Rh Bill: Kasamaan O Kabutihan?

In: Philosophy and Psychology

Submitted By emopena
Words 583
Pages 3
RH BILL: KABUTIHA O KASAMAAN?

Isinusulong ngayon ang RH Bill o mas kilala sa tawag na Reproductive Health Bill. Dahil naniniwala ang mga nagsusulong nito na overpopulated na daw ang Pilipinas, at mas madami daw ang ipinapanganak araw-araw kaysa sa mga namamatay. Ang totoo n’yan nagsisiksikan lang naman talaga ang mga Pilipino sa iisang lugar upang doon magtrabaho o di kaya’y mag-aral. Tulad sa Maynila, dahil sa madaming trabaho at mas magagandang paaralan doon, kaya naman ang mga pobreng promdi ay lumuluwas pa-Maynila. Ngunit inaakala lang nila na mas mapapaganda ang buhay sa Maynila. Dahil sa pagluwas ng maraming probinsyano, naiipon sila at nagsisimula ang mga squatters’ area. Kapag dinemolish ang bahay nila sila pa ang magagalit.

Kailangan na din daw na mabawasan ang paggawa ng bata ng mga Pilipino, ayon sa mga nagsusulong ng RH Bill. Noong minsan nga kaming nagpunta sa Tondo upang dalawin ang namayapa kong Lola, may narinig ako na tinawag ang isang lalaki na “factory ng bata”. Napansin ko na maraming mga batang nagkalat doon na naglalaro sa kalsada at nanlilimahid sa dumi, itong mga magulang naman ay walang pakialam sa kanilang mga anak kung ito man ay masagasaan. Minsan nga napagisip-isip ko na may mga batang napagkakaitan ng edukasyon. Meron nga diyang mga bata sa kalsada na nanghihingi ng pera at maaaring sa kanilang paglaki ay maging snatcher o di kaya naman ay magnanakaw. Maraming salamat sa mga nanay d’yan na imbes na magtino at magtrabaho ay buong araw na nagto-tong-its o di kaya’y naglalaro ng bingo. Imbes na pangkain na nga ng kanyang pamilya ay nauubos pa sa kanyang walang kuwentang libangan. Habang ang kanyang mga anak ay pinababayaang maglaro sa kalsada at nanlilimahid sa dumi. Ang tatay naman ay may isang pedicab driver o di kaya naman ay mangangalakal ng basura, at kung hindi namamasada o nangangalakal, tambay sa kanto at laklak maghapon.…...