila FERDINAND E. MARCOS President Republic of the Philippines JUAN L. MANUEL Secretary of Education & Culture ESTEBAN A. DE OCAMPO Chairman DOMINGO ABELLA Member HORACIO DE LA COSTA, S. J. Member GODOFREDO L. ALCASID Ex-Oficio Member TEODORO A. AGONCILLO Member EMILIO AGUILAR CRUZ Member SERAFIN D. QUIASON Ex-Oficio Member FLORDELIZA K. MILITANTE Exccutive Director RAMON G. CONCEPCION Chief, Administrative Division BELEN V. FORTU Chief, Budget & Fiscal Division JOSE C. DAYRIT Chief, Research & Publications Division AVELINA M. CASTAÑEDA Chief, Special & Commemorative Events Division ROSAURO G. UNTIVERO Historical Researcher & Editor EULOGIO M. LEAÑO Chief Historical Writer-Translator & Publications Officer GENEROSO M. ILANO Auditor JOSE RIZAL (1861-1896) THE FIRST FILIPINO A Biography of José Rizal by LEÓN Ma. GUERRERO with an introduction by CARLOS QUI R INO ( Awarded First Prize in the Rizal Biography Contest held under the auspices of the José Rizal National Centennial Commission in 1961) NATIONAL HISTORICAL COMMISSION Manila 1974 First Printing 1963 Second Printing 1965 Third Printing 1969 Fourth Printing 1971 Fifth Printing 1974 This Book is dedicated by the Author to the other Filipinos Speak of me as I am; nothing extenuate, Nor set down aught in malice, Shakespeare: °the/Lo. Paint my picture truly like me, and not flatter me at all ; but...

Words: 203166 - Pages: 813

Free Essay

Sdfgf

...The Information and Communication Technology Capabilities of LGUs 87 2. The personnel and department heads should practice using the application software and try exploring while using the software. 3. The personnel especially in the lowland and interior municipalities need to undergo training along Microsoft Excel and use of Internet; and the department heads should find time to attend training on advanced I.T. like Microsoft PowerPoint. 4. The Local Government Units should include in their Municipal Development Plans how they can improve and advance along Information and Communication Technology, particularly their connection to the World Wide Web. References A. Book Milton, Susan J. and Arnold, Jesse C. Introduction to Probability and Statistics: Principles and Applications For Engineering and The Computing Sciences. New York, Mc Graw Hill, 2004 B. Theses Benzon, Paraluman Ma. Fatima C. “Computer Literacy of Local Government Unit Personnel of Vigan City”, (Unpublished Master Thesis, University of Northern Philippines, Vigan City, 2006) Lumibao, Donna Marie C. “Computer and Information Technology in the local Government Units of the First District of Ilocos Sur”, (Unpublished Master Thesis, University of Northern Philippines, Vigan City, 2004) C. Magazine National Information Technology Plan. Info Trends, 1988 88 UNP Research Journal Vol. XIX ...

Words: 30250 - Pages: 121

Premium Essay

Mehedi

...WORKING WITH ABUSED CHILDREN 1 / CHAPTER ONE The Abuse of Filipino Childr en Filipino families consider children as gifts from God (Bulatao 1975). They are persons who inspire love and affection and bring happiness and security in the twilight years of parents. Interestingly, children are seen as links to immortality because children pass on from one generation to another the family’s name, history, and heritage. Often, children are portrayed as being nurtured and properly attended to in their homes; however, Filipino children are not as secure and protected as they are ideally portrayed. The increasing number of street children who work on the streets or beg for alms from pedestrians and motorists belie such an idealized portrayal. Street children, among other things, are the most palpable reminder that all is not well with Filipino children. Reality reveals the many children who are denied even the most minimum of needs like food, love, nurturance, stability, security, and stimulating learning environment that will allow for their healthy development. Many Filipino children are rushed into maturity because early on in their lives, they are forced to contend with difficult problems and to take on adult roles and responsibilities. Media and popular and academic literature, more than any other time, has brought to our attention the plight of children, be they street children or not, who perform adult roles and who are in need of the basic components ...

Words: 49490 - Pages: 198

Premium Essay

Managing Cultura Differences

...MANAGING CULTURAL DIFFERENCES SIXTHEDITION MANAGING CULTURAL DIFFERENCES SERIES Managing Cultural Differences: Global Leadership Strategies for the 21 st Century, Sixth Edition Philip R. Harris, Ph.D., Robert T. Moran, Ph.D., Sarah V. Moran, M.A. Managing Cultural Diversity in Technical Professions Lionel Laroche, Ph.D Uniting North American Business—NAFTA Best Practices Jeffrey D. Abbot and Robert T. Moran, Ph.D. Eurodiversity: A Business Guide to Managing Differences George Simons, D.M. Global Strategic Planning: Cultural Perspectives for Profit and Non-Profit Organizations Marios I. Katsioulodes Ph.D. Competing Globally: Mastering Cross-Cultural Management and Negotiations Farid Elashmawi, Ph.D. Succeeding in Business in Eastern and Central Europe—A Guide to Cultures, Markets, and Practices Woodrow H. Sears, Ed.D. and Audrone Tamulionyte-Lentz, M.S. Intercultural Services: A Worldwide Buyer’s Guide and Sourcebook Gary M. Wederspahn, M.A. SIXTH EDITION MANAGING CULTURAL DIFFERENCES GLOBAL LEADERSHIP STRATEGIES ST FOR THE 21 CENTURY 25TH ANNIVERSARY EDITION PHILIP R. HARRIS, PH.D. ROBERT T. MORAN, PH.D. SARAH V. MORAN, M.A. JUDITH SOCCORSY Editorial Coordinator Elsevier Butterworth–Heinemann 200 Wheeler Road, Burlington, MA 01803, USA Linacre House, Jordan Hill, Oxford OX2 8DP, UK Copyright © 2004, Philip R. Harris, Robert T. Moran, Sarah V. Moran. All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, stored in a...

Words: 229816 - Pages: 920