Free Essay

Bghynhj

In:

Submitted By meckieburger
Words 1456
Pages 6
Pagpapakita ng mga pagkakatulad ng mgabakulaw at ng tao. Ang kalansay ng tao ay nasa kanan. Ang mga larawan ay iginuhit na naaayon sa sukat, subalit ang gibon na nasa kaliwa ay iginuhit na doble ang sukat o laki.
Ang ebolusyon ng tao o ebolusyong pantao ay tungkol sa pinagmulan ng uri ng tao. Lahat ng mga tao ay kabilang sa magkatulad na uri, na lumaganap mula sa pook na pinagpanganakang Aprika sa halos lahat ng mga bahagi ng mundo. Ang pinagmulan nito sa Aprika ay pinatunayan ng mga kusilba o posil na natagpuan doon. Napag-alaman na ng matagal na panahon - ilang mga daang taon - na ang mga tao ay ang mga bakulaw ay magkamag-anak. Sa kaibuturan, magkahalintulad ang kanilang anatomiya bagaman maraming mga pang-ibabaw na mga kaibahan. Ito ang dahilan kung bakit, noong ika-18 daang taon, ay pinagsama-sama sila nina George-Louis Leclerc at Carolus Linnaeussa isang pamilya o mag-anak. Sinasabi ng panukalang pang-agham ng ebolusyon ni Charles Darwin ang ganyang payak o basikong pagkakatulad ng kayarian ay nagmula sa iisa o pangkaraniwang pinagmulan ng pangkat. Ang mga bakulaw at mga tao ay malapit na magkamag-anak, at humubog ng isang sanga ng mga primado: ang orden ng mga mamalya na kasama ang mga unggoy at ang kanilang mga kamag-anak.

Halimbawa ng ebolusyon ng tao

Ziggurat - templo na yari sa laryo at tila mga kahon na pinagtung-tong. ang ziggurat o templo ay tahanan ng mga diyos ng mga sumerian....Dahil kulang ang bato at kahoy sa paligid ng mesopotamia,natuto silang gamitin ang luwad na galing sa ilog upang maging mga ladrilyo..
Cuneiform
Ang cuneiform ang paraan ng pagsulat ng mga Sumerian.Sa simula, mga marka lamang itong makikita sa pagdiin sa mga luwad na tableta. gumagamit ang mga iskriba (tagasulat ng templo) ng isang maliit na patpat na tinatawag na stylus. Hango ang cuneiform sa salitang Latin na Cunneus o ang kombinasyon ng mga wedge na ginagamit na tanda nito.Hindi sa papel sumusulat ang mga Sumerian kundi sa tabletang luwad na ginagamitan ng stylus habang malambot.Pagkatapos pinatutuyo ito sa araw hanggang sa tumigas.

-------------------------------------------------

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay tungkol sa kabihasnang Tsino. Para sa makabagong pampolitikang estado na binubuo ng Mainland China, Hong Kong at Macau, tingnan ang Republikang Popular ng Tsina. Para sa makabagong pampolitang estado na binubuo ng Taiwan, tingnan ang Republika ng Tsina. Para ibang gamit, tingnan ang Tsina (paglilinaw).
Ang Tsina (Ingles: China; Tsinong tradisyunal: 中國; Tsinong payak: 中国; Tongyong Pinyin: Jhongguó; Hanyu Pinyin: Zhōngguó (tulong·impormasyon); Wade-Giles(Mandarin): Chung¹kuo²) ay isang rehiyong pangkultura, isang matandang sibilisasyon (kabihasnan), at isang entidad na binubuo ng isang (national) o maraming(multinational) bansa na sumasaklaw sa malaking bahagi ng Silangang Asya. May 16 dinastiyang naghari sa rehiyong ito.
Nagdulot ang huling Digmaang Sibil ng Tsina ng dalawang pampolitikang entidad na gumagamit ng pangalang Tsina: * ang Republika ng Mamamayan ng Tsina (People's Republic of China o PRC), karaniwang tinatawag na Tsina, na may kontrol sa mainland China, at ang mga nagsasariling teritoryo ng Hong Kong (mula 1997) at Macau (mula 1999). Hindi sila gumagamit ng sistemang republika, bagkus communista ang uri ng pamahalaan nila. * ang Republika ng Tsina (Republic of China o ROC), karaniwang tinatawag na Taiwan, na may control sa mga pulo ng Taiwan, Pescadores, Kinmen, at Matsu.

Mga iba pang gamit ng tsina noon

Unang Kabihasnan
Tinataya na noong 2500 B.K nagsimula ang unang kabihasnan ng India sa Lambak ng Ilog Indus. Ito ay ang mga lungsod ng Mohenjo-Daro sa Punjab at Harappa, sa lugar na ngayon ay Pakistan. Pinaniniwalaang naging maunlad ang pamumuhay ng mga taong nanirahan sa dalawang nabanggit na lungsod kung ibabatay sa mga nahukay na labi noong 1920.
May kaalaman na sa arkitektura ang mga tao sa Harappa at Mohenjo-Daro. Mapapatunayan ito sa nakitang kaayusan sa mga kalsada. Iba-iba rin ang mga sukat ng mga natagpuang bahay na kadalasa'y may dalawang palapag at binubuo ng kusina, salas, kwarto, at paliguan. May mga nahukay rin ditong upuang gawa sa kahoy na napapalamutian ng mga abaloryo.
Ang mga Harappa ay tinatayang isa sa mga naunang taong natutuong gumawa ng telang yari sa bulak. Nagtanim sila ng palay at iba pang bungangkahoy at natutong mag-alaga ng mga hayop kagaya ng aso, pusa, tupa, kambing, at elepante. Natagpuan din sa lungsod ng Harappa ang mga selyong ginamit bilang tanda ng iba't ibang itinitinda kaya't hinihinalang magagaling na mangangalakal ang mga mamamayan dito.
Ang lahat ng mga nabanggit ay mga pagpapatunay na naging maunlad ang Kabihasnang Indus subalit ang pagwawakas at ang paglaho ng dalawang lungsod ay nananatiling hiwaga para sa mga mananaliksik. May mga palagay na ang pagbaha ng Ilog Ganges at ang paiba-ibang klima sa Lambak ng Indus ay ilan sa mga dahilan kung bakit nawala ang Kabihasnan Indus. Ayon sa mga archeoloheyo, ang paglusob ng mga Aryano sa dalawang lungsod ay isa ring positibong dahilan ng pagkawala ng Kabihasnang Indus. Matatagpuan ang mga labi ng taong hindi nakalibing sa mga guho ng dalawang kabihasnan. [6]

Kabihasnang Mesopotamia-
Mesopotamia (Iraq) – mula sa salitang mesos (gitna) at potamos (ilog)na ang ibig sabihin ay nasa pagitan ng dalawang ilog.
-Matatagpuan sa kanlurang bahagi ng asya na karaniwang pinalilibutan ng lupain ng disyerto at kabundukan.
-Matatagpuan sa lupain ng Fertile Crescent sa pagitan ng Persian gulf at Mediterranean sea.
MGA KABIHASNANG UMUSBONG SA MESOPOTAMIA
A. SUMERIAN 3500 BCE
• Cuneiform – unang nabuong sistema ng panulat. Isa itong uri ng pictograph na naglalarawan ng mga bagay na ginagamitan ng may 600 pananda sa pagbubuo ng mga salita o ideya
• Gulong – sa pagkakatuklas nito, nagawa nila ang unang karwahe
• Cacao – ginamit bilang unang pamalit ng kalakal
• Algebra – sa prinsipyong ito ng matematika, ginamit ang sistema ng pagbilang na nakabatay sa 60, paghahati o fraction, gayundin ang square root
• Kalendaryong lunar na may 12 buwan
• Dome, vault, rampa, at ziggurat – mga disenyong pangarkitektura at pang-inhinyera na ginamit sa mga palasyo at templo sa Sumer
• Luwad – ginamit sa paggawa ng laryo na nagsilbing talaan ng mga Sumerian at Prinsipyo ng calculator
• Mga Sumerian din ang unang gumamit ng sistema ng panukat ng timbang at haba.
• Unang nagtatag ng organisadong puwersa sa pagtatayo ng mga dike.
Pagbagsak
Panguanahing dahilan ng paghinabng mga Sumerian ay ang madalasna labanan at kawalan ng pagkakaisa ng mga lungsodestado nito. Madalas na pinagtatalunan ang patubig at hangganan ng mga lupain.

Unang Uri ng Tahanan

Ang panahanan ng ating mga ninuno noong unang panahon ay mga kweba. Ang kanilang mga labi, kagamitan at hayop na kinatay ay natagpuan ng mga arkeologo sa mga lugar na ito. Pinili nila ito marahil upang maging ligtas sa mga malalakas na bagyo, mababangis na hayop at iba pang pangkat ng tao. Halimbawa ng mga nakatira rito ay ang mga Homo Erectus na nakatira sa Kweba sa Lambak ng Cagayan.

Ikalawang Uri ng Tahanan

Sa paglipat ng ating mga ninuno sa kapatagan, sila ay nagtayo na yari sa kahoy, kawayan, pawid, yantok, sawali at iba pang uri ng halaman. Parisukat ang hugis ng mga sinaunang bahay. Ang mga ito ay may apat na dingding at may isa o dalawang silid. Ang mga dingding nito ay yari sa kahoy at pawid o kawayan at pawid. Ang haligi ay yari sa kahoy at ang bubong ay yari sa kahoy, kawayan at pawid. Ang iba naman ay ginagamitan ng kogon sa halip na pawid. Ginamit nila ang pawid, kahoy, at kawayan dahil ito ay angkop sa mainit na klima ng ating bansa. Malalaki rin ang mga bintanang inilagay nila sa kanilang bahay upang maging maliwanag at presko. Ang silong ng bahay ay nababakuran at nagsisilbing lalagyan ng panggatong, imbakan ng palay o kulungan ng mga alagang hayop.Mayroong itong sala, silid-tulugan, silid-kainan, kusina at batalan. Ang batalan ang pinakabanyo, hugasan ng mga kagamitan at lalagyan ng tubig na tinatawag na tapayan. Ang ibang bahay ay may maliit na bahagi sa bukana nito kung saan matatagpuan ang hagdanan. Ito ay nagsisilbing tanggapan ng bisita bago pumasok ng kabahayan.

Ikatlong Uri ng Tirahan

Ang ibang bahay naman ay itinatayo sa taas ng malalaking punongkahoy. Ang hagdan ay nahihila paitaas kung gabi at naibababa sa kinaumagahan. Ginawa nila ito marahil upang hindi madaling masalakay ng mga kaaway. Ito ang uri ng panahanan ng mga Kalingga at Ilonggot sa Hilagang Luzon at ng mga Bagobo at Mandaya sa Mindanao.

Ikaapat na Uri ng Tahanan

Ang ibang bahay naman ay itinayo sa may baybayin ng dagat. Ang mga ito ay nakaangat sa tubig. Malalaking kahoy ang pinakaposte at may tulay na nagsisilbing daanan papuntasamgakabahayanItoaymay isang palapag at ang sahig ay hindi magkakadikitupangmagingmadaliang pagliliniMarami pa ring ganitong uri ng tahanan ang makikitasaSulu at Zamboanga. Ito ang uri ng tirahan ng mga badjao.

Similar Documents