Free Essay

Effects of Vices

In: Other Topics

Submitted By seand30
Words 2098
Pages 9
Wikang Filipino bilang puhunan?
Ni: Danny Arao
Ingles para sa matalino, Filipino para sa bobo.

Pasensiya na po sa elitistang diskurso. Pero ganito na ang pagtingin ng isang pamahalaang pilit na itinutulak ang wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan. Sa panahon daw kasi ng globalisasyon, magiging susi raw ito ng pag-unlad ng Pilipinas. Kung marunong ka raw mag-Ingles, lahat ng oportunidad ay mapapasaiyo.

Anong klaseng oportunidad naman ang naghihintay sa iyo? Basta’t kaya mong gayahin ang accent ng mga Amerikano, puwedeng-puwede kang makapasok sa call center na mataas ang suweldo. Kung mangingibang-bansa ka naman, mas madali kang makukuha sa anumang trabahong kaya mong gawin dahil alam mo ang wika ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong daigdig. Hindi bale nang magkaroon ng reputasyon ang Pilipino bilang dakilang domestic helper o caregiver. Ang mahalaga sa gobyerno’y siguraduhing matuto tayong mag-Ingles para makalabas ng bansa at makapagpadala ng dolyar. Lubhang kailangan ang huli para maisalba ang ating ekonomiya.

Kaya huwag ka nang magulat kung umabot na sa 8,726,520 ang bilang ng mga Pilipinong nasa ibang bansa, ayon sa datos ng Commission on Filipinos Overseas noong Disyembre 2007. At kung interesado kang malaman kung saan may pinakamaraming Pilipino, ito ay walang iba kundi sa Estados Unidos (EU). Alam mo bang may 2,802,586 na Pilipinong nasa EU, at 90 porsiyento sa kanila ay permanente nang naninirahan doon?

May mahalagang papel ang wikang Ingles sa ekonomiyang outward-looking, export-oriented at foreign investment-led tulad ng Pilipinas. Ang anumang pangkaunlarang plano ng gobyerno’y depende sa kung anong mabenta sa pandaigdigang pamilihan, hindi sa kung ano ang lokal na pangangailangan. Layunin din ng pamahalaang maengganyo ang mga dayuhang mamumuhunan (foreign investor), kaya nga gusto ng mga katulad ni House Speaker Prospero Nograles na baguhin ang Saligang Batas para hayaang magmay-ari ng lupa ang mga dayuhan. Pansinin ding ang iba’t ibang polisiyang nakatutok sa liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon ay naaayon sa pagtrato sa mga dayuhan hindi bilang bisita kundi mistulang may-ari ng bansa. Biro nga ng iba, tila kulang na lang ay bigyan ng karapatang bumoto ang mga dayuhan!

Susing bahagi ng anumang programang pangkaunlaran ang komunikasyon, at mapapansing mas binibigyang-diin sa kasalukuyan ang pakikipagtalastasan sa mga dayuhan kaysa mga kababayan. Kung hindi raw kasi gagawin ito, mawawalan tayo ng oportunidad na makuha ang minimithing dolyar.

Totoong tagasalba ng ekonomiya ang overseas Filipino workers (OFWs). Kung noong 1998 ay malaki na ang $7.37 bilyong ipinadala nila sa Pilipinas, aba’y nagkaroon ng 123 porsiyentong paglago ito nang umabot sa $16.43 bilyon noong 2008, ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Lalong kinakailangan ngayon ang maramihang pagpapadala ng mga Pilipino sa ibang bansa. Lumiliit na kasi ang dayuhang pamumuhunan dahil sa pandaigdigang krisis pampinansiya. Noong 2008, batay pa rin sa datos ng BSP, ang portfolio investments ay nagtala ng depisitong $3.58 bilyon dahil mas maraming inilabas kaysa ipinasok na dolyar ang mga dayuhan. Kahit na ang net foreign direct investments ay umabot sa $1.35 bilyon noong 2008, maliit ito kumpara sa $1.95 bilyong naitala noong 2007.

Kaya huwag ka nang magulat kung sa kasalukuyan ay mas binibigyang-pansin ang pagpapahusay sa kakayahan sa wikang Ingles (English proficiency) kaysa wikang Filipino. Kung tutuusin nga, hindi na pinapansin kung nagkakaroon na ng kahinaan ang maraming kabataan sa paggamit ng sariling wika.

Hindi bale nang tuluyang makalimutan ang wikang Filipino basta’t nakakayang makipagdiskurso sa wikang Ingles. At ano naman ang laman ng diskurso? Muli, hindi bale nang mababaw ang pagsusuri basta’t ”tunog Amerikano” ang paraan ng pakikipagtalastasan. Sa madaling salita, gamitin natin ang wikang Ingles kahit walang sustansiya basta’t maganda ang porma!

Ganito na po ang pamantayan ng mga nasa kapangyarihan, at sa ganitong konteksto din natin dapat suriin ang kawalan ng interes ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na pahusayin ang kanyang paggamit sa wikang Filipino.

Para sa katulad kong ginagamit ang wikang Filipino at Ingles sa pagsusulat at pagtuturo, wala po akong intensiyong pagbanggain ang dalawa. Pero tratuhin po sana natin ang Ingles bilang ikalawang wika lamang, isang klase ng wikang maaari namang matutuhan basta’t una muna nating palakasin ay ang sariling wika.

Oo, posible namang maging lingua franca sa Pilipinas ang wikang Ingles, tulad ng kaso sa mga bansang Australia at Canada. Pero kailangang tandaang ang anumang pagtanggap sa dayuhang wika ay may epekto sa pambansang identidad. Matindi ang epekto ng pananakop ng mga dayuhan (lalo na ng mga Amerikano) sa ating mentalidad, at makakaasa tayo ng lalo pang pagpapalakas ng kolonyal na oryentasyon ng ating kultura. Sa larangan naman ng ekonomiya, lalong magkakaroon ng susing papel ang mga dayuhan, lalo na ang mga Amerikano, kahit na nangangahulugan ito ng dominasyon sa lokal na pamilihan.

Isipin mo na lang: Kung ang wikang Ingles ay magiging lingua franca sa pamamagitan ng pagsasabatas ng pagtuturo nito’t paggamit sa lahat ng porma ng opisyal na komunikasyon, wala nang dahilan para sa mga mamamayang pag-aralan ang wikang Filipino na pangunahing salik sa pagpapalaganap ng ating kinagisnang kultura. Kung sabagay, ang malinaw na perspektiba ng mga nasa kapangyarihan ay paglingkuran ang dayuhan, kaya hindi nila kinikilalang problema ang unti-unti nang pagkamatay ng ating kultura.

Kailan magiging puhunan sa pag-unlad ang wikang Filipino? Para mo na ring tinanong kung kailan ba magkakaroon ng makabuluhang pagbabago, na dapat simulan sa pagpapatalsik sa Pangulong hindi sanay gumamit ng wikang Filipino.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

ANG WIKANG FILIPINO SA MEDIA NGAYON
Nicanor G. Tiongson

Ngayong umaga ay nais kong magbigay ng ilang kurokuro tungkol sa kalagayan ng wikang Filipino sa ating media ngayon , partikular sa print media, radyo, telebisyonat pelikula. Tatlo ang pangunahing obserbasyon na tatalakayin ko. A. FILIPINO NA ANG PANGUNAHING WIKA NG MEDIA NGAYON Ang wikang Filipino ang de facto na lingua franca at pangunahing wika ng komunikasyon sa halos lahat ng media ngayon. Sa print media, maaaring ang pangunahing mga broadsheets ay nasa Ingles pa rin, pero ang halos lahat ng mga tabloid, na mas marami at mas laganap sa karaniwang mambabasa, ay nasa Filipino. Sa mga tabloid na tulad ng Tempo, Ngayon, Balita, Tonite, Abante at iba pa makikita ang pruweba na iba nang talaga ang Filipino sa Tagalog, at ang Filipino ang higit na nauunawaan at ginagamit ng karaniwang tao sa kalye, mula estudyante at propesyunal hanggang driver at tindera sa palengke. Sa mga tabloidna ito, maluwag ang paggamit sa wika at sensationalism ang nananaig na katangian, lalo na sa mga headlines.Halos lahat ng mga talk shows sa radyo sa NCR, maging ito ay tungkol sa showbiz, kalusugan, relihiyon, batas, at balita, ay nasa Filipino at ang mga ito’y nakararating sa mga rehiyon. May mga galamay na estasyon na ang Maynila sa mga probinsiya na may mga programang gumagamit ng rehiyonal na wika, peroFilipino pa rin ang gamit ng mga regional correspondents kapag nakikipag-ugnayan sila sa mga programa sa Kamaynilaan. Kapag nag-iinterbyu ang mga correspondents sa iba’t ibang rehiyon, karaniwang Filipino ang ginagamit ng mga iniinterbyu, kasama na ang mga Abu Sayaf. Kung ang gamit ng iniinterbyu ay rehiyunal na wika, nilalagyan ito ng salin sa Filipino, na maaring dubbed osubtitled.Filipino na rin ang pangunahing wika sa mga programa sa TV sa NCR sa variety shows, talk shows, sitcoms, telenovela at drama, reality shows, at maski na sa mga documentaries, news and public affairs programs. Ang mga ito’y nakararating sa iba’t ibang sulok ng bansa, at ngayon sa pamamagitan ng satellite sa mga bansa sa mundo na maraming Pilipinong immigrant o overseas worker. Dahil sa Filipinodiaspora, kinailangang maging global ang wikang Filipino, lalo na at ang tunog nito at kaakibat na kultura ang hinahanap-hanap ng mga homesick na pinoy na nangingibambansa.Sa pelikula, Filipino ang tanging ginagamit ng mainstream o studio-producedfilms, tulad ng ginagawa ng Star Cinema, Regal, Viva at iba pang commercial studios. At ito’ y dahil ang masang manonood na pinupuntirya ng kanilang investment ay wikang Filipino ang naiintindihan at ginagamit. Dahil ang karamihan sa mga manonood ay nasa urban centers tulad ng NCR, mapapansinang pagnanais ng mga pelikulang ito na magmukhang urbanisado at sopistikado.Kaya Ingles ang madalas na gamiting titulo at ang kanilang dialogo ay, madalaskaysa hindi, gumagamit ng taglish.

Wika ng Telebisyon:

Epekto at Kahalagahan sa Wikang Filipino Nitong dumaan na mga taon, kapansin-pansin na tila ba’y araw araw at tuloy tuloy na ang pag-ulad ng teknolohiya sa buong mundo. Bilang bahagi ng lumalago at lumalawak na InformationTechnology, kaliwa't kaann ang paglabas ng mga produkto tulad ng
Samsung Galaxy Tablet at iPod ng Apple.
Sa kasalukuyan, ito na ang mga kagamitang unti-unting pumapalit sa tradisyunal namga kompyuter na may keyboard, monitor, CPU at mouse. Sa kabila ng lahat ng pagbabagong ito,hindi pa rin nito tuluyang mapapalitan ang telebisyon bilang isang pangunahing paraan ngtelekominikasyon.Unang nakilala sa bansa noong 1953 si James Lidenberg sa taguring 'Ama ng Telebisyon saPilipinas.' Siya ang nanguna sa pagtayo ng kauna-unahang istasyon ng telebisyon sa Pilipinas.Abril 1953 nang magsimula ang ABS-CBN bunsod ng pagsisimula ng Chronicle BroadcastingCompany ng magkapatid na sina Eugenio at Fernando Lopez. Bagaman pansamantalangnapasailalim sa kontol ng pamilyang Marcos noong kapanahunan ng Batas Militar, nagawa nitongmuling makalaya matapos ang diktaturya. Simula ng paglaya nito’y patuloy na itong umunladnang umunlad.Sa kasalukuyan, mayroong tatlong pangunahing channel ng telebisyon sa Pilipinas: ABS-CBN, GMA at TV 5. Ang paglawak ng tema ng mga palabas sa telebisyon ay iniaayon ng mganasabing kumpanya batay sa ninanais at tingin nila ay kailangan ng mga manunuod. Ilan dito ay News and Public Affairs, Sitcom, Reality, Drama Series, Foreign, Talk at Variety Shows. Dahil angmga ito ay pawang tugon ng mga istasyon sa hiling ng kanilang mga viewers, ang pagigingmalapit nito sa madla ay tila ba isang epekto nito. Hindi kataka-takang nagawa nitongmaipluwensiyahan ang paraan ng pamumuhay ng masa, lalo na ang wika. Mababakas ito sa pang-araw-araw nating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa.

ANG INTELEKTWALISASYON NG WIKANG FILIPINO Christian George C. Francisco
Kagawaran ng Filipino at Panitikan ccfrancisco@mail.dasma.dlsu.edu.ph Layunin ng papel na ito na ipakita ang proseso ng pagpaplanong pangwika, paraan ng pag-iistandardays, pagmomodernays, mga salik sa pag-iintelektwalays ng wika gayundin ang gamit ng wikang Filipino sa edukasyong Pilipino sa kasalukuyang panahon. Ayon kay Constantino (1996), ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan. Bilang instrumento, maaaring matamo sa pamamagitan nito ang mga instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Ang wika ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang mga pangangailangang ito. Samakatuwid, ang pahayag na ito ni Constantino ay nagpapatunay lamang na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Gamit ang wika, nagagawa ng tao na masatisfay ang kanyang mga pangangailangan maging ito man ay pansosyal o pampersonal. Nagiging instrumento ang wika upang makisangkot ang tao sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Dahil dito, mahalaga para sa isang tao na maging maalam siya sa kanyang wikang ginagamit upang ito ay magamit niya sa paraang tiyak at planado. Para sa mga taong aral sa wika, hindi na bago ang katawagang pagpaplanong pangwika o language planning. Sa larangang ito, tinatanaw ang mga maaaring pagpiliang wika mula sa isang komunidad para gawing estandardisado. Sentro rin ng pag-aaral ng PP ang konsyus na paggamit ng isang wika sa isang lipunan, kung saan, ito ay kinapapalooban ng pagkalap ng mga datos o informasyon upang bumuo ng desisyon kaugnay sa kung anong wika ang pinakaangkop na gagamitin sa isang lipunan (Eastman, 1982). Ang PP ay binubuo rin ng dalawang mahalagang meyjor komponent. Sa komponent na ito mahihinuha natin ang mga konkretong batayan sa maayos na pagpili ng isang wikang sasailalim sa estandardisasyon. Una, ang patakarang dapat sundin; ikalawa, pagpili ng wika kaugnay sa napagkasunduang patakaran. Ang una ay binubuo ng apat na mahahalagang salik. Ang mga ito ay ang sumusunod: FORMULASYON – Ito ang yugto ng deliberasyon at/o pagdedesisyon kaugnay sa wikang pipiliin. Mahalagang isaalang-alang dito ang layunin ng mga gagamit nito.
KODIFIKASYON – Ito ang yugto kung saan nagkakaroon ng teknikal na preparasyon ang mga language academies ng napagkasunduang patakaran. Mahalaga namang tingnan dito ang pananaw, paniniwala, saloobin ng kapwa magpapatupad at tatanggap ng napagkasunduang patakaran.
ELABORASYON – Ito ay pinaiiral ng ahensyang pangwika na kung saan inihahanda na ang mga materyal na kakailanganin sa pagpapalawak ng gamit ng piniling wika.
IMPLEMENTASYON – Ito naman ang yugto ng pagtanaw sa epekto ng plinanong pagbabago sa wikang pinili.

*Sir yung dalawa po naming na RRL is “set on private na po” yun sabi sa scribd sir. Ung number 1 and 4 na RRL po namin yun.

Similar Documents

Free Essay

Vices Its Effect

...CHI-SQUARE TEST EXPLANATION Let’s say you want to know if there is a difference in the proportion of men and women who are left handed and let’s say in your sample 10% of men and 5% of women were left-handed. How it’s Calculated (Without the gory details) 1. You collect the data. For example, you ask 120 men and 140 women which hand they use and get this: |ACTUAL DATA |Left-handed |Right-handed | |Men |12 |108 | |Women |7 |133 | 2. Calculate what numbers of left and right-handers we would expect IF men and women were the same. In this case, IF men and women were equally left and right handed, we would have expected these numbers in our sample of 260 people (Ask if you want to know how this is done): |EXPECTED IF NO DIFFERENCE |Left-handed |Right-handed | |Men |8.77 |111.23 | |Women |10.23 |129.77 | 3. The computer calculates a Chi-square (pronounced Ki-square) value. The Chi-square value is a single number......

Words: 643 - Pages: 3

Free Essay

Students with Bad Vices Chapter I

...CHAPTER I INTRODUCTION Background of the Study The rate of students involved in bad vices such as smoking, hard drinking, gambling and sometimes illegal drugs, addiction in computer games and variety of gadgets are serious problems that need diplomatic actions. There are lots of reasons why the youth nowadays are being involved in bad vices. One of the major reasons per observation is the lack of quality relationship with their parents because a lot of parents are just being parents who provide material and physical needs and forget the needs of their children in terms of the emotional and moral aspects. High School senior students are driven to do bad things just to satisfy themselves with their bad vices, like stealing money from their parents, cutting their classes hours, getting into troubles in the community or even inside the school. These things may lead to even more unlikely things that they may even do notorious things to their people. The child-parent relationship is even gone worse because youths are being more and more stubborn while the parents are losing their temper and patience to understand the situation of their children. Parents tend to become stricter and they are being more authoritative to their children that may lead to a rebellion against them. Parents should not only be simply just a parent, but they also be a best friend to their children. They should spend more quality time with their family, talk to them intimately so they......

Words: 823 - Pages: 4

Free Essay

Sdghjkl;

...of trust and safety in relationships. Given their age, children and young people may find it difficult to make sense of experiences, including those that are traumatic. Sometimes they develop distorted thinking in relation to past events. It is common for children involved in divorce, for example, to believe that they caused their parents' separation in some way 7. VICES the cause why students are engaging to a different vices in following: a. sudden freedom of student were they are ill-equipped in the situation of independent to pursue their study. b. social pressure wilded by peers. c.lack of interest to the subject. d.lack of parents guidance. the effect of vices to the performance of student are in the following; a.back subject. b.failing grade due to the result of low examination.. c.they are not attending the class regularly. (cutting class) d.not participating to the discussion during class hour, physycally present but mentally absent.  d. engaging their self into more vices. there are many effects of vices on students in the secondary level some are: - the students find it that if they have a vice they become cool - the studies of the students are left out - the concentration of the students in studying fades away...

Words: 691 - Pages: 3

Premium Essay

2 Tales of Stories

...A Tale of Two Stories Mary was working at ABC Company. Her position was an accounting staff. ABC Company is a manufacturing company, which is a subsidiary of a state-owned group located in Asia. Story 1 In ABC, each vice-president, is equipped with a car. According to the company’s policy, the car only can be used for commuting and dealing with the company’s business. Policy states that the car cannot be used for personal things. Every Vice President has a limitation of $300 for gas reimbursement monthly. Mary found that almost every manager hit the quota of $300 reimbursement and many of the gas receipts had the interval between filling gas only 1 hour. These Vice Presidents always use company’s cars to deal with their private things or lend to other colleagues with good relationship to do some personal affairs. Mary believed that if she reports this matter to President, the President probably would inspect the situation thoroughly. She worried about she would get trouble if she did,since the Vice President hasn’t exceeded the reimbursement amount. She decided to keep silent due to the below reasons. Culture factor First, in most Asian countries, people are conservative and inclined to keep neutral. They think harmony is very important within an organization. If Mary revealed these things, she thinks it would cause large distribution. Since the people involved were senior level, she could not forecast what would happen. Second, a strong......

Words: 1074 - Pages: 5

Premium Essay

Business Ethics an Ethical Dilema

...waitresses, waiters, cab drivers, bellhops, airport baggage and handlers” (page 2). Sophie then finds out that Emma along with other workers have a way of going around the issue without getting caught. Emma explains that as long as all the salespeople “cooperate” there is no way the vice president will question them as Emma explained “I tip 20 percent, so I make sure I write down when I tip and add that to my overall expense report” (page 2). Sophie at this point knows for a fact that this is against company policy. Emma then brought up a past situation that involved someone who brought up this behavior to the vice president, then that person getting fired at the end. 2. Sophie needs to figure a way out to avoid trouble and keep her job, she has gathered information from Emma that will lead her to making a final decision. In my opinion I don’t think she should fall into the company culture of doing things. She even recalls from the video “There were a lot of memos and even a thirty minute video as to the proper way to record expenses. All of them had conversations with the vice president, but no one was fired” (page 2). Sophie should have hope and do some more research so that she can attempt to speak to the vice...

Words: 705 - Pages: 3

Premium Essay

Dasd

...2. The Consent (continuare) As you know the juridical act, is the expression of smbdy's will meant to produce legal effects. From a juridical point of view, the juridical will of the parties is a complex issue. It is composed by two elements: - the consent; - the consideration. The consent means the externalized decision or intent to conclude a contract. In order to be valid, the consent must fulfill several conditions as follows; 1. To be expressed by person who is mentally capable to conclude the act. It means that the parties must have judgment or discernment, must be able to understand the nature of the act and its consequences. A pers that has a full concrete capacity is presumed by law to have judgment or discernment. This legal presumption may be overruled by proving the temporary lack of judgment of the person in question, as for example for temporarily mental illness, or influence of drugs. You can find this in the civil code Art. 1205 paragraph 1 2. To be expressed by a pers. who has the intention to produce legal effects. This condition is not fulfilled when for example the pers. Is only kidding, he has no real intention to conclude a contract – informal bet. 3. To be externalized. It means that the consent must result from the words or even the actions of the parties. In this respect several problems arise in case of silence. Generally in our law the consent cannot be implied and therefore in case of silence it is considered that there is no......

Words: 1260 - Pages: 6

Premium Essay

I. the Importance of Price Elasticity of Demand and Cross Elasticity of Demand

...| Perfectly inelastic demand | | Inelastic or relatively inelastic demand | | Unit elastic, unit elasticity, unitary elasticity, or unitarily elastic demand | | Elastic or relatively elastic demand | | Perfectly elastic demand | Effect on total revenue Generally any change in price will have two effects * The price effect: for inelastic goods, an increase in unit price will tend to increase revenue and vice versa. * The quantity effect: an increase in unit price will tend to lead to fewer units sold and vice versa. The relationship between PED and total revenue: * When Ed = 0, changes in the price do not affect the quantity demanded for the good; price increase will raise the total revenue. * When -1 < Ed < 0, the percentage change in quantity demanded is smaller than that in price => if the price is raised, the total revenue rises, and vice versa. * When Ed = -1, the percentage change in quantity is equal to that in price => change in price will not affect total revenue. * When -∞ < Ed < -1, percentage change in quantity demanded is greater than that in price => price is raised, the total revenue falls, and vice versa. * When Ed is −...

Words: 777 - Pages: 4

Premium Essay

Nupath Foods

...Nupath Foods Ltd. Summary: James Ornath,vice president of cat food company, Nupath Foods Ltd., promoted Denise Roberge, a Branch Manager, to market research coordinator. However, Denise thinks she is being "sidelined" and demoted to a "backroom" job. She thinks the company does not want women to exceed in top management Her previous employer stated ", Women couldn't take the heat." Her Decision Confront James Ornath with his sexist problem Concepts: A prime example of employee turnover Her presumptuous bias of a market research coordinator led her to believe that Mr. Ornath was sexist. Which would lead to employee turnover and would impact the company by..... Loss of productivity in the workplace Loss of staff May lead to customer dissatisfaction Loss of money loss of time The hiring process Time spent training employees Levels of Management James Ornath, vice president of the marketing sector of Nupath Food Ltd., is a top manager where he.... Looks for opportunities and potential in others (ex. Denise Roberge) Future oriented strategic Sees the performance of an organization as a whole Denise Roberge as the branch manager who is the team leader in the levels of management Reports to the middle and top managers ensures work teams or units meet the organization's goals follows through on goals and tasks from the middle and top manager Noneffective manager James Ornath did not take the time to maintain a good, positive relationship with his employees (ex.......

Words: 611 - Pages: 3

Premium Essay

Organizational Structure

...talk about the Major Production Companies a la Dreamworks, 20th Century Fox, and Paramount. The organizational structure of a Major Production Company starts with the board of directors. Then it trickles down to the second level where there is the Entertainment Executive, Complete Bond Executive, Entertainment Accountant, Physical Production Specialist, Public Relations/ Advertising Executive, and the Entertainment Attorney. Then it goes down to the executive committee headed by the President. Under the President are the Public Relations/ Advertising Vice President, Global Rights Vice President, Development Vice President, Business Affairs Vice President, and the Finance Vice President. Rounding out the organizational structure is the Story Director below the Development Vice President, the Foreign Sales Manager and the Ancillary Sales Manager below the Global Rights Vice President, and the Operations Director under the Finance Vice President. Organizational functions that influence and create success for the organizational structure are basically good movies that make money. When you have talented directors like Steven Spielberg, James Cameron, and Woody Allen who put out some of the best movies, the production company is increasing their chances of making a lot of money. A bankable movie must fit a specific genre, it has to have a good script, and it has to have good actors. That’s a given. However, if a movie is somewhere between the five and ten million dollar range,......

Words: 611 - Pages: 3

Premium Essay

Electoral College Essay

...Asia Ray POS-301 May,6,2016 Instructor: Kathleen Sedille The structure and function of the electoral college consist of a process that was establish in the U.S Constitution by congress and electors, in which they the people would decide on voting for the President and Vice president of the United States of America. Within the qualification of voting, each presidential candidate running to become the next president of the United States of America, must have their very own electors of the state that they reside in. The future president of the United States, must make a selection of electors, from the political party in their state. In some states laws and restrictions, may apply to future presidential candidates on what electors they may choose in their political party. The Electoral college vote was formed and established during the positioning of the 23 Amendment in 1787. During this process, the United States Constitution, which consisted of Congress, were trying to reach common grounds in how to properly to choose a presidential Candidate for the United States of America. In the methods and steps concluded to take place, in this political matter, consisted of gathering important members of congress together, which was chosen and established, by a body of people whom had a direct popular electoral election or vote. The United States Constitution plan of incorporating the electoral vote, won favor in many states, and was approved......

Words: 909 - Pages: 4

Free Essay

Timor-Leste Government and Social Protection

...Republic Democratic of Timor-Leste is a new country in the 21st millennium which was proclaimed on the 20th of May 2002. Situated 550 km north of Australia; Timor-Leste is the smallest and more eastern island of the archipelago. Timor-Leste includes the enclave of Oecusse-Ambeno, situated on the Western (Indonesian) part of the island, and the islands of Atauro and Jaco. It is the only Portuguese speaking country independent nation in Asia. The majority of the population is of Malay-Polynesian and Papua origin. Minorities of Chinese, Arabs and Europeans. Occupying an area of 15.007 Km2, Timor-Leste predominately is about 90% Catholics, Minorities of Protestants, and Muslims. Based on census 2010, current population in Timor-Leste is 1,066,582 people. Dili is the capital of Timor-Leste and it is devided into 13 districts and 67 sub-districts. Its official languages are Portugues and Tetum (National Language). Apart from these there are another 15 local dialects. English and Bahasa Indonesian on the other hand become the working languages or business languages [1]. The Government system is Timor-Leste is Parliamentary Republic and adopted Semi-Presidencialist Republic as its political system. The Head of State is the President of the Republic, who is elected by popular vote for a five-year term. The President guarantees the respect for the Constitution and for State Institutions, and when necessary, can act as a mediator for conflict resolution. He can also exercise the right......

Words: 1059 - Pages: 5

Premium Essay

Mis Fnb Project

...Project Management Fundamentals Office of the Senior Associate Vice President for Finance Project Management Institute Project Management Fundamentals  PMI is an aggregation of best practices from thousands of professional project managers  Principles in this training are based on PMI methodologies, there are other methodologies  Organizations typically use these as a basis for developing custom project management processes  For PMPs, this course counts towards PDUs. Office of the Senior Associate Vice President for Finance www.pmi.org Page 2 GW MS in Project Management Project Management Fundamentals Office of the Senior Associate Vice President for Finance business.gwu.edu/mspm/ Page 3 Outline Project Management Fundamentals 1. Project Issues 2. Project Characteristics – Definition of a Project – Project vs. Operations – Key Elements of Project Management – Project Lifecycle Phases – Project Management Functions Office of the Senior Associate Vice President for Finance 3. Project Participants – – – – Project Stakeholders Project Sponsor & Owner Project Manager Project Team 4. Basic Project Tools – – – – Project Charter Project Management Plan WBS / Schedule Action / Risk / Change Tracking – Document Management Page 4 Project Issues Project Management Fundamentals Office of the Senior Associate Vice President for Finance Page 5 Project......

Words: 1382 - Pages: 6

Premium Essay

Demand for Pepsi

...Demand Definition of 'Law Of Demand' Law of demand states that, all other factors being equal, as the price of a good or service increases, consumer demand for the good or service will decrease and vice versa Meaning It is the  amount of a particular economic good or service that a consumer or group of consumers will want to purchase at a given price. The demand curve is usually downward sloping, since consumers will want to buy more as price decreases. Demand for a good or service is determined by many different factors other than price, such as the price of substitute goods and complementary goods. In extreme cases, demand may be completely unrelated to price, or nearly infinite at a given price. Along with supply, demand is one of the two key determinants of the market price. Concept of demand Demand for product implies: a) Desires to acquire it, b) Willingness to pay for it, and c) Ability to pay for it. All three must be checked to identify and establish demand. For example : A poor man’s desires to stay in a five-star hotel room and his willingness to pay rent for that room is not ‘demand’, because he lacks the necessary purchasing power; so it is merely his wishful thinking. Similarly, a miser’s desire for and his ability to pay for a car is not ‘demand’, because he does not have the necessary willingness to pay for a car. One may also come across a well-established person who processes both the willingness and the ability to pay for higher education.......

Words: 977 - Pages: 4

Premium Essay

Bullies’ Targets and Outgrowing Their Behavior

...Bullies’ Targets and Outgrowing their Behavior Name: Insert Institutional Affiliation: Bullies’ Targets and Outgrowing Their Behavior I. Introduction A. Topic 1) Research question: Why do bullies select their targets and do they outgrow their behavior? 2) Working thesis: Bullies are a concern who are not restricted or defined by socio-economic, cultural, or gender basis, and its accepted that adults and children endure the implications of bullying at some point whether they are victims, perpetrators or bystanders. 3) Angle: Bullies effect long-lasting physical, mental and emotional implications on their targets. It is a sad reality that some bullies do not outgrow their behavior and continue with the vice through adolescence and into adulthood. B. Context 1) In the current society where violence is more prevalent among the youths, it is important to address and investigate this issue thoroughly. 2) Though am not a victim, perpetrator or bystander, I am a student who staunchly believes there exists bullies at all levels in the society. My arguments will be based on what I have seen and also with the help of sources that will establish my credibility on the topic. The studies of Beaudoin and Taylor (2004), and Lee (2004), who have done extensive research on bullies and bullying will help to establish my credibility. C. Audience 1) My primary audience will be institutions of learning stakeholders who are students, teachers and parents. 2) My......

Words: 591 - Pages: 3

Free Essay

The Four Great Errors

...create false reasons that we believe show us the world in a more clearer light. The four great errors consist of mistaking cause and effect, false causality, imaginary causes, and the error of free will. Here I will go more into depth on Nietzsche’s four great errors. The first error is mistaking the cause and effect, or in other words mistaking the effect as the cause. An error that is the most recent and yet the most ancient habit of humankind, as Nietzsche says. Nietzsche goes as far as calling it the most dangerous of the four errors and refers to it as “the real corruption of reason.” (Nietzsche qtd. in Classics of Philosophy 1060) (Religion and morality actually use this error in its teachings. Religion and morality follow a similar formula that proceeds as follows: “Do this and that, refrain from this and that – and then you will be happy! And if you don’t…” (Nietzsche qtd. in Classics of Philosophy 1060) It goes on to imply that straying from this ideal would lead to negative consequences. An example of how cause and effect are misconstrued is that man is destroyed by vices such as adultery or alcoholism. If a man who has lost everything but continues his dependence on alcohol it is easy to assume that his addiction is the cause of his downfall. Nietzsche claims otherwise. Alcoholism was not the cause of the mans downfall, rather it was an effect caused by the psychological deterioration of the man. The man did not lose everything because he chooses to drink; he......

Words: 1425 - Pages: 6