Free Essay

S.I.N. the Last Piece

In:

Submitted By IceZain
Words 756
Pages 4
Chapter 1: Dream

Vennel Forest Entrance

"Bata sumama ka na sa amin delikado dito" sabi ng isang lalaki

"Sino ba kayo? Di ko kayo kilala bakit ako sasama sa inyo?" sagot naman niya

"Kasi nga delikado dito sumama kana bilis" pagpupumilit ng isang babae sa kanya

ARGGGGHHHHH...... isang ungol ang narinig nilang lahat

"Ano yun?" Tanong ni Ice sa mga kausap niya

"Maya ko na lang ipapaliwanag sayo tara na delikado dito" sabi ng babae na kausap niya

Hinawakan ng babae ang braso ni Ice,

"Ayoko ko di ako uuwi hanggang hindi ko nakikita si Amber"sagot ni Ice sa babae sabay pag alis ng kamay ng babae sa braso niya,

"Cecile tara na hayaan mo siya kung ayaw niya sumama sa atin delikado dito" sambit ng lalaki sabay pag hila kay Cecile

"Bitiwan mo nga ako Arthur!" Galit na sambit ni Cecil

"Tulungan niyo ako! Tulong" sigaw ng isang babae mula sa malayo

"A..Amber?" sambit ni Ice na may halong pagtataka.

Biglang tumakbo si Ice papasok ng gubat

"Tumakbo pa papunta sa loob talaga naman" sambit ni Arthur

"Arthur tara iligtas natin yung mga yun" sambit ni Cecile sabay hila kay Arthur

"Ayaw ko Cecile pinagbabawalan tayo na pumasok sa gubat na ito diba?" paliwanag ni Arthur

"Gusto mo rin naman malaman Arthur kung ano ang nasa loob nito eh tara na baka mapano yung bata na yun" Sagot ni Cecile

"Oo nga pero.." hindi na pinatapos ni Cecile ang sinasabi ni Arthur at hinila na siya kung saan tumakbo si Ice

"Wala nang pero pero tara na" habang hinihila ni Cecile si Arthur

"Tara" sagot naman ni Arthur

Tumakbo na silang dalawa para habulin si Ice at nakita nila ang dalawang bata ngunit nasa masamang kalagayan ngayon ang mga ito takot na takot ang babaeng nag ngangalang Amber habang nakahiga si Ice na may malay pa katabi ang isang wala nang buhay na malaking itim na oso, gulat na gulat sila Cecile at Arthur sa nasaksihan nila di nila alam kung ano ang nangyari inakay ni Cecile si Amber habang binuhat ni Arthur si Ice at umalis na sila doon na may pagtataka sa kanilang isipan.

Ilang minuto bago dumating sila Cecile at Arthur

"Amber asan ka? Amber.... Amber asan ka sumagot ka" habang tumatakbo at hinahanap si Amber

ARGGGGHHHHH......

Sinundan agad ni Ice ang ungol at nagbakasakali na dun niya mahahanap si Amber.

Pagkadating niya doon nakita niya si Amber na umiiyak at takot na takot at isang itim na oso na tingin niya ay hinahabol nito si Amber. Nilapitan niya si Amber at sinubukan na patigilan sa pag-iyak, di nagtagal ay tumigil din ito.

"I..Ice yu..yung oso.. Ice! yung oso papunta na dito!"Biglang sambit ni Amber

Laking gulat niya ng tinignan niya yung oso ay palapit na nga ito sa kanila at nakalabas na ang matatalim na ngipin nito. Nabalot ng takot ang dalawa.

"Eto na ba ang katapusan namin" nasabi na lang ni Ice sa isip niya

hinawakan ni Amber ang kamay ni Ice dahil sa takot pumikit na lang siya dahil sa takot, palapit na ng palapit na ang oso sa kanila hindi na napansin ni Amber ang pag alis ni Ice sa kamay niya isang sigaw lang ang narinig niya...

"SOUL!" sigaw ni Ice at sa isang iglap nakita niya na lang ang oso na wala ng buhay

Dumilat si Amber at nakita si Ice na nakahiga di siya makagalawa pa rin dahil sa takot kaya di niya malapitan si Ice tinignan niya naman ang oso wala na itong buhay, maya-maya ay may lumapit sa kanila na mga tao sila Cecile at Arthur ito inakay siya ni Cecile para maglakad at binuhat naman ni Arthur si Ice. Pinikit na lang ni Ice ang mata niya alam niyang ligtas na sila.

Kring.....Kring......Kring (pasensya na di ko alam ang tunog ng alarm eh ^_^)

"Anak gumising ka na diyan may pasok ka pa" sabi ng isang babae

"May pasok pa ako? ay oo nga pala" Nag inat-inat si Ice

Pagdilat ni Ice naisip niya panaginip lang pala ang lahat..

"Yung panaginip nanaman na yun" habang nakahawak sa ulo niya

"Gising na ako ma bababa na rin ako" sagot ni Ice

Tumayo na si Ice at pababa na....

"Amber Cecile at Arthur sino ba kayo?"sambit ni Ice sa isip niya

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sana nagustuhan ninyo medyo boring daw sabi nung mga kasama ko dati pero simula pa lang naman sana tutukan niyo ang kwento ko salamat ^_^

Vote and Comment wag kalimutan salamat
-HeartCid

Similar Documents