Free Essay

Jejemon Thesis

In: English and Literature

Submitted By imktrn
Words 1554
Pages 7
Kabanata II
Mga Kaugnayna Literatura at Pag-aaral Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga pang-akademiko at pang-propesyunal na babasahin na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral at pananaliksik. Ang mga nasabing literatura at pag-aaral ay nagbibigay diin sa higit na malinaw na kaalaman upang madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa, lalo na ang mga kasama sa bahaging kahalagahan ng pag-aaral.
Dayuhang Literatura at Pag-aaral “Nagbabago ang ating diksyunaryo sa magkatulad na paraan sa lahat ng oras. Taon-taon tayong nagkakaroon ng pagbabago ng mga bagong salita katulad ng breakdancing, at software. May mga salita rin na maibilis dumating at bigla na lamang maglalaho kung kaya’t hindi na ito pinapansin ng gumawa ng mga diksyunaryo”. Ito ang lumabas sa isang artikulo ni Eloisa C. Opeña sa isang magasin. Nakuha niya ito sa libro nila Silver Burdett at Ginn na Silver- Secrets, World of Reading. Ang pahayag na ito ay nagpapahiwatig lamang na sadayang likas na ang pagbabago ng wika saan mang bahagi ng mundo. Sa lungsod ng New York sa bansang Amerika, mayroong isang salitang nauuso. Ito ay ang “globish”. Isang Briton na manunulat na si Robert McCrum ang gumamit ng salitang ito sa pamagat ng kanyang aklat na nagngangalang: “Globish: How the English Language Becomes the World’s Language”. Nakuha ito ni McCrum kay Jean-Paul Nerriere na isang manunulat ng libro tungkol sa mapurol na paggamit ng Wikang Ingles. Sinabi rin na mabisa ito dahil mas madaling gamitin ang mga salitang praktikal. Halimbawa nito ay ang paggamit ng wikang strange at hindi salitang eerie. Ito ay nakuha sa isang artikulo sa pahayagang “Malaya”.
Lokal na Literatura at Pag-aaral Sa isang sanaysay na ang pamagat ay ang Nakplanong Modernisasiyon ng Wikang Filipino ni Virgilio S. Almario, sinabi niya rito ang “Malimit ko na itong sabihin at uulitin ko ngayon, ang modernisayon ng alpabetong Filipino upang dagdagn ng walong titik ay isang malaking hudyat tungo sa modernisasiyon ng Wikang Pambansa (Baka lumitas pang ti lamang ang maipagmamalaki sa kasaysayn ng achievement ng Komisyon sa Wikang Filipino mula ng itatag ito at bago patayin ng Kongreso kung sakaling matupaad ang ambisyon ng kasalukuyang tagapangulo nito na gawin itong isang bagong komisyon para sa pagpapalaganap ng mga wika sa Filipinas.) Ang pagdaragdag ng walong titik sa lumang abakada ay isang tahasang pagtanggap ng Komisyon sa limitadong tunog na kinakatawan ng 20 titik sa Abakadang Tagalog. Na kailangang idagdag sa abakada ang mga titik na gaya ng F, J, V at Z sapagkat may mga ganitong tunog na matatagpuan sa ibang katutubong wika ng Filipinas at napakahalaga samakatwid tungo sa pagiging “pambansa” ng alpabeto”. Dahil dito, naging maunlad ang ating wika. Sa paggamit natin nito sa araw-araw, nagiging mas kasiya-siya ang mga Pilipino sa pagbigkas ng mga ito. Ngunit, pasakit daw ito sa atin lalong lalo na sa mga mag-aaral dahil nadadala raw nila ito sa loob ng kanilang silid-aralan.
Ayon kay Virgilio S. Almario sa kanyang pag-aaral ukol sa wikang Filipino na nagbabago lang naman ang wika alinsunod sa nagbabago sa buhay ng gumagamit nito. Sa katunaya’y inihalintulad niya pa ito sa pagtubo ng isang halaman, aniya:
“Tulad ng halaman, lumalago ito’t namumulaklak kapag mataba ang lupa’t mapagpala ang kaligiran. Nababansot ito’t kulu-kulubot ang dahon kapag tumubo sa burak at puro peste ang nakakapit.”
Tulad ng ating wika na mananatiling buhay kung ito’y patuloy na umuunlad, nagbabago at umaaayon sa ating mga pangangailangan. Kaya nga hindi na kataka-taka na maraming uri na ng salita ang lumilitaw sa ating talasalitaan. Dagdag pa ni Almario:
“Ibang-iba na ang wikang Filipino ngayon sa Pilipino noong kabataan ko at lalo na sa pinagbatayan nitong Tagalog nina Balagtas at Lope K. Santos. May bago na halimbawang alpabeto ang Filipino na ibang-iba sa baybayin at sa ipinalit na alpabetong romanisado ng mga Espanyol at kahit sa abakadang pinalaganap noong panahon ng Komonwelt. May mga panlapi ngayong gaya ng nakaka- at n-i sa “nakakatakot” at “nilalaman” na igigiit ng mga mambabalarila na dapat isulat na “nakatatakot” at “linalaman.” May mga lumang salita na nagbago ang bigkas, gaya ng “balatkayo” na mabilis ang bigkas sa Florante at Laura ngunit maragsa ang bigkas sa pag-awit ni Anthony Castelo. May mga salitang tulad ng “kaagulo” na higit na maiintindihan kung sasabihin mong “kerida” o “kabit.
May mapapansin ding pangunahing paraan ng pagpapayaman sa talasalitaan ng ating wika sa pana-panahon.
Noon pa man, kahit ang mga musmos ay lumilikha ng mga salita para sa kanilang paglalaro. Sila lamang ang makaiimbento ng “pen-pen de sarapen” at “tong-tong pakitong-kitong” na sila lamang din ang nakaaalam kung ano ang ibig sabihin. Aliwan lamang para sa kanila ang paglasap sa mga tunog ng titik at pantig ngunit mahalaga ang naturang pag-aaliw sa pagkalikha ng maraming tinatawag nating onomatopeya: “aliw-iw” ng batis, “alit-it” ng siit ng kawayan, “pagaspas” ng hangin o bagwis, “lagaslas” ng talon, at nitong makabagong panahon, “harurot” ng kotse.
Gayunman, ang mga tin-edyer ang tunay at seryoso sa paglikha ng bagong bokabularyo. Hindi lamang nila gustong maglaro kapag umiimbento ng sarili nilang jargon. Nais nilang maging tatak ng kanilang barkada o henerasyon ang naiiba nilang paraan ng pagsasalita. Ang isang leksiyon nga sa lingguwistika ay ganito: Tumatatag ang isang sistema ng paggamit sa isang wika upang maging parang opisyal na wika ng isang tumandang henerasyon at upang tangkain namang baguhin at wasakin ng sumusunod na henerasyon. Waring bahagi mismo ng generation gap ang magkaibang paraan at pagpapakahulugan sa wika ng katandaan at ng kabataan.
Dahil sa kanilang saloobing rebelde, natitiyak kong mga kabataan lamang ang panggagalingan ng mga binaligtad na bokabularyo. At mukhang makikipagtagalan sa panahon ang ilan, gaya ng “astig” (tigas), “erpat” at “ermat” (father at mother), “datan” (matanda), at “tsekot”(kotse). May tatak din ng barkada ang iba’t ibang naging popular na paraan ng pagputol sa mga salita at paglalagay ng isang paboritong pantig. Halimbawa, “syota” (bata), “syoke” (may kike?), at “syobi” (bisyo) na maaaring inspirado ng syomai at syopaw sa pansiterya ng Chinatown. O kaya ang “dyakul” (cool?), “dyoga” (magang-maga o nakakadaga?), at “dyinggel” (jingle) na maaaring bahagi ng paglalaro sa Tinagalog na anyo ng “dyip” at “dyutay”.
Kailangan ang masusi at matiyagang paghimay sa mga naturang salitang balbal upang matuklas ang sistema sa likod ng mga naturang kodigo ng kabataan.
Gaya rin ng pangyayaring mahirap mahulaan ang paraan ng pag-imbento sa tinatawag ngayong “swardspeak” (wikang bakla). Sa tingin ko, bukod sa kabataan, pinakamasigla ngayong sektor ang mga bakla sa paglikha ng sariling kodigo. Mabilis ding kumakalat ang kanilang imbensiyon dahil sa impluwensiya nila sa mass media. Ang tawag nila mismo sa kanilang sarili ay nagkaroon na ng mga transpormasyon, mula sa “badaf” (babae dapat) na naging “bading” hanggang “muher” (mujer) at “swarding.” Hindi rin maikakait ang halina ng kanilang makulay na lengguwahe, gaya ng “imbiyerna” na malayo sa orihinal na invierna ng mga Espanyol o ng “tsugi” na hindi mo malaman kung halaw sa Niponggo o Tibetan”.
Ayon pa kay Almario, mismong mga edukadong tao ay sangkot mismo sa usaping ito. Na isa rin sa nagpauso ng mga salitang halos naging bahagi na ng ating talasalitaan. Samantala, tinawag naman itong ‘salitang siyokoy’ ni Almario, at kanyang nabanggit na:
Ang mass media mismo ay nag-aambag ng bagong salita at malimit na dahil sa mababaw na kaalaman sa wikang ginagamit. Pinakapopular na halimbawa ng ganitong katangahan ang “kaganapan” na mahirap nang alisin kahit sa dila ng mga kagalang-galang na Brodkaster Noli de Castro at Joe Taruc. Hindi naman nahuhuli sa ganitong kamangmangan ang ilang akademistang nais mag-Espanyol ngunit mahirap usisain kung saan nila napulot na diksiyonaryo ang “aspeto,” “imahe,” “pesante” (para sa magsasaka), at “kontemporaryo”.
Ayon sa isang balita mula sa GMA Network, sa pagsisimula ng taong panuruan 2010-2011, hindi lamang daw sinimulan ang paglilinis sa bawat silid-aralan, kailang din mapuksa ang pagkakaroon ng mga kabataan ng tinatawag nilang jejemon mentality. Ayon kay kalihim ng Department of Education (DepEd) na si Mona Valismo, mariin niyang tinututulan ang paggamit ng mga kabataang Pilipino ng pagbaybay at balarila nito lalo na sa paggamit ng mga kagamitang panteknolohiya katuad na lamang ng text messaging.
Nasabi rin sa isang interview ng isang jeje buster o ang mga taong ayaw sa paggamit ng jejemon na si Nheigeio Balatbat, 19 taong gulang na mag-aarl na habang isinasama mo ito sa iyong pamumuhay, nagiging parte na ito ng iyong buhay ng hindi mo namamalayan. Nakakita siya ng isang valedictorian na gumagamit ng jejemon at siya ay nabigla at nabahala sa maling balarila na ginamit niya sa knaiyang Freindster account. Nangangahulugan lamang na malaki talaga ang naging bunga paggamit ng mga modernong wika katulad nito.
Ngunit ayo kay Bishop Joel Baylon, puno ng CBCP-Episcopal Commission on Youth, ang paggamit ng mga kabataan ng jejemon ay isa lamang ekspresyon.
“Hindi kailang alalahanin ito kasi yung mga bata, gumagawa lamang sila ng mga bagy na nakpagpapasaya sa kanila..parang expression lang ‘yan, lifestyle, katulad ng paraan ng kanilang pananamit, ‘yung ayos ng kanilang buhok. Hindi ako masyadong nag-aalala dito sa jejemon na ito. Ito lamang yung paraan nila upang mailabas ng mga kabataan ‘yung kanilang mga kagustuhan at kanilang mg nararamdam.”
Samakatuwid, nakikita ng obispo na hindi hadlang ang paggamit ng jejemon sa halip ay isang paraan ng pakikipagtalamitam ng mga kabataan.

Similar Documents

Free Essay

Student

...LANGUANGE: “What are the effects of Gay Language in Filipino Language?” Submitted by Jesslyn Bautista Rianna Espaldon Dailen Pasco Erika Santos Of 2 BSTM-B Submitted to Ms. Jaja Tizon A thesis submitted in partial fulfillment of requirements for the Bachelor in Science of Tourism Management in Colegio de San Lorenzo Cultural Anthropology Dec. 15, 2014 ABSTRACT: This thesis is tackles about the study of Sward speaks or Gay Language is consumption by second year students of TSM-B in Colegio de San Lorenzo who is currently taking up the subject Cultural Anthropology. A study to understand more of the slangs and terms that made by gays. This study differs to behavior of a person that why they adapt this kind of language or slang. This gay language nowadays can be uttered by non-gay. Many researchers did have studied years ago, by the gathered information’s the community truly respects and accepts the gay speak. Contrary to expectation, the analysis showed that by uttering a word as such, the one you are talking to gives an idea of how the ones truly feel; sometimes it serves as it a role to express how you feel by saying just one gay speak term. INTRODUCTION: Bekimon, jejemon, gayspeak, conyo, street-talk are the one of the new born language in the Philippines. It was a informal manner of speaking because of the mix language, dialect and even celebrities that contains a new whole different meaning. Do you hear some word such as pabebe,......

Words: 2121 - Pages: 9

Premium Essay

Swardspeak

...include straight male and female who also uses swardspeak. This study will only be a reminder to those gays that the usage of swardspeak will not be appropriate especially when heard by the others who are not nonspeakers. VIII, Definition of Terms Swardspeak (or Chuva) is a secret language that came from the mixed language with the names Taglish and Englog. It is used by gay people in the Philippines. Swardspeak uses word from Tagalog, English, Spanish, Cebuano, Japanese, Sanskrit, and other languages. Names of Celebrities and trademark brands are also used. Gay people use Swardpeak to make themselves feel special. The language changes a lot.  People who use the language are called Bekimons. This word is from the wordsbakla (gay) and Jejemon. Swardspeak is also spoken by babaengbakla, women who associate exclusively or mostly with gay men (literally 'gay women', though they are actually heterosexual). Adaptation refers to the change by which a specific organism becomes better suited to its present surrounding or environment. It is a behavioural feature that helps something or someone to survive in its current habitat. Code Switching is a term used in linguistics that relates to the adjustments people make to the way they speak when they are moving from one language or language style to another. Code switching can include 'code mixing' - saying part of an utterance in one language, register or style, and part in another, or combining the grammatical conventions of one......

Words: 6747 - Pages: 27